Chapter 33

42 8 0
                                    

Chapter 33

SHAWN's POV

Sembreak na at hanggang ngayon ay 'di parin natatanggal sa isip ko ang nangyaring aminan namin ni Quera sa loob ng kotse ko last week.

Nakakabakla mang sabihin pero hanggang ngayon kapag naiisip ko 'yun, hindi ko mapigilang  hindi mapangiti, pero siyempre nasa kwarto lang ako naglalagi para walang makakakita.

Bigla kong naalala ang planned sembreak date namin ni Quera.

What if gawin ko 'yun?

Baka isipin naman 'nun, uto-uto ako.

"Haiist" ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko.

Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung ano ang unang pagtutuunan ko ng pansin.

Ang nararamdaman ko ba


O




Ang misyon ko kay Quera???

Kung pwedi lang makahingi ng tulong kay Lady Ngiti.

Napapikit nalang ako at hindi ko namalayang nakatulog pala ako.



Wait. Nandito na naman ako sa Elimstic World? Nagkatotoo ang iniisip ko. Ang tagal na rin pala noong huling punta ko rito.

Nasa tanggapan ako ni Lady Ngiti. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makitang ibang elimsty.

Tanging ako lang ang nandito.

"Lady Ngiti!!!!" Sigaw ko sa loob, narinig ko namang nag-echo ang boses ko sa loob.

Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa trono niya. Bigla nalang itong nagliwanag at naglabasan ang iba't ibang kulay ng glitter dusts at biglang lumitaw ang nakaupo na si Lady Ngiti at tumayo sa isang mahinhin at eleganteng paraan. Bumaba siya sa hagdan at lumakad papalapit sa kinatatayuan ko.

"Bakit ka pa bumaba Lady Ngiti? Ako na lang sana ang umakyat papunta sa upuan niyo" sabi ko sa kaniya pero sinuklian niya lang ako ng matamis na ngiti. Kakaiba talaga ang ngiti ng isang elimsty, makikitaan mo talaga ng kagandahan. But don't get me wrong, wala akong gusto kay Lady Ngiti.

"Kasi si Quera ang gusto mo?" gulat akong napatingin sa kaniya. Nakalimutan kong  nakakabasa pala siya ng isip.

"Ah eh, kasi Lady Ngiti, tama ba 'tong nararamdaman ko? Puro bang pagkagusto ang nararamdaman ko o dahil lang ba ito sa misyon ko kaya ako nagkaroon ako ng ganitong nararamdaman? Lady Ngiti, gulong- gulo na ako. Hirap na hirap na ako. Sa tuwing nakikita ko si Quera, naiisip ko na kailangan kong gawin ang lahat para matapos ang misyon ko, pero kapag nawawala sa isip ko ang misyon ko, pakiramdam ko, si Quera lang ang kailangan ko, na siya lang ang gusto ko" nakaramdan na naman ako ng lungkot sa tuwing iniisip ko ang feelings ko para kay Quera. Bakit ang complicated ng sitwasyon namin?

"Sigurado ka bang gusto mo siya?" Tanong niya sa akin at tinitigan ako nang mapanuri.

"Lady Ngiti, tulungan mo akong mahanap ang totoong sagot sa tanong na iyan" wala akong natanggap na response sa kanya, sa halip ay ngumiti siya sa akin at biglang tumalikod.

Ikinumpas niya ang wand niya at itinutok sa ere. Biglang nagkaroon ng malaking projector na gawa sa clear na usok. Kagaya ng kung saan ko nakita ang scene na isinumpa ako ni Quera. Lumabas dito ang ilang mga imahe.

"Shai" bigla kong nasambit ng makita ko ang mukha ni Shai na nasa projector. Ang tagal ko na ring 'di nakita ang mukha ni Shai.

"Oo, iyan ang kaibigan mong si Shai na patago mong minahal. Ngayon Shawn" tinutok niya ang wand niya sa projector kasabay ang paglabas ng glitter dusts at ang paglitaw ng imahe ni Quera. Nasa left side si Shai at sa right side si Quera. Nakatitig lang ako sa picture nila hanggang sa tawagin ako ni Lady Ngiti.

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now