CHAPTER 46: Behind the Curtain

1K 36 5
                                    

Nagising ako sa isang tahimik at walang katao taong silid.

Nasan ako?

Habang ako'y nag mamasid masid ay biglang bumukas ang pinto at inuluwal nito ang 5 lalaki.

"Nasaan ako?" tanong ko.

"Nasa Secret House ka ng Clashers." sagot ni Blake.

"Bakit ako nandito?" tanong ko ulit

"You've been kidnapped." sagot naman ni Kurt.

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Ethan sa tingin ko kailangan mo ng sabihin lahat. Kahit yung mga hindi mo sinasabi sa amin" sabi ni Matt.

"Anong hindi sinasabi? Bakit? Pati kayong lahat pinag lilihiman niyo ako?" inis kong tanong. Nagtinginan lang silang lahat. Bumangon na ako sa pagkakahiga at hinarap sila.

"Doon tayo sa Meeting Room para mas madali tayong makpag usap." presenta ni Blake. Sumunod lang ako sa kanila dahil hindi ko naman alam ang lugar na to.

Nang makarating na kami ay umupo lang kami at sa gitna ni Ren.

"Sabihin mo na lahat Ethan." sabi ni Matt.

"Before I start I want to say sorry for everything." pangunguna niya. "Let's start sa Vipers, AC hindi mo alam to dahil tinago namin to sayo." sabi niya. Habang nakatingin sakin ng diretso.

"Pero bakit?" tanong ko naman.

"Ayaw ka naming madamay. Ito ang napagkasunduan namin ng grupo na mas mabuting hindi mo na alam." sagot niya na hindi parin natatanggal ang tingin sakin. "Vipers, sila ang pinaka malakas naming kalaban sa Gang World. Natalo na namin sila dati at ang mga naka takas na tatlo ay nasa kulungan na ngayon." sabi niya at huminga ng malalim.

"Bumuo ulit sila ng bagong grupo. Mas marami mas malakas at mas palaban. Sa ngayon hindi pa namin alam kung sino ang namumuno dito." sabi niya. Bakit sila bumuo ulit ng grupo?

"Sa araw na pumunta ako sa bahay niyo na bagong ligo at wala kang kasama. Sa araw na yon may nag hihintay sayong panganib. May isang taong gustong pumatay sayo at ipapakita namin sayo iyon mamaya." sabi niya ulit. Tahimik lang kaming lahat na nakikinig sa kanya. Sino kaya yung taong yon?

"So pano nga ba ako nakakakuha ng impormasyon tungkol sa Vipers? Yan ang tanong niyong lahat. Remember the party after the intramurals? Doon ko nakilala si Angel. Yes Angel, siya ang nagbibigay ng impormasyon sa akin. Pero lahat yon may kapalit. Yon ay ako." pagkasabi niya yon ay biglang tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan at hindi alam ang dahilan.

"Siya ang nagsabi sakin na may papatay sayo AC. Kaya ako pumunta ng araw na iyon sa bahay niyo para batayan ang nga mangyayari. Yung threat na natanggap mo sa hotel. Marahil para sayo ay wala lang yon pero ang totoo Vipers ang nagpadala non. At yon ang pinaka malaking clue na nakuha namin. Pero sisiguraduhin ko na ligtas at walang mangyayari sainyo." sabi niya at tsaka lang tinanggal ang tingin sakin.

Yun pala ang dahilan kung bakit sila palaging magkasama ni Angel. Ngayon naiintindihan ko na. Parang naguilty tuloy ako. Pinunasan ko lang ang luha na tumulo sa mga mata ko kanina.

"May mga sikreto pa ba kayo na hindi ko alam? Baka naman gusto niyong ishare?" sarcastic kong tanong sa kanila. Hindi naman sila nakapagsalita agad.

"Ako may sasabihin sa inyong lahat." pagkasabi ko non ay lahat ng attention nila ay nasa akin.

"May sakit ako! Oo may problema ako sa puso. Ren alam mo na may hika ako. Oo lumala yon. Ako wala na akong sikreto baka kayo meron pa? " tanong ko sa kanila at mukhang nabigla sila sa mga sinabi ko.

