Chapter 20

52 11 0
                                    

CHAPTER 20

SHAWN's POV

"Where have you been?"

Kapapasok ko pa lang sa bahay ay boses agad ni Kuya Roy ang bumungad sa 'kin.

Nasa sala siya kasama si Mom at si Yena na sabog pa ang buhok. Mukhang kagigising lang.

Tsineck ko ang relo at narealize kong 7:30 na pala.

Mukhang napahaba ang usapan namin ni Quera sa plaza kaya natagalan ako.

Nagtataka lang ako kung bakit nandito si Kuya Roy nang ganito ka- aga at naka formal suit pa na mukhang papunta palang sa company.

"Good morning everyone. What brought you here kuya Roy? 'Di ka pa pupunta sa company" Tanong ko sa kaniya.

Sa pagkakaalala ko kasi ay wala na kaming dapat pag-usapan kasi wala na naman ako sa showbiz world kaya bakit pa siya nandito?

Ano na naman ang pakay niya?

"Where have you been?" Ulit niyang tanong sa akin pero this time, mukha na siyang nabobored. 'Di ko pala nasasagot ang tanong niya.

"Sa plaza lang. Bakit po?" Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng tubig sa ref at uminom.

Narinig ko naman ang mga yabag niya na palapit sa akin.

"I have some important matter to talk to you" pagkasarado ko sa ref ay binalingan ko siya agad.

"What matter kuya?" Kunot noong tanong ko sa kanya pero seryoso lang ang mukha niyang tinitigan ako. Tiningnan ko si Mom pero nagkibit balikat lang siya.

"Before I tell it to you, maligo ka muna. Nangangamoy pawis ka" parang bored lang na sinabi niya sa akin 'yun.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Inamoy ko ang sarili ko.

Haisst. Amoy pawis nga. Nakakahiya naman. Baka naamoy 'to ni Quera kanina.

"Pfffffttt." Binalingan ko ng tingin si Yena na nagpipigil ng tawa at sinamaan siya ng tingin.

"Stop laughing Yena, you too. Maligo ka na rin" napatigil naman si Yena at dali-dali siyang umakyat sa kwarto niya at sumunod naman ako at pumasok sa kwarto ko at naligo.

-+-+-+-+-+-+-+-+-+-

Naabutan ko sila Mom at Kuya Roy na nasa sala at nagkukwentuhan ng kung ano-ano man nagtatawanan pa sila pero si Kuya Roy ay tipid lang ang tawa niya.

Nang maramdaman nila ang presensya ko (multo lang?) ay tumigil sila sa pag-uusap.

Ngitian ako ni Mom bago siya tumayo at umupo ako sa sofa.

"Ihahanda ko lang ang breakfast. Mag-usap muna kayong magpinsan" sabay kaming tumango ni Kuya Roy bago pumunta si Mom sa kusina.

Nagkatinginan kami ni Kuya Roy bago siya magsalita.

"Sa pool tayo mag-usap" una siyang tumayo. Sumunod naman ako sa kanya.

Naupo siya sa beach bed. Umupo naman ako sa katabing beach bed.

~~~Awkward silence~~~

Siya na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"How's school Shawn? In a real school" tanong niya sakin.

"It's fine. Medyo naninibago lang" sagot ko naman.

Silence na naman. 'Di pa rin siya nagstraight to the point. Alam kong may mahalaga siyang sasabihin sa kin.

Narinig ko siyang nagbuntong hininga bago siya magsalita.

"I'll go straight to the point, napanood mo na ba ang news sa suppose to be project mo?" 'Di niya ako tinitingnan habang tinatanong 'yun. Siguro galit pa rin siya sa 'kin hanggang ngayon.

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now