CHAPTER 25: Selos?

1.4K 42 1
                                    

AC's POV

Hindi ko na pinatapos kagabi yung party. Ewan ko pero parang nawala ako sa mood kagabi. Kaya nagpahatid nalang ako kay Matt. Hindi na din ako nagpaalam sa kanila. Sinabihan ko nalang si Matt na siya nalang magsabi sa kanila na umuwi na ako pag nagtanong sila.

Kasalukuyan akong nakahilata sa higaan ngayon kasi Saturday at walang pasok wala din naman akong pupuntahan. Nakakatamad bumangon 8:00AM na pero wala parin akong ganang bumaba.

Habang nakatitig ako sa kisame ay may kumatok sa pinto.

"Anak di ka ba bababa? Tanghali na ako di ka pa kumakain." sabi ni mama na nasa labas ng pinto.

"Ok lang ako ma hindi po ako gutom." sagot ko naman. Ok lang ba talaga ako?

"Baba ka nalang mamaya." sabi niya naman at hindi na lang ako sumagot. Napapikit nalang ako. Bakit ba ako nagkakaganito? Habang nakapikit ako ay tumunog yung cellphone ko at agad ko naman itong kinuha sa side table ko. At tinignan kung sino yun.

From:Pikachu
Sama ka? May pupuntahan ako.

Siya pala. Ano ba isasagot ko? Hay bahala na nga.

To:Pikachu
Saan ba?

From: Pikachu
Sa mall may bibilhin lang ako.

To: Pikachu
Ah. Eh sina Matt hindi sasama?

From: Pikachu
Si Matt at Kurt lang ang sasama yung dalawa hindi kasi may pupuntahan daw.

To: Pikachu
Ah so ako lang ang babae?

From: Pikachu
Hindi may susunod nalang mamaya dalawa kayong babae.

To: Pikachu
Sige na nga. Ligo lang ako.

From: Pikachu
Sige. We'll pick you up later

Hindi nalang ako nagreply at pumunta na sa banyo para maligo at nung tapos na akong maligo ay lumabas na ako at nagbihis nagsuot lang ako ng black ripped jeans, gray crop top jacket and black sneakers.

Nilugay ko lang yung buhok ko at nilagay ang contact lens ko tsaka na inayos ang muka ko.

Kinuha ko lang yung phone ko at bumaba na sa sala.

"Oh Kate may lakad ka?" tanong ni mama sakin.

"Oo ma punta lang kami sa mall saglit" sagot ko naman.

"Sino kasama mo?" tanong niya ulit.

"Sina Mattew po" sagot ko ulit.

"Ah hindi si Ethan kasama mo?" tanong niya ulit. Ano ba ma tanong ng tanong eh no.

"Kasama rin po siya ma" sagot ko nalang.

"Ah sige ingat kayo tsaka wag papagabi ah tawagan mo lang ako kung may problema." sabi niya. Oh ang sweet naman ng mama ko.

"Bakit ma wala kang trabaho?" tanong ko naman. Bakit siya nandito eh may trabaho siya ngayon.

"Sabi kasi ng papa mo wag na akong magtrabaho silang dalawa nalang daw ng kuya mo ang magtrabaho" sagot naman niya. Owww ang sweet naman nila.

Habang naka upo ako sa sala na nanonood ay may bumusina sa harap. Nagpaalam na ako kay mama at lumabas na.

Paglabas ko ay nakita ko ang kotse ni Ren at siya ang nagdadrive nasa likod naman si Matt at si Kurt. Lumapit na ako at di ko alam kung saan ako uupo kaya binuksan ko ang pinto sa backseat kung saan naka upo sina Matt.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now