CHAPTER 18: Presentation of Candidates

1.3K 51 0
                                    

AC's POV

Nandito na kami ngayon sa gym at nagpreprepare for the presentation of candidates.

Nako kinakabahan talaga ako. Kapag kinakabahan ako tahimik lang hindi nagsasalita. Kung tatanongin niyo si Ren? Ayun chillax walang ginagawa. Parang hindi kinakabahan ah.

Oo nga pala nakasuot din siya ng white t-shirt and black jeans tapos black and white adidas shoes.

"Huy ok ka lang? Kanina ka pa tahimik ah." tanong niya habang nakahawak sa balikat ko.

"Oo ok lang ako mejo kinakabahan lang ng konti" sabi ko at ngumiti.

"Relax ka lang isip mo lang na there's no one is watching you." sabi niya at gumaan naman ang loob ko.

"Thank You." pagpapasalamat ko naman sa kanya.

"Candidates prepare yourselves we will start in 10 minutes." sabi ng event coordinator.

Sabi nga ni Ren wag kakabahan. Relax Kate relax. Inhale exhale inhale exhale. Tama yan relax lang wag kakabahan at isipin mo lang na walang nanonood sayo. Alalahanin mo mas malala pa sa pageant. Kaya wag kang kakabahan.

"Good morning ladies and gentlemen." pagbati ng MC at naghiyawan naman silang lahat.

"Today we are about to start the first day of our intramurals." pagpapatuloy niya ta nagsimula na naman ang nakakabinging hiyawan nilang lahat na lalong nagpakaba sakin. Iisipin ko palang sila na marami ang nanonood ay para na akong nasusuka.

"May we call Mrs. Adamson for her opening remarks." sabi nung MC at narining ko naman na nagpalakpakan silang lahat.

"Good morning Olympians and to our dear parents who came to support their children for todays events." pangunguna niya at nagpalakpakan naman sila. "We have some special visitors today and they are also here to support thier own childrens. So let me introduce them to you." pagpapatuloy niya. Sino kaya yung mga bisita namin? Siguro mga bigtime o di kaya naman ay artista.

"Please welcome Mrs. Elaine Morris and Mrs. Cristina Montenegro" totoo ba yung narinig ko? Yung mama ko at mama ni Ren ang bisita na sinasabi nila?

"Mrs. Morris owned this school and Mrs. Montenegro owns a company who helps our school. Let's give a hand for them." narinig kong sabi ni Mrs. Admason. At pumalakpak naman sila. Hindi ko alam na ganon pala sila kasikat.

"Good morning everyone. We are here to formally announce that we are now officially opening the intramurals for this year." rinig kong sabi ni Tita Elaine.

"We are hoping that you will all enjoy the intramurals this year and we are hoping that you will all participate for the events that will happen." rinig ko ring sabi ni Mama. Sila nga talaga nga talaga ang sinasabi ni Mrs. Admason na bisita.

"Ok so the intramurals is now officially started. Let me give you the criteria for the pageant that will be held on September 21, 2017 3:00 pm that will be held here in the gymnasium of Clash Olympus Academy." sabi nung MC. "Magkakaroon po tayo ng botohan para sa mga candidates. We will get the 50% from the votes and 50% from the judges to complete the score of the candidates. So you better go and vote for your favorite candidate. Votings will end tomorrow at exactly 12:00 pm in the afternoon. Thats all thank you." sabi nung MC. At agad naman silang nagpalakpakan.

"Now lets all welcome The Clashers for their opening prod." nagulat naman ako sa sinabi ng MC at tinignan ko si Ren na naka ngiti. Seryoso ba sila sa gagawin nila?

Nakita ko naman sina Matt na papunta dito sa backstage naka white t-shirt at naka jacket ng black. Tinignan ko si Ren at sinenyasan niya ako na lumabas sa backstage at pumunta sa harap kaya agad ko naman itong ginawa.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now