CHAPTER 87: Change of Mind

346 19 5
                                    

AC's POV

Matapos kaming mag usap ni Ethan ay umuwi na ako.

Nadatnan ko naman si Mama na nanonood.

"Hi ma." bati ko sa kanya at kiniss siya sa cheeks.

"Hello. Oo nga pala umuwi na sila Ethan." sabi niya at bigla namang kumirot ang puso ko.

"Ah sige ma maliligo na po ako." sabi ko

"Teka lang anak maupo ka muna dito. May itatanong lang ako sayo." sabi niya at naupo naman ako sa tabi niya.

Ano kayang itatanong niya?

"Anak may problema ba kayo ni Ethan?"

"Wala naman ma." wala nga ba?

"Kaylan ninyo balak magpakasal?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Wala pa sa plano ko yan ma."

"Hindi mo ba gusto ang ka arrange marriage mo? Baka gusto mong iurong ko nalang."

"Hindi ma. Ok lang po. Wala pong problema."

"Sige maligo ka na." sabi niya at nagpunta naman ako sa kwarto ko para maligo.

Habang naliligo ako ay naisip ko bigla si Ren.

Bakit ba siya basta basta nalang pumapasok sa isip ko?

Nang matapos akong maligo ay nagbihis lang ako at nahiga sa kama.

I don't know but I don't know how I feel.

Hindi ko kaintindihan kung ano tong nararamdaman ko.

Matt's POV

[Ano na? Hanggang kaylan ba yang plano mo? Pinapatagal mo lalo!]

"Sandali nalang. Maghintay ka nga!" inis kong sabi at pinatay ang tawag.

Masyado kayong nagmamadali Vipers. Let's play a game first.

Nandito ako ngayon sa bahay at wala akong magawa kaya nagpasya akong pumunta nalang kina Kate.

Why not?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.

"Wala naman akong gagawin sa bahay." sabi ko at naupo.

"Ah ganon ba? Wala ka bang kasama?" I know she's looking for Ethan.

"Wala." maiksing sagot ko.

"Ah may gusto ka ba? Gusto mo ng maiinom?" tanong niya. Parang wala siya sa sarili. Ang lamya niya.

"No thank you I'm good."

"Ah sige."

"You're quite good at racing." pagpuri ko sa kanya.

"Thank you." maiksing niyang sagot.

"Mukhang hindi yata kayo ok ni Ethan. Anong problema?" tanong ko.

Wala eh curious ako.

"Pinaghinalaan niya ako na may nangyari daw sa atin."

"Ahh sorry."

"Hindi ok lang. Hayaan mo siya. Ayoko muna siyang kausap sa ngayon." sagot niya.

"Sina Tita? Mag isa ka lang ba dito?"

"Oo day off ni Yaya Linda. Si mama naman nasa office ni kuya may kailangan daw silang gawin. Sinama niya si Marcus."

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now