CHAPTER 17: Getting Ready

1.4K 45 0
                                    

AC's POV

Hays ngayon na ang simula ng Intramurals. At ngayon na din ang Presentation of Candidates.

Kinakabahan na ako sobra. Parang nasusuka na nga ako eh.

Bumangon na ako sa kama at nagpunta sa banyo para maligo at gawin ang morning rituals ko.

Nang matapos na akong maligo ay nagpunta na ako sa walk in closet at kumuha ng susuotin. Kumuha lang ako ng white T-shirt, black jeans,  at black rubber shoes tsaka nagbihis na.

Nang matapos na akong magbihis ay pumunta na ako sa dresser para mag ayos ng sarili. Nilugay ko nalang ang buhok ko dahil may mag aayos naman sakin sa school mamaya eh.

Nung makapag ayos na ako ay bumaba na ako para kumain at nakita ko naman si mama na inaayos ang mga dadalhin mamaya sa school.

Sabi kasi ni Ms. Pascual kahapon na pwedeng isama ang mga parent's sa Presentation of Candidates. Kaya isasama ko si Mama at si Marcus tutal wala naman silang pasok eh. At Ewan ko lang kay Kuya kung makakapunta siya.

"Good Morning Ma." masayang pagbati ko kay Mama at kiniss siya sa pisngi. Tsaka ako nagtungo sa kusina at kumuha ng gatas sa ref.

"Ma mauuna na po ako dun mamaya at sunod nalang po kayo. " sabi ko sa kanya.

"Sige anak. Yung heels mo pala ako na magdadala mamaya." sabi naman niya habang nag aayos.

"Sige po ma thank you." pagpapasalamat ko.

"Si Ethan nga pala ready na ba yun?" tanong niya.

Yan na naman siya pinapasok nalang bigla si Ren sa usapan.

"Ahh oo ma kasama niya daw si Tita Elaine (Mama ni Ren) tsaka si Euniece (nakababatang kapatid ni Ren) na pupunta." sagot ko naman

"Ah umuwi ba sila? Kailan daw sila umuwi?" tanong niya. Sa US kasi sila nakatira pero may bahay sila dito sa pinas. Kaya yun to make the long story short si Ren lang yung nandito na nag aaral.

"Nung Sunday daw ma. They're here to support Ren for the pageant." sagot ko naman. Buti naman may kasama na siya.

"Ah sige na tanghali na anak pumasok ka na." sabi niya. Kaya inintay ko nalang si Ren na dumating. Ilang minuto lang ay dumating na siya kaya nagpaalam na ako kay mama.

"Ma alis na kami. Sunod ka nalang mamaya ma love you bye" pagpapaalam ko at lumabas na.

Sumakay na kami sa kotse niya at nagdrive na papunta sa school. Pagdating namin sa school ay maraming studyante ang nagkalat. Nakita ko rin na busy ang lahat.

Nagtungo na kami sa room at sa hindi inaasahan ay busy din sila. Gumagawa sila ng mga banner na may nakalagay na pangalan namin ni Ren.

'Go Christlie'
'Go Ethan'
'Go #10'

Yan lang naman ang laman ng mga banner nila at may nakita pa akong

'Go Fafa Ethan'
'We Love You Ethan'

Ano to artista ba siya? Nakakaloka ha. Eh ano bang magagawa ko eh Gangster nga kasi.

Nagtungo nalang kami sa office ni Ms. Pascual. May nakita naman akong dalawang baklang naka upo pagpasok namin. Bigla naman silang napatingin samin.

"Sila na ba ang representatives ng Class A-1?" tanong ng isang bakla at tinignan kami pareho ng pababa at pataas.

"Oo sila nga don't they look good together?" tanong ni Ms. Pascual.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now