CHAPTER 23: This is it (Real Contest)

1.2K 52 7
                                    

AC's POV

Kung mapipili man ako ngayon god sana pati si Ren mapili po please lang. Hindi ko kakayanin kung hindi ko siya kasama.

"Ang mga mapipili ngayon ay ang mga sasali sa Question and Answer Portion. Uulitin ko po, Ang mga mapipili ngayon ay ang mga sasali sa Question and Answer Portion. Thank you." question and answer? Hala oo nga pala. Hay nako kahit wag nalang akong mapili ok lang.

"Now may we call on our first candidate for our top five female category. " lord please wag ako please wag ako.

"Step forward Candidate..... Number.....10" huh??? Ako ba yun?? Hindi diba? Luhhh bakit ganon??? Hay nako naman... Pero sige na nga lang may tiwala naman ako na maganda ang ipinakita namin ni Ren eh.

Wala na akong nagawa kundi pumaharap at nilingon ko si Ren na naka ngiti sakin. Nako isa pa to pag hindi ka napili pepektusan kita sa lungs Pikachu ka. Nakakabingi ang mga hiyawan nila. Hindi ko to inaasahan. At ako pa talaga ang nagtop sa female category?

"Now let us call four more candidates. Nakasali ka rin sa top five candidate number 12, magpasalamat ka na rin candidate number 1, kasama ka rin candidate number 5, nakaligtas ka candidate number 8. Nakumpleto na ang ating top 5 para sa female category. " salamat naman. Kaya ko to kaya namin to may tiwala ako.

"Ngayon dito naman tayo sa mga nag gwagwapuhang mga kalalakihan ngayon." sana mapili ka Ren sana mapili ka. Nako kung hindi ka talaga mapipili pepektusan kita.

"Ang nagtop sa male category ay walang iba kundi si Candidate....... Number....... 10!" hah? Si Ren napili? Wow salamat lord ang lakas ko talaga sayo. Nakakbingi ang hiyawan ng magpaharap na si Ren at nagtungo sa tabi ko. At may binulong siya.

"Kinakabahan ka parin?" tanong niya pero nung nilingon ko siya hindi siya nakatingin sakin

"Mejo hindi na kala ko kasi hindi ka mapipili eh." sagot ko at binalik ang tingin sa crowd.

"Akala mo lang yun. Alam ko naman na mapipili ako!" aba ang hangin ng taong to ah.

"Seriously? Ilang electric fan ang nasa katawan mo ngayon? " sarcastic kong tanong.

"Mga sampu siguro ay hindi 12 yata. Ay ewan ko na pala." sabi niya na parang nang aasar pa.

"Heh tumahimik ka nga." sabi ko.

Naiinis ako sa kanya. Kung saan saan nalang nang aasar. Sa pang iinis niya sakin di ko na namalayan kung sino yung mga tinawag at hindi ko din namalayan na kompleto na pala kami.

Ang mga napili sa boys category ay candidate number 10,11,4,3, and 7.

"Now may we call on candidate number 10 on the female category for our Q&A." sabi nung MC at lumapit naman ako. Ang daming nagchecheer sakin nakakataba ng puso at nakaka inspired.

"Hi candidate number 10 how are you feeling right now? Anong feeling na ikaw ang nagtop sa female category?" tanong ng MC at full confidence naman akong sumagot.

"Good evening everyone. And Hi po. I feel blessed and inspired at the same time seeing these poeples cheering for me and shouting for my name." nakangiting sagot ko at naghiyawan na naman sila.

"Ok candidate number ten. Bumunot ka na kung sino ang magtatanong sayo sa mga judges. " sabi nung MC at inabot ang fishbowl na naglalaman ng mga papel at bumunot na ako. At inabot ito sa kanya.

"Ok ang magtatanong sayo ay si Mrs. Sofia Perez." sabi nung MC at tumayo naman ang isang judge. Pero teka namumukaan ko siya ah. Parang nakita ko na siya dati pa. Oo tama siya yung kaibigan ni mama na pageant instructor. So Sofia Perez pala ang pangalan niya hindi na kasi siya nagpakilala samin noon eh.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon