Chapter 37

45 9 0
                                    

Chapter 37

SHAWN' s POV

"Totoo ba ang lahat ng sinabi niya Shawn?" galit na tanong niya sa akin.

"Q-Quera, let me explain" sabi ko at dahan-dahang lumapit sa kaniya pero inangat niya ang kamay niya at pinatigil ako.

"Just stay there. I don't want to hear your damn explanation! All these time, your just playing with me? Nice one. If you want to talk to me, pag-iisipan ko. Pakakalmahin ko muna ang emosyon ko" pagkatapos niyang sabihin 'yun ay tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad palayo.

Napakuyom ako sa kamao ko at pumikit nang mariin. What have you done Shawn?

Naramdaman ko na lang kamay ni E.L sa balikat ko at tinapik ito ng dalawang beses.

"Sana this time magawa mo na ang misyon mo. Goodluck Shawn. Hanggang sa muli" sabi niya malapit sa tainga ko. Naglakad na siya flinick ang daliri bago siya mawala ng parang bula sa harap ko at nag-iwan ng glitter dusts.

Naiwan akong mag-isa sa memorial park at binalikan ang mga nangyari. Now Quera already know about my mission.

I guess, this is the right time to tell Quera everything she need to know.

Goodluck to me.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Condolence Shawn"

"I'm sorry for your lose Shawn"

"Naaawa ako kay Shawn"

"Oo nga eh. Wala na kasi si Aze"

Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang mga bulungan ng mga schoolmates ko habang papunta ako sa Senior High Department.

Inayos ko ang pagkakalagay ng hood sa ulo ko at nilagay sa magkabilang bulsa ng  jacket ko ang mga kamay ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Ganoon pa rin ang nariring ko mula sa mga schoolmates ko nang makarating ako sa first floor ng Senior High Department. Kasabay ko ang ilang mga classmates ko na napansin yatang wala akong gana ngayong araw kaya 'di na lang nila ako nilapitan.

Binagalan ko ang paglalakad ko para mauna sila dahil obviously, gusto ko ng mapag-isa.

Nang mapansin kong konti na lang ang mga estudyanteng kasabay ko, nag-umpisa na akong maglakad, pero nang makahakbang na ako sa unang hakbang, may nakasabay ako sa pag-akyat.

Napansin din niya yata ako kaya lumingon din siya sa akin. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang sandaling magtama ang mga paningin namin pero inirapan lang din niya ako.

"Quera- - -" dali-dali siyang umakyat ng patungong second floor at 'di man lang pinatapos ang sasabihin ko.

"Quera wait!" Tawag ko sa kaniya pero 'di na niya ako nilingon pa.

Napabuntong hininga bago humakbang paakyat sa floor ng Grade 12, sa second floor.

Ganoon pa rin ang tiningan ng mga kaklase ko nang pumasok na ako sa loob ng room pero nananatili lang silang tahimik.

Dumiretso ako sa seat ko at nakita ko si Quera sa seat niya na likod lang ng sa akin na natatabunan ng libro ang mukha niya.

Nang makaupo ako ay agad akong humarap sa likod.

"Quera" tawag ko sa kaniya.

"What?" sabi niya na 'di man lang binaba ang hawak niyang libro.

"Mag-usap tayo. Ibaba mo muna 'yan"

"And why would I? Wala tayong dapat pag-usapan pa 'di ba?" Malamig na sabi niya.

"Quera please. I want to make all things clear. You just misunderstood everything. Just let me explain it to you" sabi ko pero 'di na niya ako sinagot pa.

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now