CHAPTER 10: No Way

1.6K 57 0
                                    

AC's POV

Kumain na kami nila Ren pagkatapos ay umuwi na siya para magbihis. Ako naman ay umakyat na sa kwarto para maligo at magbihis dahil may pupuntahan daw kami nila mama at obviously ay kasama si Ren.

Habang naliligo ako ay naiisip ko parin yung nangyari kagabi.

//FLASHBACK//

Dumating si Ren sa bahay na may mga pasa at sugat. Kaya ginamot ko siya pero habang ginagamot ko siya at dinidikit ang bimbo na basa sa mga sugat at pasa niya ay nagkatitigan kami.

Tinitigan ko ang mukha niya mula sa kilay niyang makapal pababa sa mga pilik mata niyang mahaba sa mga mata niyang brown sa ilong niyang matangos at sa labi niyang pula na parang ang sarap halikan.

Ng hindi inaasahan ay naglalapit ang mga mukha namin at hindi ko namamalayan na sobrang lapit na pala namin sa isat isa.

Ng biglang dumating si Yaya Linda kaya napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa hiya.

Nagpaalam nalang ako na kukuha ng damit niya sa taas kaya nagtungo ako sa guest room dahil nandon ang mga damit niya na iniiwan dito kung weekends.

Ng maka kuha na ako ng damit ay bumaba na ako ng hagdan. At sa hindi inaasahang tanawin nakita ko lang naman ang abs niya na 6 packs.

No way my innocent eyes. Ren bakit mo ba to ginagawa? Bakit parang ang sarap ng abs mo? Teka bakit ko ba to iniisip? Kate bestfriend mo yan ok? Umayos kang babae! Bestfriend mo siya. Nako sinasabi ko sayo Kate. Hindi pwede NO WAY!

Napatulala nalang ako sa kinatatayuan ko at bumalik lang ako sa normal kong pag iisip ng magsalita siya kaya lumapit ako sa kanya at binigay ang mga damit niya at nagtungo na siya sa CR.

Habang ako naman ay umupo nalang sa sofa at nanood ng TV. Nung matapos na siya ay humingi lang siya ng sorry. Nanood lang kami at nung inaantok nako ay nagpaalam na akong umakyat sa taas.

//END of FLASHBACK//

Nung matapos na akong maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng sleeveless na white croptop na fitted high waist jeans, gray shoes and nagsuot lang ng long gray cardigan na manipis. Pumunta na ako sa vanity ko para mag ayos ng sarili. Blinow dry ko lang yung buhok ko and tie it on a messy bun. Kasi hindi naman ako nag aayos eh.

Naglagay nalang din ako ng pulbo at liptint na halos hindi mahahalata at sinuot ang nerdy eyeglasses ko. At bumaba na sa hagdan.

Alangan namang tumalon ako sa bintana para makababa diba?.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na si Ren na naka longs sleeve na jacket na ginawang ¾ na kulay black ang white tapos na naka black jeans and addidas shoes na white and black. And take note naka sunglasses pa siya.

Ano kaya trip nito na naka black and white theme.

Anyways iniwan nalang namin ang kotse niya sa bahay at yung van nalang namin ang ginamit. Nuana akong pumasok at umupo sa likod at sumunod naman si Ren na umupo sa tabi ko. Sumunod nadin si kuya at si marcus na umupo sa harap namin at si mama ay sa harapan naman umupo katabi ng driver. So ang ayos namin ay

bintana|Ren|space|ako|bintana
pinto |Kuya|daan|Marcus|bintana
pinto |mama| |driver

So kami lang ni Ren ang nasa likod ngayon. Parang feeling ko naaawkward ako sa position namin pero dedma nalang.

Napag pasyahan ko nalang na matulog sa byahe. Kaya sinandal ko ang ulo ko sa bintana at pinikit ang mga mata ko.

Naramdaman ko na may tumatapik sakin sa pisngi ko ng mahina kaya minulat ko ang mga mata ko para tignan kung sino siya.

Nabigla naman ako ng makita ko ang maamong mukha ni Ren. At dun ko lang napansin na nakahiga na pala ako sa lap niya. Nahiya naman tuloy ako.

"AC gising na andito na tayo." sabi niya. Bakit ba kasi naaakit ako sa kanya.

"Ah sige lika na baba na tayo." sabi ko naman habang umuupo at hindi na ako nag abalang ayusin pa ang sarili ko sa hindi naman ako nag aayos.

Tinanggal ko ang eyeglasses ko at kinusot ang mata ko at binalik ulit ito tsaka na ako bumaba.

Nagulat ako ng mapagtanto kung nasaan kami. Nasa isang Facial Treatment na ewan kung anong tawag dito nakita ko lang sa labas niya na may facial treatment thing ang naka sulat kaya nagtanong ako kay Mama.

"Ma anong ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanya. Bakit pa kasi kami sinama eh magpapaganda lang naman pala siya. Hay nako mama talaga.

"Nandito tayo kasi magpapa facial ka." sagot naman niya at pumasok na sa loob. Kaya sumunod ako.

"Ma bakit ako?" tanong ko "Hindi ko naman kailangan to eh" pagmamaktol ko.

"Kailangan mo to anak para sa darating na pageant" sagot naman niya na parang excited pa.

"Ma anong kinalaman nito sa pageant?" tanong ko ulit sa kanya.

"Anak mas magiging maganda ka. Trust me akong bahala sa lahat" sabi niya. Nako naman ma.

"Sige na nga ma. Ikaw nalang bahala" pag suko ko naman.

May kinausap lang siyang isang naka lab coat at inalalayan naman nila ako papunta sa isang kwarto at pinagbihis ako sa isang parang twalya na ewan basta ganon. Tsaka narinig ko rin si mama sa labas na kinakausap yata yung mga kasama namin.

"Pumasyal muna kayo tapos tatawagan ko nalang kayo kung tapos na kami dito." sabi naman ni mama.

"Sige ma alis na kami bye" narinig ko naman na sagot ni kuya sa labas.

Nagsimula na ang babaeng nakalab gown at may inilagay na kung ako sa mukha ko at parang may bagay na ginagalaw na parang ang sarap sa feeling. Kaya napag pasyahan ko nalang na ipikit ang mga mata ko.

Mga 15 minutes ay natapos na siya at may sumunod pa siyang nilagay sa mukha ko kaya hindi ko muna minulat ang mga mata ko.

Ng maramdaman kong may parang laser na natutuk sa mukha ko ay hindi ko nalang minulat ang mga mata ko.

Ng matapos na kami ay nagbihis lang ako at nung tumingin ako sa salamin ay parang ang fresh ko na at nawala ang mga marka ng pimple sa mukha ko.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now