CHAPTER 35: Bitter sa Dinner

1K 42 0
                                    

AC's POV

Habang naka upo kami ni Xander sa balcony ay tinawag na kami ni Kurt.

"Kate baba na kayo kakain na." sabi niya at umalis na.

"Tara na Xander kain na tayo. Tawagin ko lang yung ibang girls sa kwarto." sabi ko at tumayo na sa pagkaka upo.

Nagtungo lang ako sa kwarto tinawag ang mga girls.

"Alexa tara na kain na tayo bangon muna kayo jan!" sabi ko sabay yugyog sa kanila.

Agad naman silang bumangon at sabay sabay na kaming bumaba kasam si Xander.

Nang nakababa na kami ay naghahanda na sila ng pagkain. Umupo lang ako at tumabi naman sakin si Xander. Sa kanan ko si Xander at sa kaliwa ko naman si Alexa.

"Kate hindi jan ang upuan mo dito." turo ni Mike sa upuan na nasa harap ko.

"Hindi ok na ko dito." sagot ko naman.

"Magkatabi daw kayo ni Ethan eh." sabi niya ulit.

"Ok lang ako dito." sagot ko nalang.

Naka upo na kaming lahat at ok lang ba talaga ako dito? Ganito kasi yung ayos namin eh.

Trixie Mike Ren Angel Blake
Matt
Lexie Alexa Ako Xander Kurt

So ang tanong ok lang ba ako? Nagsimula na kaming magdasal at kumain.

Pagkatapos naming magdasal ay kumain na kami. Kukuha na sana akong kanin ng lagyan ni Xander ang pinggan ko.

"Salamat!" pagpapasalaman ko.

"Kurt paabot naman ng adobo! " sabay naming sabi ni Ren.

Kinuha naman ni Kurt at binigay sakin. Nilapag ko naman sa harap ko at kukuha na sana ako ng kinuha ni Angel yung hita. Para sakin kasi yun eh.

"Wala na bang hita?" tanong ko.

"Meron pa yata." sagot ni Xander at naghanap ng hita sa bowl. Nang may nakita siya ay nilagay niya kaagad sa pinggan ko.

"Salamat." sabi ko at kumain na.

Habang kumakain ako ay parang gusto ko ng bagoong kaya tumayo ako at naghanap ng maliit na bowl. Naghanap lang din ako ng kamatis at habang naghahanap ako ay tumayo naman si Ren.

"Anong hinahanap mo? " tanong niya.

"Nasan yung kamatis?" tanong ko.

"Nasa ref aanhin mo ba?" tanong niya ulit.

"Uulamin ko bakit may reklamo ka?" tanong ko din sa kanya.

"Uy pahinge ako. Tulungan na kita jan!" sabi niya at hindi ko lang siya pinansin. Nang maihalo ko na ay bumalik na ako sa lamesa at agad silang nagtinginan sakin.

"What?"tanong ko.

"Kumakain ka ng bagoong?" tanong ni Xander.

"Oo naman ang sarap kaya." sagot ko naman.

"Talaga?" tanong niya ulit.

"Tikman mo kasi oh." sabi ko sabay subo sa kanya.

"Masarap nga." sabi naman niya at naka tingin samin ngayon si Ren na parang nakakamatay ang tingin.

"Penge din ako." sabat niya at kumuha.

Hindi lang ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain.

"Angel di ka kumakain ng bagoong? " tanong ni Ren kay Angel.

"Nope. Ayaw ko kasi ng amoy eh." maarteng sagot niya.

"Ah ok. Mag ulam ka ngalang ng gulay." sabi niya sabay abot ng chapsuy.

"Girl lalanggamin na ko." bulong ni Alexa sakin.

"Bilisan mo nalang kumain jan." sagot ko naman parang nawawalan na ako ng gana.

"Ren sayo nalang tong mushroom ayaw ko kasi sa mushroom eh." sabi ni Angel at sinubo kay Ren yung mushroom.

Parang nawalan yata ako ng gana ah. Parang ayaw ko na tuloy kumain. Tumayo na ako at nagtungo sa ref para kumuha ng tubig. Kumuha lang din ako ng baso at uminom na.

"Oh AC tapos ka na? Ang konti naman ng kinain mo?" tanong ni Ren.

"Busog na ko tsaka nawalan na kasi ako ng ganang kumain." sagot ko naman.

"May medicine ka sa kwarto ko dun sa may drawer kumain ka kasi ng bagoong eh baka atakihin ka ng asthma mo." sabi niya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Sige kukunin ko na." sabi ko at nang aakyat na ko ay nagsalita na naman siya.

"Nakalock pala yung room ko nasakin yung susi." sabi niya kaya bumalik ako doon.

"Nasaan?" tanong ko sa kanya habang inaabot ang kamay ko.

"Nasa bulsa ko kunin mo nalang." sagot niya at ano daw kunin ko sa loob ng bulsa niya?

Ginawa ko lang ang sinabi niya at nagtungo sa likod ng upuan niya. Habang naka upo siya ay kinakapa ko yung susi. Tingin naman ng tingin sakin si Angel.

"Oh Kate baka iba yung makapa mo jan." sabat ni Mike. Kahit kailan talaga madumi ang utak nitong taong to.

"Eto na." sabi ko sabay taas ng susi. "Kunin ko na ah." sabi ko at umakyat na sa kwarto niya.

Binuksan ko lang ang pinto at nagtungo sa drawer niya at kinuha ang gamot ko. Nilock ko lang ulit at bumaba na.

Binigay ko lang ulit ang susi at nagtungo na sa Ref para kumuha ng tubig. Ng mainom ko na ang gamot ay nagtungo lang ako sa sala para manood at sakto namang patapos na din silang kumain.

Clashers lang ulit ang naghugas ng mga pinagkainan at kami naman ay nanonood lang nagkukumpulan kami sa isang sofa habang si Angel ay nasa single sofa lang. Kawawa naman pumunta punta pa kasi dito.

Nanood lang kami at nang matapos na silang maghugas ng pinggan ay nag usap usap lang kami kung saan matutulog yung iba.

"So Alexa, Lexie, Trixie sa room nalang kayo ni AC matutulog. Clashers will stay on my room kasi malawak naman. Yon so yung dalawang natitira may dalawa kaming guest room dito doon sa tabi ng room ni AC at sa tabi ng room ko. So are we settle? " tanong niya samin.

"Yup were all set" sagot ko naman

"So akyat nalang kayo kung matutulog na kayo dahil maaaga tayo bukas kasi mejo malayo yung beach na pupuntahan natin." sabi niya ulit.

"Paano pala bukas? Kasya ba tayo sa iisang sasakyan?" tanong ko.

"Yung kotse ko tsaka yung Van ng Clashers yung gagamitin" sagot naman niya.

"So let's divide the group." suggestion ko naman.

"Lima lang yung kasya sa kotse and the rest sa Van na" sagot naman niya.

"Sa Van nalang ako." sagot ko naman.

"No doon ka sa kotse ko same as Angel,Xander and Alexa and the rest sa Van na." pagtututol niya.

"Sa van nalang ako!" ayokong makasama si Angel eh. Bakit ba?

"No! " matigas niyang sabi.

Lagi nalang siya ang nasusunod. Wala na ba akong karapatan? Ok sana kung wala lang si Angel! Dumating dating pa kasi yang babaeng yan! Kalande. 

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now