CHAPTER 51: Shes Back!

1K 33 2
                                    

Ren's POV

Siya yon. She's back.

"So class nagbabalik na ang ating Miss Intramurals." sabi ng teacher namin. Siya nga! Tumayo ako agad at pinuntahan siya para yakapin.

Niyakap ko siya ng mahihpit at hinila palabas ng room. Dinala ko siya sa pagking lot at agad naman siyang sumakay sa sasakyan. Dinala ko siya sa isang lugar na tahimik at walang tao.

Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya niyakap ko lang siya ulit.

"I can't breathe." sabi niya kaya bumitaw na ako.

"I guess you really miss me." sabi niya.

"God AC where have you been? Araw araw kitang hinihintay. Araw araw kitang pinupuntahan sa bahay niyo pero wala ka! Mababaliw na ako kakaisip kung nasaan ka." sagot ko naman.

"If I'm not mistaken may girlfriend ka and you're not suppose to go out during class." sagot niya.

"Shut up." sabi ko at hinalikan siya. I can feel her kissing me back. I really miss this girl so bad.

AC's POV

So nandito kami ngayon sa hindi ko alam na lugar at naka upo lang kami dito sa bench at kasama ko si Ren dahil kanina ay bigla nalang niya akong hinila palabas ng room at dinala ako dito.

"So tell me saan ka nagpunta?" tanong niya.

"Do you really wanna know the story?" tanong ko naman.

"Yes. The full story." sagot naman niya.

"So it all started the day I see you and Angel kissing each other" paninimula ko.

FLASHBACK

Habang nagdradrive ako pauwi ay mas lumakas ang ulan.

Dahil narin sa naulanan ako kanina ay sumasakit ang ulo ko kaya di ako makapagconcentrate sa pagdradrive.

Madilim na rin at ng bigla akong may naaninag na sobrang liwanag na ilaw. Na papalapit sa akin kaya iniwasan ko ito at namanhid ang buo kong katawan ng mabangga ako sa isang malaking puno. Dito ko nalang napagtanto na sugatan na pala ako at dumudugo ang ibang parte ng aking katawan.

Wala na akong ibang maalalang nangyari bukod doon dahil sa nawalan na ako ng malay.

Nagising ako na nasa isang puting kwarto ako. Malabo parin ang aking nakikita pero dinig na dinig ko ang boses ni mama na tumatawag sa akin.

"Anak! Thank god gising kana. How are you feeling?" tanong niya sakin.

Wala akong lakas para sagutin ang mga tanong niya. Ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay ang pagmamanhid ng buo kong katawan.

Unti unting lumilinaw ang aking paningin kaya man naaninag ko kung sino ang mga tao na nasa paligid ko.

"Salamat naman at gising kana anak. Tatlong araw ka nang nakahiga jan. Salamat naman at ngayon ay gising ka na." nag aalalang sabi ni mama.

Hindi parin ako nagsalita at nanatili lang akong naka mulat hanggang sa dumating ang doctor. Ni hindi ko maibaling sa ibang direksyon ang aking ulo dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"You're awake?" tanong ng doktor.

Walang nagsalita ni isa sa kanila kaya naman pinagpatuloy na ng doktor ang pagsasalita.

"So pag usapan natin yung sitwasyon mo. Yung sitwasyon mo ay hindi pangkaraniwan. You have to undergo many tests at hindi dito sa pilipinas ka ooperahan." sabi niya habang naka tingin sa akin

Ooperhanan? Ako? Why?

"You have to undergo an operation for your heart to work properly." pagpapaliwanag ng doktor.

"Kailan siya pwedeng operahan doc?" tanong ni mama.

"As soon as her wounds heals. Pero pwede na kayong pumunta sa US para hintayin ang operation niya." sagot naman niya.

"Ok Doc thank you so much." sabi ni mama at lumabas na ang doctor.

Ilang araw din akong naka higa lang at hinihintay na gumaling ang mga sugat ko para maumpisahan na ang operasyon ko. Nasa US na kami at mag iisang buwan na kami dito.

Dumating yung araw na pinaka kinakatakutan ko sana maging successful at sana walang mangyaring masama sa akin.

3 months have pass at oras na para bumalik. Bumalik sa lugar kung saan hindi kaaya aya nga mga nangyari.Pero tapos na ang lahat. It's January and wala na akong magagawa para baguhin ang mga nangyari.

Nang maka dating na kami sa airport ay pumunta muna ako sa isang bar. Hindi ako iinom. Pumunta ako dito kasi yung imimeet ko yung may ari nito dahil sa business partners sila ni papa and I think dad will buy this bar. Hindi ko alam ang gagawin niya dito pero ewan bahala na nga.

Nang makapag usap kami ay uuwi na sana ako ng may makita akong isang lalaking umiinom at mukhang pamilyar siya. Kaya naman pumunta ako sa likod niya at pipigilan ko sana siya sa pag inom ng alak ng maamoy ko yung pabango niya.

It's him! Di ako pwedeng magkamali. Kaya pala parang pamilyar siya kanina. Long time no see. Hindi ako nag salita at hinawakan lang ang braso niya habang umiinom.

Alam kong malapit na tong mawalan ng malay kaya hindi muna ako umalis at ng mawalan na siya ng malay ay tinawag ko lang yung driver ko at ipinabuhat siya.

Hinatid ko na din siya sa bahay nila pero nag door bell lang ako at alis na.

Sana maging safe ka jan. Magkikita tayo ulit sa school. I promise.

END OF FLASHBACK

"Now you understand?" tanong ko sa kanya.

"So ikaw yun?" tanong naman niya.

"Yup. So tell me bakit ka nasa bar nung gabing yon?" tanong ko naman.

"Gusto ko lang makalimot. I feel empty." sagot niya.

"Why? You break up with Angel?" tanong ko.

"No, nagpunta ako doon dahil tinanggap ko na na hindi ka na babalik. Pero here you are." sagot naman niya.

"Oh I see." maikling sagot ko.

Nag usap muna kami at ng mejo tanghali na ay umuwi na kami pareho.

Habang nasa sasakyan kami ay walang imik akong naka upo.

"AC." sabi ni Ren habang nagdadrive

"Hhmm?" sagot ko naman habang naka pikit.

"Naalala mo pa ba nung nag vacation tayo sa rest house namin?" tanong niya.

"Yeah" maikling sagot ko. " I also remember the day that you and Angel were kissing each other." sabi ko at tumingin sa bintana.

Agad naman niyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Ahm you see AC, hi-" hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng magsalita ako.

"No need to explain, nangyari na ang dapat mangyari at hindi mo na mababago yon." sabat ko.

Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga at pinaandar ang sasakyan.

Wala namang saysay kung magpapaliwanag pa siya. Nangyari na ang lahat at wala na siyang magagawa tungkol don. Hindi na niya mababawi ang mga nangyari.

You can't change the past, and you can't control the future.

A/N:Kung sino man po sa inyo yung marunong gumawa ng Book Cover kindly message me po please. Thank you.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now