CHAPTER 71: Questions

414 16 0
                                    

AC's POV

Malalim na ang gabi kaya napagpasyahan ko nang bumalik sa kwarto. Pero teka nga lang nasaan ba tong Pikachu na to.

"Blake. Nasan si Ren?" tanong ko kay Blake na imiinom.

"Akala ko ba magkasama kayo?" tanong niya naman.

"Wala umalis siya kanina. Gusto ko na kasing pumunta sa kwarto eh. Baka pwedeng sabihin mo nalang sa kanya pag nakita mo. Matutulog na ko don." sabi ko at umalis na.

Nasan na ba kasi yon? Kung saan saan naman kasi nagpupupunta. Tawagan ko nalang kaya?

Nagmadali akong pumasok sa kwarto at hinanap ang aking cellphone.

Matawagan nga to kung nasaan. Habang nagriring ay may tumunog sa side table.

Nako naman bakit kasi iniiwan niya tong phone niya. Bahala na nga siya jan. Matutulog na ko.

Nahiga na ako at hindi nagtagal ay naka tulog na ako.

Ren's POV

Kung sino sinong hinahanap nandito naman ako. Kahit pa sabihin niyang napaka possessive ko wala akong paki alam.

Nandito ako sa kubo na mejo malayo sa resthouse naka upo ako habang umiinom. Pang sampong bote ko na yata ito pero hindi pa ako nalalasing.

"Why is she looking for someone else. Ano pa bang hahanapin niya? I'm handsome, my body is fit, matangkad din ako. Ano pa bang hahanapin niya?  Kung sa pagkain busog ka na sakin may sobra pa." sabi ko sa aking sarili.

I don't know but this girl's making me crazy. And it's pissing me of by hearing other guys name from her.

Nanatili lang akong naka upo at nang maubos ko na ang iniinom ko ay nahiga ako habang nag iisip kung paano ba ako manliligaw sa babae na yon.

Naalala ko lang na hindi pala ako nanligaw sa kanya.

"How do I even start? I didn't even know how to court. I don't court girls they court me." kinakausap ko na naman ang sarili ko mababaliw na yata ako.

Pumikit lang ako habang nakahiga. Ilang sandali pa ay naka tulog na ako.

Sa gitna ng pagtulog ko ay naalimpungatan ako nang may marinig akong malakas na kaluskos.

Sino ba yon? What the hell is that?  Wala akong nagawa kundi ang tumayo sa pagkakahiga at hinanap kung saan nanggagaling ang kaluskos. Siguraduhin lang ng gumawa ng ingay na may dahilan siya kung hindi wag na lang siyang magpapakita sakin.

Naglibot libot ako sa paligid at nang wala akong makita ay bumalik na ako sa pagtulog.

Mejo napasarap ang tulog ko at hindi ko na namamalayan na magtatatnghali na pala. Inayos ko ang sarili ko at naglakad na pabalik sa resthouse.

AC's POV

Saan ba kasi nagpunta ang lalaking yon? Umaga na pero wala parin. Nagising nalang ako at nakitang wala siya sa tabi ko.

Bumaba ako at nakita ko naman si Blake na nasa kusina.

"Nakita mo ba si Ren?"

"Hindi ko pa siya nakikita simula kagabi. Hindi ba siya umuwi?" tanong naman niya.

"Hindi wala eh, wala siya kaninang nagising ako. Magtatanghali na pero wala parin siya." alalang sagot ko.

Nasaan ka na ba kasi? Ligtas ka ba?

Umupo ako sa hagdan na naka patong ako ulo ko sa aking kamay at naka nguso na parang bata.

Saan na ba kasi yon? Nako naman alalang alala na ko sayo magpakita ka na kasi.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now