Chapter 10

89 16 0
                                    

Chapter 10

SHAWN's POV

"Maligayang pagdating sa Elimstic World tao"

Agad kong binaling ang ulo ko sa unahan na parang isang trono ng mga hari't reyna. May limang hakbang pataas at 'dun may isang malaking upuan na ginto na napapalibutan ng mga bulaklak at nakaupo 'dun ang isang babaeng nakangiti nang ubod ng tamis. Wala akong ibang masabi kundi ang ganda niya sobra. And her smile, hindi ka magsasawang tingnan ang ngiti niya. Nakasuot siya ng isang mahabang pink na gown at sa dulo nito ay nagkikislapang glitters, may flower crown siya na iba-iba ang kulay ng bulaklak at may hawak siya na isang wand. Masasabi kong iba siya sa ibang 'Elimsty' dahil sa itsura palang niya ay nakatataas na siya.

"Sino ka? Bakit ako nan - - - Hoy ano ba?"

Bigla nalang kasi akong hinila ng kasama ko at pinaluhod, sakit sa tuhod 'nun.

"Magbigay galang ka sa Lady" sabi niya na nakayuko.

At dahil nga masunurin ako eh umayos ako ng luhod at yumuko.

"Hi Lady. Nice to meet you po. How are you - - - Arayy!! Ano bang problema mo?"

Bigla nalang niya kasi akong siniko sa tagiliran ko. Bumati na nga ako eh.

"Ayusin mo nga 'yang pagsasalita mo!!! Hindi ganyan ang tamang paggalang at pagbati sa pinuno ng mga Elimsties (plural). Manahimik ka na lang diyan" bulong niya sa 'kin.

"Oo na. Daming alam nito" pabulong na sabi ko.

"Narinig ko 'yun" aba't narinig niya pa rin? Ang hina na nga nun eh. Sabagay matulis nga naman ang tenga niya. Palihim naman akong natawa sa naisip ko.

"Nabasa ko ang iniisip mo tao" pambihira talaga. Wala talaga akong takas nito. Manahimik ba nga lang ako.

"Maaari na kayong tumayo" sabi nung babae.

Tumayo 'yung kasama ko kaya tumayo na rin ako. Tiningnan ko 'yung babae na nasa harap namin. Nasa labi pa rin nito ang ngiti niya.

"Ngayon ay maaari mo ng itanong ang mga nasa isipan mo" sabi niya habang nakatingin sakin

"Sino ka at bakit ako nandito?" tanong ko sa kaniya.

"Ako si Lady Ngiti, ang pinuno ng mga Elimsties at nandito ka dahil ginusto ko"

"Joke ba 'to?" natatawang tanong ko.

This is unbelievable. Ako na si Shawn Mikael Leandro napadpad sa Elimstic World daw at kaharap ang pinuno ng mga Elimsties? This is driving me crazy.

"Natawa ka ba sa sinabi ko?"

"Hindi"

"Kung ganun ay kailangan mong maniwala sa lahat ng sinasabi ko"

"Okay fine. Pipilitin kong maniwala sa sinasabi mo"

"Mabuti"

Naglakad siya sa pababa sa hagdan at bawat hakbang niya ay nag iiwan ng mga glitters at maya-maya lang ay biglang nawawala.

Nasa harap ko na siya ngayon.

"Nandito ka sa mundo namin dahil may importante akong sasabihin sayo"

"And that is?"

"Kailangan kitang parusahan"

"Parusahan? Are you kidding me? Ba't mo naman ako paparusahan eh ngayon nga lang tayo nagkita eh. Anong kasalanan ko sa 'yo?"

Grabe. Parusa? Ano namang kalokohan 'to? Why do I need to be punish?

"Dahil kay Quera" at sino naman 'tong Quera na 'to?

Mr. Killer Smile (√)Where stories live. Discover now