CHAPTER 7:Friday Practice

1.7K 52 0
                                    

AC's POV

So after nung kahapon ay nagpractice lang kami ng kanta ni Ren sa may garden. So ngayon ay friday na. TGIF.

Nagising ako sa pag tunog ng cellphone ko at agad naman akong bumangon at kinuha ito. Tinignan ko kung sino ang nagtext at si Ren pala.

From:Pikachu
Good morning gorgeous. Wake up sleepy head. I'll pick you up later. Get ready<3

To:Pikachu
Good morning^_^

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maligo at gawin ang mga morning rituals ko. Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay lumabas na ako ng banyo at pumunta sa walk in closet ko at pumili ng susuotin.

Nagsuot lang ako ng white t-shirt na tinack-in ko sa black pants at nagsuot ng rouche na nike at pumunta na sa dresser ko at pinatuyo na ang buhok ko pagkatapos ay naglagay lang ako ng pulbo at liptint at nilagay na ang eyeglasses ko. Di ako aalis ng bahay ng wala ang eyeglasses ko kasi malabo talaga ang mata ko. And I tie my hair in a messy ponytail. Kasi hindi naman ako nag aayos eh.

Bumaba na ako at nadatnan ko sina Mama at Kuya na kumakain na. Nagtungo naman ako sa ref para kumuha ng gatas at pumunta na sa dinning table kung nasaan sina mama at kuya.

"Good morning ma" bati ko kay mama at kiniss siya sa cheeks.

"Good morning anak" bati naman niya tsaka ako niyakap.

"Good morning din kuya" bati ko naman kay kuya at kiniss ko rin siya sa cheeks

"Good morning Kate" bati naman ni kuya.

Umupo na ako at kumuha ng pagkain. Kumuha lang ako ng bread, hotdog, bacon, at syempre pancake. At nagsimula na akong kumain.

Ng tapos na kaming kumain ay kinuha ko na ang bag ko sa taas at nagtungo sa sala para hintayin si Ren na dumating. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na siya. Kaya naman nagpaalam na ako kina mama.

"Bye ma alis na kami love you" sigaw ko habang palabas ng pinto at sumakay na sa kotse ni Ren.

Buong byahe lang kaming tahimik. Minsan kasi baliw kami eh. Minsan magulo at maingay kami kapag nasa sasakyan. Di ko alam kung bakit kami tahimik ngayon. Hahaha baliw lang.

Ng makarating na kami sa school ay nagpark na siya at nagtungo kami sa classroom. Hindi na siya masyadong sumasama sa mga ibang clashers kasi dahil nga sa pageant.

Nakasalubong namin ang ibang Clashers habang naglalakad kami sa hallway.

"Ethan may sasabihin ako sayo." pagbungad ni Matt samin na mukhang seryoso sa sasabihin niya.

"Ahm Ren mauna na ko sa room. Bye" pagpapaalam ko at naglakad na palayo sa kanila na nasa hallway.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at ng makarating ako sa room ay agad akong tumungo sa office ni Ms. Pascual para kausapin.

"Good morning ma'am." pagbati ko sa kanya na nakaupo at may binabasa.

"Good morning Kate. Anything I can do for you" sagot naman niya. Umupo muna ako at nagsimula na sa sasabihin ko.

"Ahm ma'am about the talent portion we have decided na sing and dance nalang." sabi ko

"So what will you sing?" tanong naman niya at tumingin sakin.

"Next to you by Justin Bieber ma'am." sagot ko naman.

"Oh ok. By the way proceed to the gym later at 8:30 for your practice for the pageant." sabi niya naman na chinecheck ang wrist watch.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now