Chapter 28

41 13 0
                                    

Chapter 28

SHAWN's POV

"Sasabihin ko na kay Quera ang lahat"

Napatigil sa loob ng bibig ni E.L. ang hawak niyang kutsara na may lamang ice cream. Nasa ice cream parlour kaming dalawa ni E.L. habang hinihintay sina Aze at Quera na may ginagawa pa sa school. Hinihintay ko sila dahil manglilibre ako total birthday ko naman. At habang papunta kami rito ay marami ring bumabati sa akin, buti na lang at 'di nila ako dinudumog.

At kung tinatanong niyo kung bakit ko kasama si E.L., inimbita lang niya ang sarili niya. Period.

"Mabuti naman, naiinip na kasi ako. Gusto ko ng bumalik sa realidad" sabi niya na pinaglalaruan 'yung ice cream niya. May problema ba siya?

Taka ko siyang tiningnan.

"What do you mean by that?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin nang alanganin.

'Di ako sanay na ganito siya.

"Ibig ko sabihin na, hindi ako makababalik sa Elimsty World kapag hindi natatapos ang misyon mo kay Quera. Kaya nagpapalaboy-laboy - - - hindi 'yung mga pulubing nasa kalsada. Kundi pagala-gala lang ako rito sa mundo niyo"

"Sorry" nasabi ko na lang.

Kaya pala sa 'kin kaya 'di pa siya pweding bumalik sa mundo nila. Kasalanan ko pala.

"'Sus, wala 'yun. Ayos lang sa 'kin. Ang saya kayang gumala sa ibang mundo, at tsaka kung 'di ako napadpad dito, 'di ko makikilala si- - -" bigla siyang tumigil sa pagsasalita na parang may 'di dapat siya sinabi.

"Hindi mo makikilala si?" pang-aasar na tanong ko sa kaniya. Buti na lang walang masyadong tao rito sa spot namin kaya malaya akong nakakangiti.

Napansin ko namang naging balisa siya.

"W-warah" mas binilisan pa niya 'yung pagkain niya sa ice cream.

Mukhang may nagugustuhan na tao to si E.L.

"May crush ka sa isang tao 'nuh? Aminin mo na"

"Wala nga sabi eh. Ang kulit mo talaga. Kapag ako naasar sa 'yong tao ka, ako na mismo ang magsasabi kay Quera" pagbabanta niya pero 'di ako natinag.

"Sabihin sa akin ang ano?" Narinig ko ang boses ni Quera sa likuran ko. Sinamaan ko ng tingin si E.L. bago binalik sa poker face ang mukha ko at hinarap si Quera.

"Ahh. Wala 'yun. Bakit ngayon lang kayo?" Pag-iiba ko ng topic. Akmang uupo sa tabi ko si Aze pero hinila siya ni E.L. sa tabi niya.

Kaya no choice si Quera na tumabi sa akin. Sinamaan naman niya ng tingin si E.L. pero patay malisya lang itong kumakain ng ice cream.

"Eh kasi may nahagip na chicks 'yang si Aze kaya natagalan kami" sagot ni Quera nang maupo siya sa tabi ko.

"Nahagip ka diyan. Siya kaya ang lumapit sa akin" maang-maangang sabi ni Aze.

"Ewan ko sa 'yo. Oy Shawn, oorder na ako" kalabit sa akin ni Quera.

"Okay. Same ba ng dati?" Tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang namula.

Ahh. Yeah. The indirect kiss.

"Y-yeah" sagot niya.

Tinawag ko ang waiter at sinabi ang order niya. Umorder na rin ako para sa aming tatlo. (Oo kasama kay E.L., nakulangan eh)

Nagpalipat-lipat naman ng tingin si Aze sa aming dalawa.

"What?" Tanong ko sa kaniya.

"Nagdate na kayo dati?" Tanong niya.

Mr. Killer Smile (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon