Chapter 18

66 13 0
                                    

Chapter 18

SHAWN's POV

Feeling ko lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas at bilis ng tibok nito.

Parang noong weekends lang ay nahirapan pa akong hanapin siya. Tapos ngayon, sa isang iglap ay nasa harap ko na siya.

Dapat masaya ako kasi nahanap ko na siya, pero ngayon ay kinakabahan ako na ewan. Parang may mali eh na 'di ko mapaliwanag.

Mixed emotions.

Sa wakas ay magagawa ko na ang mission ko.

"Dude, are you okay? Starstruck?" Narinig kong tawang pabulong tanong ni Aze sa tabi ko.

"No way" bulong ko rin sa kaniya at tinoun ko ulit ang pansin sa babaeng nasa harapan.

"- - - I hope to be friends with you all. Don't worry I won't bite you and I'm friendly" ngumiti siya sa harap naming kaklase niya.

"Miss Quera. Can you speak Tagalog?" Tanong ng isang kaklase naming lalaki.

Natawa naman siya.

Ang ganda.

Haisst. Ano ba 'tong pinag-iisip ko.

Shawn, tandaan mo. May misyon ka pa sa kaniya.

"Masyado naman kayong formal, pareho lang naman tayong estudyante dito. At oo, nakapagsasalita at nakakaintindi ako ng Tagalog"

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

Of course. Except me.

"You may go back to your seat now Miss Mascardo" sabi ng teacher namin sa kanya.

Ngumiti naman siya at nagbow sa harap namin.

At naglakad na siya pabalik sa seat niya at nung dumaan siya sa gilid ko ay...










Nginitian niya ako.

Nakakapagtataka.

At dahil nasa likuran ko lang siya ay agad kong iniwas ang tingin ko at binalik sa board.

Gumalaw naman 'tong katabi ko at sa tingin ko ay humarap sa likod.

"Hi Quera. I'm Aze. The most handsome student in FTIHS" mataas talaga ang tingin niya sa sarili niya at sinungaling.

Pati description niya sa sarili hindi totoo.

"Haha. Nice to meet you Aze" dinig ko namang bati ni Quera.

Naramdaman kong hinawakan ni Aze ang balikat ko.

"And this is my ugly - - -" binalingan ko siya at sinamaan ng tingin.

"I mean. Hot seatmeat slash bestfriend. Shawn" pagpakilala niya na naman sa kin.

Hot pala ha. Nice description.

"Hi Shawn" dinig kong bati niya sa kin.

"Hi" simpleng tugon ko na hindi siya tiningnan.

Siniko naman ako ni Aze at mahinang bumulong.

"Tingnan mo naman siya. 'Wag kang rude"

"I'm not being rude. It's just a greeting" tugon ko kay Aze.

"Haish. Ang suplado mo naman"

"Don't worry Aze. I'm not offended. And one more thing is, your friend is handsome indeed"

Tumikhim ako para mapigilan ang sarili kong ngumiti.

Mahirap na.

Hayyysss. Sa wakas ay 'di na ako mahihirapang gawin ang misyon ko kasi gumawa na ng paraan ang tadhana para magkita kami. Magiging madali na ang lahat.

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now