Chapter 5

120 22 1
                                    

Chapter 5

Quera’s POV

“Killer scent, fresh body, fresh day”

“Killer scent, fresh body, fresh day”

“Killer scent, fresh body, fresh day”

Mabibigat na hakbang  ang ginagawa ko habang naglalakad patungong kwarto ni Dessy, gulong-gulo pa ang buhok ko at masasabi kong masama talaga ang gising ko.

Sinong hindi mabebeast mode kung umagang-umaga, alarm ng magaling kong kaibigan ay paulit-ulit na nagsasabing ‘Killer scent, fresh body, fresh day’?

At habang papalapit ako ay palakas nang palakas ang tunog. Hindi ba siya nagsasawang makinig sa alarm niya?

“Killer scent, fresh body, fresh day”

“Killer scent, fresh body, fresh day”

“Killer scent, fresh body, fresh day”

ARHG!!! Nakakarindi na talaga. Walang katok-katok kung binuksan ang pinto ng kwarto niya at naabutan ko siyang nakahigang nakangiti habang ang cellphone niyang ginamit na pang alarm ay nasa side table ng kama niya, hindi man lang napansin na pumasok ako sa kwarto niya.

Marahas kong kinuha ang phone niya at inoff ito kaagad. Agad siyang napabalikawas ng bangon at humarap sakin.

“Ano ba yan Quera, bat mo inoff? 'Di pa nga ako gising eh” nagkakamot- ulong pagdadabog niya. Nakapameywang at nakataas ang isang kilay kong sumagot sa kaniya.

“Ahh hindi pa gising? So sino 'tong kausap ko ngayon? ang moving talking picture ni Dessire Suarez, wow magic” sarcastic kong sabi sa kanya.

“You’re so mean” nakapout na sabi niya.

“Tigilan mo 'yan, 'di ka cute, at tsaka pweding palitan mo 'yang alarm tone mo? Nakakainis kasing pakinggan eh”

“'Wag ka nga. Ayaw mo 'nun? Gwapong boses agad ang maririnig mo?”

“Okay lang sana kung i-o-off mo agad, pero 'yung mananatili kang nakahiga sa kama mo nang ilan pang minutes para lang pakinggan ang boses na 'yan, oh please naman, istorbo ka sa tulog ko”

“Hmp. KJ mo talaga kahit kalian” kinuha niya ang phone niya at ini-on.

“Patunugin mo pa ng isang beses- - -“

“Oo na hindi na”

“Good” nang masiguro kong di na niya pinatunog yung nakakarinding alarm tone ay agad akong nagmartsa palabas ng kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko para ituloy ang naudlot kong tulog.

************
Kasalukuyan akong nasa loob ng isang convenience store para bumili ng ice cream, ako lang mag-isa kasi ang magaling kong bestfriend, ayon nakipagtitigan sa Shawn niyang nakadikit sa poster, ewan ko kung ano ang nakain ng kaibigan kong 'yun para maadik nang ganun sa lalaking tinagurian nilang ‘Mr. Killer Smile’.

Bahala na siya sa pagpapantasya niya.

Agad akong pumunta sa ref at kumuha ng isang gallon ng rocky road flavor na ice cream, pagkasara ko sa ref ay siya namang pagring ng bell hudyat na may customer at dahil malapit lang ang ref sa glass window ay nasagi ako ng customer na yun dahilan para mahulog 'yung ice cream ko.

NO WAY!!!!

“Hey you, bulag ka ba at 'di mo ako nakitang nakatayo rito? Hinulog mo pa ang kawawa kong ice cream” sigaw ko sa lalaking nakahood na nakatalikod sa 'kin. Wala ba siyang balak lingunin ako?

“Hoy, bingi ka ba Mister? Ba’t 'di mo ako harapin?!!!” sigaw ko sa kaniya.

'Di pa rin siya lumilingon, pinapainit talaga niya ang ulo ko. Nakaagaw na kami ng atensyon dito.  Lalapitan ko na sana siya ng biglang lumapit sa 'min ang isa sa mga saleslady.

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now