"I have something to tell you." pagkasabi ni Blake non ay lahat kami napatingin sa kanya. "I did some research on Alexander Legazpi." sabi niya at tumingin sakin.

"What?" tanong ko habang naka taas ang dalawang kilay.

"Kilala mo na ba talaga ang taong yon?" tanong niya ulit.

"Hindi pa masyado pero magaan ang loob ko sa kanya. Siya yung sumama sakin sa mga oras na wala kayo." sabi ko at tumingin sa direction ni Ren.

"Maybe kailangan mo nang mag ingat sa taong yon. I did some research dahil parang mysterious siyang tao. So I found out na hindi pala Alexander ang tunay niyang pangalan kundi Dave Legazpi. Nagmula siya sa US. Patay na ang mga magulang niya. Dahil sa aksidente. May Ate siya na naninirahan sa US ngayon. Nagtransfer siya dito last year ng walang dahilan." pagpapaliwanag niya. Pero anong nakakamysterious don?

"So what's the point?" tanong ko.

"The point is cousin niya si Nathaniel Legazpi. Ang dating leader ng Vipers. So buoin natin ang puzzle." sabi niya nang may ngiti sa labi.

"Anong ibig mong sabihin? " takang tanong ko. Naguguluhan talaga ako.

"Nagtransfer siya dito ng walang dahilan, Cousin niya si Nathaniel Legazpi, he hide his true identity. So anong conclusion niyo?" tanong niya sa amin.

"Hindi ko gets!" sabat ni Mike. Na muhang nagkabaliabliktad na ang utak sa kaka isip.

"M&D. May tatto rin siya na Snake na kagaya ng kay Nathaniel Legazpi sa kanyang likod." sabi niya ulit. So ano nga? Hindi ko rin kasi maintindihan. Hindi kami nagsalita lahat at nanatiling tahimik.

"Malaki ang chance na siya ang sumisimbulo ng D sa M&D. At maaari ring siya ang isa sa mga leaders ng Vipers." sagot niya. Oo nga no? Pero bakit? Pero bakit ang close namin? At ang bait niya din sakin?

"Pwede nga. Kailangan nalang natin na makahanap ng ebidensya pagkatapos tatapusin na natin ang lahat ng to." sabi naman ni Ren.

"Pero bakit? Ang bait niya sakin! Paano mang yayari yon?" tanong ko sa kanila.

"Hindi lahat ng mabait totoo. Yung iba pinapaniwala ka lang para magtiwala at mapalapit ka sa kanila." madiin na sagot ni Ren.. Oh edi siya na. Siya na magaling!

"Kate kailangan na naming ipakita kung sino ang gustong pumatay sayo baka sakaling magsalita siya." sabi ni Blake at tumayo na. Sumunod lang kaming lahat sa kanya at habang naglalakad kami ay may nakita akong mga naka sulat sa mga pinto.

Armor Room

Clashers

E Room

Lab

Clinic

What? May mga ganyan sila dito? Anong klaseng lugar to? Marami pang pasikot sigot sa lugar na to kaya hindi ko na alam ang mga ibang nandito.

Nang makarating na kami sa Room of Doom ay binukasn niya lang ang pinto at doon ko nakita ang isang lalaki na naka gapos.

"Sino siya? " tanong know habang pinagmamasdan ang lalaki.

"Siya ang inutusan para patayin ka." sagot naman ni Ren na mula sa likod ko.

"Pero bakit ako papatayin? " tanong ko naman.

"Dahil isa ka sa mga taong malapit kay Ethan kaya ikaw ang pinupuntirya nila." sagot naman ni Matt.

"Pero bakit si Ren?" tanong ko ulit. Gusto ko lang maliwanagan sa mga nangyayari.

"Dahil siya ang pinaka mataas at leader ng Clashers. Siya rin ang bumuo nito. ." seryosong sagot naman ni Blake.

"Kung ano man ang mga nalaman mo ngayon, wala na dapat ibang maka alam. Mas magiging magaan ang paggalaw kung ganon. " sabi naman ni Ren.

Ang gulo ng mga nangyayari. Wala pa yata ni isa ang nag sisink in sa utak ko.

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now