CHAPTER 29: Bad Day

1.2K 44 0
                                    

AC's POV

Kung kailan ka naman naka meet ng bago yun pa yung pinaka malas na araw mo. Dapat masaya ako ngayon eh. Pero dahil sa tao na yun nasira araw ko.

Naihatid na ako ni Xander sa classroom at pumunta na din siya sa room niya. Umupo lang ako sa upuan ko at hinintay na magsimula ang klase.

Nakipagdate na naman siguro yung taong yun kaya wala pa hanggang ngayon.. Tsk mga gangster talaga. 

Wait why on earth I'm thinking about him? Ughhh Kate stop thinking about him, he can handle himself.

Nakatingin lang ako sa labas habang hinihintay ang teacher namin na dumating at wala pang ilang minuto ay dumating na siya.

"Ok class good morning!" sabi niya at agad naman kaming tumayo.

"Good morning Mrs. Evangelista. " bati namin kahit para sakin wala naman talagang maganda sa umaga.

"Ok so for today we will have a surprise quiz about our topic last meating. So bring out your activity notebook and let us start the quiz immediately." sabi niya at agad ko namang binuksan ang bag ko at tinignan ang activity notebook ko pero wala dito. Nasan na kaya yun? Sa locker tama sa locker nandun yun dun ko last na nilagay.

Paano ko yun kukunin ngayon? Hay Kate syempre magpaalam na pumunta sa locker. Wag kasing tanga ate ha? Kung di ba naman tanga.

Nilakasan ko na ang loob ko at tumayo para magpapaalam.

"Ma'am may I go out? I just need to get my activity notebook on my locker. " pagpapaalam ko. Pumayag ka naman oh. Nako pag hindi nako talaga.

"Yes you may but only 5 minutes." grabe naman yan. May ganon pa talaga? Nako naman no sa pinakababa pa yon tapos 5 minutes? Sige na nga kesa naman hindi pumayag diba.

Agad akong tumakbo palabas ng classroom at nagtungo sa may hagdan para bumaba. Dali dali akong bumababa at pumunta sa may locker. Agad ko namang kinuha ang susi at nang bubuksan ko na ay nahulog ang susi. Nako naman katangahan overload.

Agad ko naman itong pinulot at binuksan ang locker. Dali dali kong dinampot ang activity notebook ko at nilock na ang locker ko. Tumakbo ako papunta sa room ng may nabangga ako. Nako naman grabe katangahan ko ngayon tatlong beses.

"Sorry. Im just in a hurry." sabi ko at nang tatakbo na ako ay hinawakan niya ang braso ko. Sino ba to at-

"AC we need to talk." sabi niya. Kaya pala parang pamilyar yung amoy ng pabango kanina.

"Sorry nagmamadali ako ngayon at kailangan ko ng umalis." sabi ko at agad naman niyang binitawan ang braso ko. Iniwan ko siya na parang malungkot ang mukha. So what? Ano naman ngayon?

Nagmadali na akong pumunta sa classroom at sakto lang ang dating ko dahil di pa nagsisimula ang quiz. Thank god.

"Ok class let's start." sabi ni ma'am at agad ko namang binuksan ang activity notebook ko.

"Wait before i forget who are absent today?" tanong niya at isang tao lang naman ang wala ngayon sa classroom na to.

Hindi nalang ako nagsalita at hinintay nalang na sabihin nila kung sino ang wala ngayon.

"Ma'am si Ren po" sabi nung isang classmate namin na babae.

"Ms. Montenegro katabi mo lang siya di ka pa nagsalita. Do you know where he is?" mejo galit na tanong niya.

"No ma'am." nakayuko kong sabi. Nako naman kahit kailan talaga. What a bad day.

"Ok so never mind let's start" sabi niya at nagsimula na kaming magquiz.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now