CHAPTER 5:No Turning Back

1.8K 57 3
                                    

AC's POV

Maaga akong nagising ngayon. Ewan ko lang kung bakit at parang good mood yata ako ngayon. Bumangon na ko at nagtungo sa banyo para maligo at gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos ay pumunta na ko sa walk in closet ko na pinagawa ni papa. Yun kasi ang request ko sa kanya eh kasi hindi naman maalikabok ang kwarto ko tsaka kung maalikabok may pinto naman ay isasara nalang ito.

So starting today ay pwede na daw mag pants at colored t-shirt so nagsuot ng ako ng white t-shirt, jeans, white adidas shoes and I wear my eyeglasses as well. At pumunta na sa vanity ko at nag ayos ng sarili I mean hindi naman ako nag aayos eh. Hahaha shhh wag kayong maingay ah.

Blinow dry ko ang buhok ko at I tie it with a messy bun. Nagpulbo at naglagay ng tint. Yun lang tsaka bumaba at nagtungo sa kusina. Nadatnan ko naman si mama na nagpre prepare ng breakfast.

"Good morning Ma!" bati ko sa kanya at kiniss sa cheeks.

"Good morning anak." sagot naman niya at tsaka ako niyakap.

Kumuha ako ng pancake na kakalapag lang ni mama sa lamesa at kinuha ang chocolate syrup at inilagay ito sa ibabaw ng pancake.

"Kate hindi ka ba susunduin ni Ethan ngayon?" tanong ni mama habang kumakain ako. As you are all expecting nabilaukan ako kaya pununta ako sa ref at kumuha ng gatas.

"Ahhm ma susunduin po pero baka mamaya pa yun."sabi ko at pinagpatuloy na ang pagkain.

Bumaba nadin si Marcus para kumain. At si kuya hindi pa baka tulog pa yon kasi marami siyang tinapos kagabi na paper works niya sa office. Habang kumakain kami ay may bumusina at alam ko na kung sino yun.

"Good morning Tita, good morning AC." bati niya agad ng pumasok.

Sakto namang bumaba nadin si kuya at as usual naghilamos na naman sa sink ng kusina. Hindi talaga siya marunong mahiya no? Minsan nga nagtataka talaga ako kung kapatid ko ba talag sila kasi sila mga walang hiya at ako? Shy type ako eh. Minsan.

"Oh nag usap ba kayo "sabi ni kuya habang nakatingin sakin na takang taka.

"Anong pinagsasasabi mo Kuya?" takang tanong ko rin.

"Kayong dalawa" sabi niya na naka nguso at tumingin sa sala. Kaya wala na akong nagawa kundi tumingin nalang din at si Ren pala ang tinutukoy niya. At bakit di ko agad napansin na pareho kami ng suot?

Naka white V-neck shirt, black jeans, white adidas shoes. At note may sunglasses siya.

"Hindi kuya. Nagkataon lang." sabi ko at bumalik sa kinakain ko.

"Ethan lika na kumain ka na. May pancake oh." anyaya ni mama kay Ren na naka upo sa sofa. Agad naman siyang tumayo at tumabi sakin.

"Sige po tita"sagot niya ng naka upo na. Hindi naman niya mahihindian ang pag kain eh. Food lover kasi siya. Kami pala.

"So hijo bakit ayaw mong sumali sa pageant?"tanong naman ni mama.

"Don't know Tita. I just don't feel like I want to be on a contest." sagot niya na inaabot ang chocolate syrup.

Kumain na kami at nang matapos na ay lumabas na kami at nagtungo sa kotse niya. Buong biyahe kaming tahimik at walang nagsasalita. Ng makarating na kami sa school ay nagpark na siya at nagtungo na kami sa hallway. Habang naglalakad kami patungo sa room ay nakasalubong namin si Kurt.

"Uyy Ethan nakita mo ba sila Mike?" tanong niya kay Ren.

"Oo nasa bulsa ko nagkakape bakit may angal ka?" pabalang na sagot ni Ren. Hay nako kahit kailan talaga.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now