Chapter 13

68 14 1
                                    

Chapter 13

SHAWN's POV

"I'm declining the movie project"

As soon na makaupo ako sa upuan sa loob ng CEO's office, 'yun agad ang sinabi ko. Kinakabahan man, pero 'di ko pinahalata.

Buo na ang desisyon ko. 'Di ko tatanggapin ang movie project.

"Are you out of your mind Shawn?!! Sinabi mo sa 'kin na tatanggapin mo ang movie project, tapos ngayon? Ano bang kalokohan 'to?" galit na saad ni Kuya Roy na tumayo pa sa kinaupuan niya.

Expected ko na ito agad ang sasabihin ni Kuya Roy. Alam kong magagalit siya sa magiging desisyon kong 'to.

"Calm down Roy. Let Shawn explain" pagpakalma ni Mngr. J kay kuya Roy.

Labag sa loob na umupo si Kuya Roy habang hilot-hilot ang nose bridge niya at nakapikit at pinapakalma ang sarili niya.

"Shawn, bakit ayaw mong tanggapin ang offer ko?" Kalmadong tanong sa 'kin ni Mr. Marious.

"For some personal reasons Mr. Marious" sagot ko.

"Is your decision final Shawn?" tanong niya.

"Opo" sagot ko habang marahan na tumatango.

"Okay seems like buo na desisyon mo. Ibibigay ko nalang sa ibang teen artists ang movie project. I hope you will not regret your decision Shawn. Dahil kung ako ang tatanungin, sayang talaga, this project will be your biggest break" saad ni Mr. Marious na halata sa boses ang disappointment at panghihinayang.

F*CK!!! Ngayon palang nasasayangan na ako. Kung alam lang nila kung gaano ko kagusto 'yung movie project na inooffer nila.

Kailangan ko lang gawin 'to. Labag sa loob kung gagawin 'to, pero kailangan. Kung sila lang ang nasa posisyon ko, alam kong ganito rin ang gagawin nila.

F*CK THIS CURSE!!!

"I'm sorry po talaga Mr. Marious" pahingi ko ng paumanhin habang tumayo at bahagyang yumuko.

"I understand Shawn, lalo na't kamamatay lang ng kaibigan mo, mukhang kailangan mo pang mag-adjust" sabi niya at tinapik ang balikat ko.

Mabuti na lang at mabait ang CEO namin. Kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Thank you for understanding Mr. Marious"

"You're welcome Shawn"

Nginitian ko lang si Mr. Marious at lubos ang pasasalamat ko na naintindihan niya ang naging desisyon ko.

"Mr. Marious. I think we need to go"

Biglang bumalik ang kaba at takot ko nung biglang nagsalita si Kuya Roy.

"Oh sure. See you next time"

Sabay kaming tatlo na nagbow sa harap ni Mr. Marious.

"Let's talk outside Shawn"

Kinakabahan man ay tumango na rin ako. Handa na ang mga tenga ko sa sermon niya.

Binuksan ni Mr. Salazar ang pintuan ng office. Pagkalabas namin ay galit na sermon agad ni kuya Roy ang narinig ko.

"Mind explaining what just happened Shawn?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Bakit ba kasi kailangang mag-interrupt ni Kuya Roy sa mga desisyon ko?

"Kuya Roy, 'di ko pweding sabihin ang rason ko. At pwedi ba kuya na tanggapin niyo na lang ang desisyon ko? 'Di naman sa lahat ng pagkakataon ay ikaw dapat ang magdedesisyon. Please stop interrupting my decisions" saad ko sa kaniya.

Mr. Killer Smile (√)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora