CHAPTER 4: Decision

2K 72 1
                                    

AC's POV

Paakyat na ako ng kwarto ng makita ko si kuya na nanonood sa sala kaya lumapit ako. At pabagsak na inilapag ang bag ko sa table na nasa harap ng couch at kinausap siya.

"Kuya!!" galit na tawag ko sa kanya.

"Oh Kate bakit parang badtrip ka?" tanong niya habang nakatingin sakin.

"Kuya anong pinagsasasabi mo kay Ms. Pascual?" galit kong sabi.

"Ehh bakit ayaw mo bang sumali?" tanong niya

"Kuya naman eh. Alam mo naman na wala akong hilig sa mga ganyan eh. Tsaka bakit sabi mo na mag aagree ako?" galit ang tono ng boses ko na sinabi sa kanya.

"Kate 17 kana dapat maranasan mo na yung mga ganyan at maganda ka naman matalino pa ano bang problema don?" sabat naman niya

Nakita ko rin si Marcus na pababa ng hagdan at pumunta samin.

"Kuya, ate ang ingay niyo di ako makapanood ng maayos sa taas." sabi niya na mukhang naririndi na sa ingay namin. Eh sino ba naman ang hindi maiingayan samin eh nagsisigawan kami. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Kuya naman alam mo naman na kahit kailan di ko pinangarap na ma sumali sa mga pageant thingy na yan eh." kontra ko sa mga sinabi niya.

"Kate ayaw mo ba isang beses lang naman yan eh. Tsaka tanongin mo si mama mamaya umuwi daw siya galing sa business trip kasi na cancel daw." sabi niya at pinagpatuloy na ang panonood.

"Mabuti pa nga alam ko naman na di niya ko papayagan eh." paniniguradong sabi ko.

"Kumain ka nalang dyan nagluto si yaya linda ng adobo tsaka may ice cream sa ref, may blue berry cake din tsaka may juice siya na tinimpla kanina. Kung ayaw mo ng mga yan magluto ka nalang ng pancake. Nasa kabinet sa taas." sabi niya nako may balak pa yatang sabihin kung anong mga nasa loob ng ref.

"Kuya baka may gusto ka pang idagdag sa mga sinabi mo? Baka gusto mong sabihin lahat ng lamang ng ref natin? " pang aasar ko sa kanya.

"Ahh oo may itlog, tocino, longganisa, hotdog, may gulay, may juice, cake, ice cream, basta marami gusto mo dagdagan ko pa?" sagot naman niya sa mapang asar na tono.

Kumain na ako at nagdala nalang ako ng ice cream at cake sa taas tapos kumuha nalang ng tubig.

"Kuya akyat na ko tawagin mo nalang ako pag nanjan na si mama." sabi ko habang umaakyat ng hagdan.

Nagbihis muna ako tsaka nag kinuha ang cellphone ko at nagpatug tug. Habang kumakain ako ng ice cream ay may nag text kaya tinignan ko agad.

From:Pikachu
Hey

To:Pikachu
Hey?

From:Pikachu
Doing something?

To:Pikachu
No just chill'n.

From:Pikachu.
Oh I see.

To:Pikachu
You? Doing something?

From:Pikachu
No just chill'n and eating ice cream.

To:Pikachu
Haha me too.

From:Pikachu
Haha what flavor?

To:Pikachu
Cookies and Cream

From:Pikachu
Ako din remember fav ko.

My Gangster BestfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat