CHAPTER 72: Second Time

377 13 0
                                    

AC's POV

Nagising ako sa isang malambot na kama.

Teka sinong nagdala sakin dito?

Ang huling naalala ko ay nasa tabing dagat kami ni Matt at pinapanood na lumubog ang araw. At... At nakatulog ako sa balikat niya.

Tinignan ko ang orasan na nasa side table ko at... Ano?! 12 am?! Hating gabi?!

Tinignan ko rin kung may katabi ako at inaasahan kong si Ren iyon. Pero nabigo ako nang lingonin ko dahil wala akong katabi at wala ring ibang tao ang nasa loob ng kwarto maliban sa akin.

Nagpasya akong lumabas ng kwarto kinuha ko ang phone at earphones ko at pumunta sa balcony.

Ang tahimik ng paligid. Ang dagat, ang hangin at mga yapak ko lang ang tanging maririnig.

Naupo ako sa upuan at sinoot ang earphones ko. Tinodo ko ang sound nito para wala akong ibang marinig kundi ang tanging kanta lamang na naka play. Pinikit ko ang aking mga mata at hindi na ininda ang lamig dito sa balcony.

Bakit ba nagkaganito? Ok pa naman kami kahapon ah. Ano bang nangyayari sayo Ren? Ganito na lang ba tayo? Ni hindi ko nga alam kung boyfriend na kita o hindi. Liwanagan mo naman ako. Mababaliw na ako sa kakaisip. Ok lang naman sa akin kung sabihin mong hindi. Maiintindihan naman kita pero kung ganito na iniiwasan at hindi mo ako pinapansin I'm going to be crazy.

Napaluha nalang ako sa mga iniisip at mga katanungan na hindi naman masasagot.

Nilapag ko ang phone ko at niyakap ang aking tuhod habang naka yuko dahil sa hindi ko mapigilan na mapaluha sa mga nangyayari.

Napa ayos ako ng upo nang may yumogyog sa balikat ko.

Wala akong nagawa kundi ang yumakap sa taong iyon dahil na lubos na panghihina ko. Napahagulgol nalang ako habang naka yakap sa kanya.

Tinanggal naman niya ang suot kong earphones at niyakap ako.

"Christlie Kate Montenegro! Matthew Adriane Rivera!" sigaw na narinig ko mula sa isang pamilyar na boses.

Dahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap at nilingon kung sino iyon.

"Pangalawang beses na to." sabi niya at lumapit sa amin. "Ngayon ano naman ang rason ninyo?" sabi niya at naupos sa kabilang upuan.

"Blake alam kong alam mo ang problema dito. Wag ka nang magtanong." sabi ni Matt at umalis na.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ako ang makakakita sa inyong dalawa." sabi niya at tinignan ako ng diretso. Alam ko pero walang mali sa ginagawa namin.

"Alam ko. Pero wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon." sagot ko at yumuko.

"Nakita ko... Nakita ko ang pag iwas ni Ethan sayo... Nakita ko ang hindi niya pagpansin sayo... Nakita ko." matigas niyang sabi.

"Alam mo naman pala. Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Bakit parang ako pa ang may ginagawang hindi tama. Parepareho ko kayong kaibigan lahat. Walang malisya sa akin ang pagyakap kay Matt at sa kung sino pa sa inyo." pagpapaliwanag ko. Hindi ko alam kung pati kay Blake ay magagalit ako.

"Kate alam ko kung anong nararamdaman ni Matt sayo. Hindi ko hihintayin na masira ang pagkakaibigan nating lahat. Kaya kung pwede lang dumistansya ka nalang muna kay Matt." sabi niya at ikinataas ng ulo ko.

"Hindi mo alam kung gaano kalaki ang naitulong ni Matt sa akin. Hindi mo alam kung paano ako nagiging kalmado kapag kausap ko siya. Pinapagaan niya ang loob ko kapag wala kayong magawa dahil sa kaibigan niyo." sabi ko at tumayo na.

"Wala kang alam sa nangyayari... Wala talaga..." sabi niya nang naglakad ako pabalik sa kwarto.

Anong hindi ko alam Blake? May tinatago ba kayo sa akin? Ano pa ba ang hindi ko alam? May dapat pa ba akong malaman?

Mababaliw na ako kakaisip dito kung anong sinasabi ni Blake.

Ano ba kasing nangyayari? Bakit parang may hindi ako alam? Bakit parang may hindi tama?

Hayaan mo na nga lang. Maka tulog na nga lang ulit.

Bakit ang dilim? At sino yong lalaki na naka tayo sa may puno? Ren? Ikaw ba yan? At sino yung babae na kasama niya?

Bakit may iba siyang kasama?

"Ren nandito ako!" sigaw ko ngunit parang wala silang naririnig.

Lumingon ka naman sakin please!

Hindi ko namamalayan na nababasa na pala ng luha ang aking mukha dahil sa pag iyak.

Tinititigan ko lang sila hanggang sa maglaho na sila sa kadiliman kasama ang isang babae na hindi ko makilala.

"Kate! Gising!" nagising ako nang yugyugin ni Blake ang balikat ko.

"Umiiyak ka habang tulog. Tanghali na. Bumangon ka na jan uuwi na tayo mamayang hapon." wika niya at lumabas na ng kwarto. Naiwan akong naka tulala at iniisip kung ano nga ba yung napanaginipan ko.

Ano bang nangyayari sa akin? Kung ano ano na ang napapanaginipan ko. Hayaan mo na nga lang. Hindi ko din naman masasagot.

Nag ayos na ako ng sarili ko at bumaba na para kumain. Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si Ren na naka upo sa may bar stool.

Hindi ko man naiintindihan kung anong nangyayari sayo, hindi ko man mabasa ang isipan mo, hindi mo man ako pinapansin at hindi kahit hindi ka lumingon sa akin ngayon. Hindi magbabago ang pagtingin ko sayo.

Napaiwas ako ng tingin ng lumingon siya sa direksyon ko.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Anong nangyayari?

Tumuloy nalang ako sa kusina at kumuha ng gatas sa ref. Nang maka kuha na ako ay nagtungo lang ako sa labas.

Ayokong tumindi ang lakas ng tibok ng puso kapag nakikita ko siya. Lalo pa at hindi niya ako pinapansin.

Pinagmamasdan ko ang magandang tanawin. Sobrang payapa sa pakiramdam ng ganito.

I feel calm and relax. Parang walang problema.

"Mukhang hindi talaga kayo nagpapansinan ah." wika ni Matt at umupo sa tabi ko.

"Correction, siya lang ang hindi pumapansin." sagot ko naman.

"Hayaan muna natin siya. Maybe he needs time."

"Time for what?" para saan ang oras? Para saan ang hindi niya pagpansin sa akin?

"I don't know. Siya lang ang nakaka alam niyan." sagot niya.

"Kate tara swimming tayo!" sigaw ni Trixie habang papunta sa dagat kasama sina Alexa at Lexie.

"Jan ka na muna. I'll join them." wika ko at tinanggal na ang aking sandal at pumunta na sa kanila.

Naglaro lang kaming apat sa dagat at ng maisipan kong pumunta sa mas malalim na parte.

"Kate tara kumuha tayo ng pagkain doon." pag aaya ni Alexa.

"I'm not yet hungry, kayo nalang muna." sigaw ko at tinuloy ang pagpunta sa malalamin na parte ng dagat.

Ang ganda talaga dito. Sana lang talaga magaling akong mag swimming.

"Aray ano ba yon!" daing ko ng may maramdaman ako sa paa ko.

Pinupulikat yata ako. Hindi ko namamalayan na sobrang lalim na pala kung nasaan ako. Dahil nga sa hindi ako katangkaran ay hindi ko na maiabot sa ilalim ang aking mga paa.

Sinubukan kong humingi ng saklolo pero hindi ko magawa dahil sa sakit ng paa ko at hindi ako maka ahon ng maayos.

Ren tulungan mo naman ako!

Tanging nasa isip ko ng mawalan ako ng malay.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now