CHAPTER 47: Jelly Ace

1K 37 2
                                    

AC's POV

Hanggang ngayon napapaisip parin ako sa mga sinabi ni Ren kahapon. Paano nila nagawang pabagsakin ang Vipers?

Napabalikwas ako ng tayo ng may kumatok sa pinto.

"Aray!" sabi ko ng tumama ang tuhod ko sa side table. Katangahan.

"Kate, nandito sina Ethan!" sabi ni Yaya Linda.

"Opo lalabas na po bihis lang po ako!" sigaw ko at kumuha ng hoodie at isinoot ito tsaka lumabas.

Pagbaba ko ay may limang lalaki na naghihintay sa sala. Anong ginagawa nila dito?

"Oh anong meron?" tanong ko sa kanila.

"Kailangan namin ng tulong mo." seryosong sabi ni Blake.

"Tulong saan?" tanong ko naman.

"Tulong sa pagkuha ng mga ebidensya." sagot naman niya.

"Pero bakit ako? " tanong ko ulit.

"I told you hindi pwede!" inis na sambit ni Ren.

"Ikaw lang ang makakatulong samin." sagot naman ni Kurt

"Sige pero sa sarili kong paraan." sagot ko.

Hindi na sila nagsalita.

"Labas tayo!" suggestion ko habang nanonood kami.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong naman nila.

"Ice Cream tayo!" masayang sagot ko.

"Sige! Game!" sagot naman nila.

Umakyat lang ako sa kwarto at nagbihis. Nagsuot lang ako ng jeans at white T-shirt tsaka adidas shoes. Inayos ko lang din ang sarili ko at bumaba na.

"Oh kayo gangan na?" tanong ko sa kanila.

"Oo. Bakit?" tanong ni Mike.

Sabagay nakaporma naman sila. Lumabas na kami at sumakay sa kotse nila. Nang makarating na kami sa mall ay pumunta kang kami sa Ice Cream Store at humanap ng mauupuan. Dalawang table nalang ang hindi pa nauupuan. Isang pang apat at isang pang dalawang tao.

"Dito na tayo dun nalang sa kabila yung dalawa." sabi ni Kurt. Nagpasya akong umupo nalang sa pang dalawang tao kesa naman mag isa lang akong babae sa table nila no.

Nang maka upo na ako ay sumunod naman si Matt at umupo sa harap ko.

"Oh bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Wala ng upuan don sa kabila eh" sagot niya sabay turo sa lamesa nila Ren.

"Oh I see!" taning nasagot ko na lamang.

Tinawag lang namin ang waiter at nag order na.

"Kuya isang small na cookies and cream and chocolate smoothy." yan lang yung order ko.

"Kuya chocolate ice cream and vanilla smoothy." order naman ni Matt.

Hinintay lang namin na dumating yung order namin at nang dumating na ay kumain na kami.

"Kate may ice cream ka dito mo oh!" sabi ni Matt at tinuro ang gilid ng kanyang labi.

"Saan?" tanong ko naman.

"Ayan oh! " sabi niya at pinunas ang ice cream na nasa gilid ng labi ko at sinubo ang kamay na pinamunas niya.

"Uy ano ka ba." sabi ko sa kanya.

My Gangster BestfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora