CHAPTER 91: New Fiancé?

409 20 4
                                    

AC's POV

Anong kaylangan ng Pikachu na to? Bakit siya tumawag kagabi?

Hindi ko parin maiwasang isipin ang natanggap kong box kagabi.

Sana hindi yon totoo.

"Kate bilisan mo! Malelate ako sa office!" sigaw ni kuya mula sa labas

"Oo na lalabas na!" sigaw ko naman at labas.

"Seriously!? Christlie Kate Montenegro!" sabi niya at tinignan ako ng masama.

"What?" tanong ko naman.

"Ipapahiya mo ba kami?"

"Bakit?"

"Anong bakit? Change your clothes! Now!" sabi niya kaya agad akong umakyat sa kwarto at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Bakit? Hindi naman pangit ang suot ko eh.

Hoodie. Black leggings. White shoes. Messy bun.

Anong masama doon?

"Please Christlie Kate Montenegro magpalit ka naman ng disente! Muka kang taong gubat!" sigaw niya kaya kumuha ako ang white top, dark grey jeans, and leather jacket and black shoes. Binaba ko na din yung buhok ko.

Pag ito pinapalitan pa ni kuya hindi na ako sasama.

"Ok ka na kuya? Happy ka na?" sarcastic kong sabi

"Imemeet mo ang mapapangasawa mo Kate! Hindi ka pupunta sa pajama party! Tara na nga!"

Labag man sa loob ko pero nasabi ko na kasi kay Daddy na pumapayag na ako sa gusto ni Kuya.

Wala na akong magagawa.

Ren will hate me for the rest of my life.

"Jan ka muna. I have a meeting to attend to. Wag na wag kang aalis Kate! Malilintikan ka sakin!" sabi ni kuya at lumabas na ng office.

Nilibot ko ang paningin ko sa office ni kuya at nahagilap ng mata ko ang picture nila ni ate Jasmine.

Naka arrange marriage din kaya sila? Sobrang saya nila sa picture.

Nagulat naman ako ng may biglang pumasok.

"Pikachu!"

"Woah. Chill!"

"Nathaniel Legazpi?"

"Why are you so shock?"

"No way. Don't tell me... No!"

"Chill out. I came here to meet my soon to be wife."

"No! Fucking no!"

Ano to? Is this a joke? This can't be a coincidence! Hindi ako papayag!

"Hindi na kita naabutan sa bahay last time. Saan ka nagpunta?"

"Wala." sabi ko at naupo sa couch.

Ano ba to?

This can't be!

Ayoko!

Sa lahat naman ng lalaki bakit siya?

Not that hindi ko siya gusto pero ganon na rin yon!

"Oh Mr. Legazpi. Nag-kita na pala kayo." bungad ni kuya habang papasok sa office.

"Kuya!" bulong ko.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now