CHAPTER 12: New

1.5K 53 1
                                    

Ren's POV

Napapatulala nalang ako kapag maaalala ko yung mukha ni AC ang laki na ng pinagbago niya. Mas gumanda, mas makinis ang balat, at higit sa lahat wala na yung eyeglasses niya.

//FLASHBACK//

Tumawag si Tita Tina(Cristina) kay JD at nagpapasundo na. Nandito kasi kami sa pizza parlor na tatlo.  Ako si JD at si Marcus. Kaya nagmadali na kaming magbayad at pumunta sa sinabing lugar ni Tita Tina.

Nang makarating na kami ay nakita ko si AC na naka tayo sa harap ng Shop.  Nung bumaba na kami ay lahat kami nagulat sa laki ng pinag bago niya. Sobrang ganda na niya at wala na ang salamin niya.

Parang natatawa naman siya nung makita ang reaksyon namin. Sino ba kasi ang hindi mamamangha sa dyosang ito na nasa harap namin? 

Parang may naramdaman ako sa tyan ko na hindi ko maipaliwanag. Ang wierd lang nito ah.

Ano ba Ren gutom lang yan wag kang OA. Weird agad? Hindi ba pwedeng gutom lang? 

Ehh kakakain lang namin eh! Hay nako ano ba tong nararamdaman ko.

Nako Ren kumalma ka nga siguro nabitin ka lang kanina sa pizza kaya ganyan. Oo tama nabitin lang ako sa pizza kanina tama yun.

Hay nako nababaliw na yata ako.  Kinakausap ko na sarili ko.

Nahimas masan naman ako ng magsalita na si Tita Tina kaya sumakay na kami at umuwi sa bahay nila AC

//END of FLASHBACK//

Napagod ako ngayong araw ah. Makatulog na nga lang. Sayang pogi ko pag nagpuyat pa ako eh. Papangit pa ko.

AC's POV

Mejo tinanghali na ako ng gising kaya hindi na ako makapag simba. Hay nako napagod kasi ako kahapon eh. Sa dami ba naman ng ginawa namin ni mama sinong hindi mapapagod?

Napabalikwas nalang ako sa pagkakahiga ng maalala ko yung mga ginawa sakin kahapon at nagtungo sa vanity para magsalamin. Pero dun ko lang naalala na hindi ko pa pala nilagay ang salamin ko kaya hindi na ako umabot dun. Kaya bumalik na ako sa kama at kinuha ang salamin ko tsaka nagtungo ulit sa vanity.

Nakita ko ang sarili ko sa salamin at aaminin ko. Ako mismo ay namangha  sa mukha ko ngayon. Mas makinis na balat, mas mukhang fresh, at maganda ang buhok. Isama mo pa kung hindi salamin ang suot ko at naka contact lens lang ako.

Nang matapos ko ng tignan ang sarili ko sa salamin ay nagtungo na ko sa banyo para mag hilamos at para maligo narin.

Ginawa ko na ang morning rituals ko at pumunta sa walk in closet. Dun ko naman nakita ang mga bagong damit ko na naka sampay na.

Ang dami na talagang nagbago pero yung dating ako hindi na magbabago yun. Mananatili ang ugali ko.

Kumuha lang ako ng pambahay na damit at hinayaan ko nalang na matuyo ang buhok ko at bumaba na sa sala. Nakita ko naman sina kuya na nanonood ng TV hindi nalang ako nag good morning sa kanila kasi busy sa panonood eh.

Nagpunta na ako sa kusina at nakita ko naman si mama na nagluluto lang pancake.

"Good morning ma." bati ko sa kanya habang kumukuha ng gatas sa ref.

"Tinanghali ka na ng gising Kate ah." sabi naman niya. Yeah right.

"Oo nga ma eh napagod lang ako kahapon." sagot ko naman at umupo na.

"Bakit hindi mo suot yung contact lens mo? Diba sabi ko palagi mo nang isusuot yun?" tanong niya ng mapansin na naka salamin ako.

"Ah isusuot ko po mamaya ma" sagot ko naman.

Bakit kasi kailangan pa isuot yun?

Nako si mama kasi eh ang daming alam.

May pacontacontact lens pa.

"Kumain ka na muna jan may tatawagan lang ako." sabi naman ni mama at nilapag ang pancake sa harap ko.

Kinuha ko nalang ang chocolate syrup at nilagay sa ibabaw ng pancake ko.  Habang kumakain naman ako may naramdaman akong kamay sa balikat ko kaya agad ko siyang nilingon.

"Oh bakit?" tanong ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko at kumuha sa kinakain ko.

"Hoy ang takaw mo talaga eh no" sabi ko sa kanya.

"Grabe ka naman sakin." sabi niya at sumimangot. "Konti lang naman eh." sabi niya ulit habang naka simangot parin.

"Ang takaw mo nga di ka naman tumataba." sabi ko at kumain na ulit.

"Ang laki na ng pinagbago mo ah." tanong niya at napatingin naman ako sa kanya. 

Yun naman pala nakatingin din sakin.

Ay hindi pala nakatitig..

"Hah? Anong sinasabi mo?" Naka kunot noong tanong ko sa kanya habang tinititigan din.

"Yan!" turo niya sakin

"Saan?" tanong ko ulit.

"Mas lalo kang gumanda ah." sabi niya "Mas nagmukha ka ng tao." sabi niya sa mapang asar na tono.

"So hindi ako tao dati?" tanong ko habang naka taas ang kilay.

"Ah tao ka pala noon kala ko kasi sayo noon alien eh." sabi niya habang tumatawa.

Nako naman ang sarap talagang ilunod nito sa Pacific Ocean eh.

"Eh ikaw Pikachu!" ganti ko naman na asar sa kanya. Kala mo Ren ah.

"Ah ganon?" sabi niya habang naka taas ang isang gilid ng labi niya.

Nako talaga Ren wag kang gagawa ng kalokohan.

Kapag nakataas na ang isang gilid ng labi niyan asahan mong may gagawin yang hindi kanais nais.

Nako subukan mo talaga Ren ilulunod talaga kita sa Pacific Ocean.

"Oo bakit anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko.

"Wala naman eto lang naman eh." sabi niya at kiniliti ako sa tagiliran ko.

"Hahaha Ren tama na suko na ko tama na." putol putol kong sabi.

"Pikachu pala eh eto pa oh." sabi niya habang kinikiliti ako.

"Tama na please hahaha." pilit kong sabi habang tumatawa.

"Ah hindi Pikachu pala ako eh.  Makulit si Pikachu diba kaya ayan ka ngayon." sabi niya sa nakakalokong tono.

"Hahahaha tama na Ren hindi na kita tatawagin ng Pikachu promise." pag suko ko sa kanya. Habang tumatawa parin.

Nako pag ako naka takas sa pangingiliti mo sakin makakatikim ka talaga sakin Pikachu ka.

"Ok sige hahaha alien" sabi naman niya. Habang tumatawa.

"Oo nakaktawa talaga Ren sobra hahaha" sarcastic kong pagkasabi at hinampas siya sa braso.

My Gangster BestfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora