CHAPTER 52: Is It Just Me?

1.1K 38 3
                                    

Ren's POV

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero this past few days simula nung dumating si AC I feel like parang nagbago siya. Pero hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin don.

"Ethan!" sigaw ni Mike.

Hindi lang ako nagsalita at nanatiling naka tulala.

"Huy! Ano ba! Nanjan na si Kate pero ganyan ka parin? Ano ba talaga gusto mo?" tanong niya sakin.

Magsasalita na sana ako nang may biglang pumasok. Nasa 3rd floor kasi kami kung saan ito yung tambayan namin dito sa school.

"Oh hindi niyo narinig yung announcement?" sabi nung pumasok .

"So ano naman?" sagot ko.

"I'm not talking to you. So shut your mouth." inis niyang sagot.

"Ano ba kayo?" sigaw ni Blake na nagbabasa sa gilid.

"San si Matt?" tanong niya.

"Aba hindi yata si Ethan ang hinahanap mo ngayon?" sabat ni Mike.

"I'll go now. Bye!" sabi niya.

"Kate ano yung announcement?" tanong naman ni Blake.

"Oh since January is almost over, we will have a Ball on February 08. Just wait for futher announcement and for the details." sagot niya at umalis na.

"Bro ba't naman ganyan ka kay Kate? Dati dati di ka mapakali pag di mo sya nakikita ah. Pero ngayon kung makipag usap ka sa kanya parang wala kang ginawang mali sa kanya." sabi ni Blake.

"Di ko alam kung ako lang yung nakakapansin pero parang nagbago na siya parang hindi na siya yung dating AC na kilala ko. At naiirita ako dun" inis kong sagot.

"Bro para sabihin ko sayo ha. Bro sinaktan mo siya, kaya hindi na kami magugulat kung hindi na gaya ng dati ang pakikitungo niya sayo. Minsan talaga kapag nasasaktan tayo mas pipiliin nating magbago at ilayo ang sarili natin sa taong nanakit sa atin. " sabi niya at lumabas na.

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Baka tama nga siya. Kaya siya ganyan sakin dahil sa ginawa ko. Pero hindi ko yun sinadya, hindi ko gusto ang mga nangyari.

"Bro alis na kami. Sa caf muna kami." sabi naman ni Mike at Kurt at lumabas na.

What should I do? Kaylangan may gawin ako.

Lumabas muna ako at naglakad lakad para makapag-isip isip. Habang naglalakad ako ay napadpad ako sa likod ng office at may nadatnan akong babae na naka upo at naka yakap sa kanyang tuhod at naka yuko habang may suot na headphones.

"AC? " mahinang tanong ko.

Mukang hindi naman niya ako narinig kaya dahan dahan akong umupo sa tabi niya. Di naman niya ako maririnig eh.

"AC alam mo ba? Nung nawala ka halos di na ako maka kain, maka tulog, at palagi akong lutang sa klase. Iniisip ko kung paano mo ako papatawarin sa mga nagawa ko sayo. Nakakatawa diba? Hindi ko alam kung kaylan nagsimula pero nung una crush lang eh. Pero nung tumagal na mas lalo kitang nagustuhan, hindi eh hindi lang kita gusto eh, mahal na yata kita noon eh. Yung tipong gusto ko ako lang yung kasama mo lagi, sa mga joke ko lang nagpapangiti sayo, pero sa tingin ko nanging selfish ako. Yung kasiyahan ko lang yung inisip ko at hindi ko inisip kung gusto mo ba talaga yon o hindi. Kaya nung nawala ka araw araw akong pumupunta sa bahay niyo para tignan kung dumating kana ba. Pinapasabi ko sa Yaya niyo na miss na kita at sana bumalik ka na. Sana nakarating yung mga yon sayo. Alam ko mahirap akong patawarin dahil sa mga nagawa ko sayo pero sana dumating yung araw na mapatawad mo din ako. Handa akong maghintay sa kapatawaran mo. I may sound crazy but I can't help myself from begging for your forgiveness. Sana naririnig mo at at sana alam mo na mahal kita. Sorry for everything I've done and I hope you forgive me." sabi ko at hindi ko na namalayan na lumuluha na pala ako.

Nagulat ako ng may nag abot sa akin ng panyo.

"Ito punasan mo yang luha mo. And narinig ko lahat yung mga sinabi mo." sagot niya.

"Teka diba naka headphones ka?" tanong ko.

"Lowbat na yung phone ko kanina pa pero do ko muna tinanggal yung headphones ko." sagot naman niya.

"So narinig mo lahat?" gulat kong tanong.

"Yeah?" takang sagot niya.

"Shit!" yan nalang yung nasabi ko dahil sa kahihiyan.

"What?" natatawang tanong niya

"Nothing" sagot ko na parang kamatis na ang muka dahil sa pamumula ko. Nakakahiya ka Ethan.

"So sinong date mo?" tanong niya.

"Date? Anong date?" gulat kong tanong.

"Sa ball." sagot naman niya.

"Hindi ko yata alam na dapat may date ka sa ball ah?" tanong ko naman.

"Malay mo may dadalhin kang date diba?" sagot naman niya.

"Ok lang daw ba na may kadate ka sa ball?" tanong ko ulit.

"Aba malay ko. Tanongin mo sa tita mo. Kayo may ari nitong school eh." sagot naman niya.

Kahit kaylan talaga tong babaeng to. Lahat na nagbago sa kanya pero yung ganyang ugali niya hindi.

"I gotta go." sabi niya at tumayo na.

"AC! Wait hahatid na kita." sabi ko at tumayo narin.

"Wag na kaya ko." sagot niya at tumalikod na.

"Hindi hahatid na kita" sabi ko habang sinusundan siya.

Naglakad lang siya papuntang parking lot at may nilabas siyang susi?

"You have a car?" takang tanong ko.

"Yup, nakalimutan kong sabihin marunong na ako." sabi niya at pumasok sa loob ng isang puting kotse.

"AC! Wait! Is this a racing car?" tanong ko ulit.

"Yup. Gotta go!" sabi niya at pinaandar ang sasakyan.

She really has change a lot. Pain has change her. Hindi siya magkakaganyan kung hindi dahil sakin. This is all my fault after all.

Habang naka upo ako sa harap ng sasakyan ko ay may napansin akong isang lalaki na naka itim.

Sino yon? Tumayo ako para tignan yon pero nang makarating na ako kung saan ko siya nakita ay isang kutsilyo ang nadatnan ko na may nakapulupot na ahas na hawakan nito.

Is this a sign na dahil nagbalik na si AC ay babalik na din sila? Don't ever dare Vipers. Di ko na hahayaan pa na may mangyari sa kanya. I will not lose her again.


My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now