CHAPTER 2: School

2.8K 71 2
                                    

WELCOME TO CLASH OLYMPUS ACADEMY

AC's POV

Habang naglalakad kami sa hallway ay nakasalubong namin sila Matt. Kasama ang ibang Clashers.

"Oh Kate aga mo ah." sabi niya.

"Oo eh may nambulabog kasi eh." sabi ko at tinignan ang taong katabi ko na nakatingin na parang sinasabi niya 'what?'

"Ahh kaya pala." sabi niya habang pigil ang pagtawa.

"Sina Lexie wala pa ba?" tanong ko at lumingon lingon sa paligid para tignan kung meron na sila.

"Ahh nandoon sa garden." sabi niya at tinuro yung garden.

"Ahh sige puntahan ko na sila ah." sabi ko.

"Ahh sige punta nadin kami sa tambayan baka makita na naman kami dito ehh. Magkagulo pa." sabi niya.

"Hahaha oo nga." sabi ko naman at tumawa ng mahina.

"Sige na Ethan lika na." sabi niya sa taong katabi ko.

And yes si Ren Ethan Morris ang kasama ko mula pa kaninang umaga sa bahay. Siya lang naman ang leader ng Clashers at siya ang nag iisang bestfriend ko. Siya ang Gangster Bestfriend ko simula pa ng bata pa kami. At gaya nga ng sabi ko mahilig mambulabog itong taong to. At mahilig din mang asar. At siya lang tumatawag sakin ng AC ewan ko kung saan niya napulot ang nickname ko na yun ang layo sa pangalan ko nun eh. Baliw po kasi siya. Wag nalang kayong maingay. Gangster yan eh.

"Sige una na ko bye kita nalang mamaya sa cafeteria." sabi ko habang paalis na at kumaway.

Pumunta ako ng garden sa likod ng office. Nakita ko naman sila Lexie, Alexa at Trixie na nag uusap. Lumapit ako sa kanila at naupo. May maliit kasi na kubo dito open siya at may mga upuan. Kaya ako naman itong si gusto ng may tambayan kaya nirequest ko kay Tito Rudy na dady ni Ren na kung pwede namin gawing tambayan ito at ok lang naman daw. Close kasi kami at akala nila na masungit siya pero hindi. Sila kasi ang may ari ng skwelahan na ito.

"Uy anjan na pala si Kate eh." sabi ni Alexa habang naka tingin sakin.

"May nambulabog kasi kanina sa bahay eh." sabi ko naman

"Sino naman?" tanong naman ni Lexie na inaayos ang sarili at naglalagay ng makeup.

"Sino pa ba?" sagot ko.

"Oh my gosh girl wag mong sabihing nagpunta na naman si fafa Ren sa bahay niyo?" sabi naman ni Trixie na excited. Tsk ano pa bang bago at parang gulat pa to?

"Totaly" maiksing sagot ko. Habang sinasagutan ang assignment ni Ren.

"Kyahhhhhhh!! haba ng hair mo girl." sigaw nilang tatlo na ikinagulat ko.

"Wag nga kayong maingay nasa likod lang tayo ng office." saway ko sa kanila at agad naman silang tumigil.

"Pero girl ano ba talaga kayo ni fafa Ren?" tanong ni Trixie na kaagad kong kinalingon.

"Huh? Anong klaseng tanong yan? Syempre bestfriends." sabi ko. Yun naman talaga eh diba?

"Ahh bestfriends. Ok sabi mo hahaha." sabi nilang tatlo na sabay sabay tsaka nagtawanan.

"Ang dami niyong alam. Halina nga kayo baka malate pa tayo sa first class natin eh." pagyayaya ko sa kanila at inayos ang gamit ko.

"Sige tara na" sabi naman ni Alexa.

Habang naglalakad kami at nung malapit na kami sa room ay naalala ko ang assignment ni Ren.

"Girls mauna na kayo ha? May pupuntahan lang ako saglit lang to promise." sabi ko at tsaka umalis na.

Nako naman kasi nasaan ba tong Pikachu na to. Baka nagtataka kayo kung bakit Pikachu tinatawag ko minsan kay Ren no? Ganito kasi yan kapag natagalan siya sa arawan ay namumula yung pisngi niya na parang kamatis kagaya ni Pikachu na may pula sa cheeks kaya yun hahaha. Wag nalang kayong maingay. So naglakad ako papunta sa tambayan nila sa 3rd floor na mga seniors ang nandoon may isang room kasi na walang laman doon kaya ginawa nilang tambayan.

So nung nakarating na ko doon ay as usual nagkwekwentuhan na naman sila at nagtatawanan kaya pumasok nalang ako. Aba hindi ata nila ako napansin.

"Hmmm" sabi ko na parang nauubo. Kaya lahat sila nagtinginan sakin uh oh AWKWARD.

"Oh Kate nanjan ka pala." sabi ni Kurt.

"Ay hindi wala hologram ko lang to Kurt." sarcastic na sabi ko.

Malamang nadito ako hayy nako sarap sakalin ng mga to kahit kailan talaga.

"Ayy hindi pala siya yan ehh sige tuloy na natin yung pinag uusapan natin." sabi naman ni Mike.

"Alam niyo sarap niyong sapakin no?" sabi ko habang naka irap.

"Oh siya Ren eto na yung assignment mo oh. Sana naman sa susunod gawin mo na ha?" sabi ko at inabot sa kanya yung notebook niya.

"Thanks." maikling sabi niya.

"Welcome." sabi ko naman.

"Nga pala baka di niyo po alam mga mister ano, malelate na ho kayo sa first class niyo." sabi ko habang naka cross arm.

"Kung malelate kami ganon ka din." sabi ni Matt.

"Oo nga una na ko sa inyo bye!" sabi ko habang paalis at kumakaway.

Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla nalang silang naglakad papunta sakin. Kaya naman para may body guards ako hahaha shhh wag kayong maingay mga gangster to eh.

Kinakabahan ako habang naglalakad kasi kung malelate ako ngayon ito ang first time ko.

Ng malapit na kami sa room ay tahimik na at wala ng mga estudyante sa labas kaya naman mas lalo akong kinabahan. At nang papasok na kami ng room ay nagtuturo na si Ms. Sanchez. Bat ba kasi pumunta pa ako dun dapat hinintay ko nalang na pumunta sila dito kasi kaklase ko naman sila eh. Hayy ang tanga mo Kate.

"Ms. Montenegro why are you late?" bungad sakin ni Ma'am Sanchez.

"Im sorr-" naputol yung sasabihin ko ng magsalita si Ren.

"She's with us" maikling sabi niya.

"So tell me Mr. Morris where have you been?" tanong ni Ma'am Sanchez na nakataas pa ang kilay.

"It's none of you business Ms. Sanchez." sagot naman ni Ren.

Uhhg kahit kailan talaga tong taong to walang kinatatakutan.

"I'm sorry Ma'am di na po mauulit." panghihingi ko ng tawad.

"Let us in or you'll gonna be kick out in this school Ms. Sanchez." pagbabanta ni Ren at tinignan ko si Ma'am Sanchez na parang namutla. Kaya wala na siyang nagawa kundi papasukin kami.

Siniko ko naman si Ren dahil sa ginawa niya. Nagtungo na kami sa upuan namin at dahil magkatabi kami ay kinausap ko siya pero hindi malakas.

"Ano sa tingin mo yung ginawa mo?" tanong ko sa kanya na parang naiirita.

"I'm just stating the truth that you are with us."walang emosyong sagot niya.

"Alam mong hindi yun yung ibig kong sabihin." sagot ko habang naka tingin sa kanya.

"Just forget about it AC." walang emosyon sabi niya. Kaya wala na akong nagawa kundi tumahimik nalang.

Ewan ko sa lalaking to bigla bigla nag ienglish pag nasa school. Bipolar lang.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now