CHAPTER 9: Muntikan

1.6K 52 0
                                    

Ren's POV

Naka lean lang ako sa sofa habang ginagamot niya ako . At hindi ko naman maiwasang tumingin sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha niya na napaka kinis ang mata niya ang pilik mata niyang mahaba at ilong niya na mejo matangos at higit sa lahat ay ang labi niyang pulang pula. Na parang ang sarap halikan. 

Hay nako Ethan tigilan mo nga yang mga iniisip mo. Yan tuloy napatingin siya sakin.

Nagkatitigan lang kami ni AC at ng hindi ko namamalayan ay unti unti na pala akong lumalapit sa kanya  at tinignan ang mukha niya mula sa mata pababa sa labi na parang gusto kong halikan. At ng mga ilang inches nalang ang layo ng mukha namin sa isat-isa ay biglang dumating si Yaya Linda.

"Kate eto na yung meryenda niyo." sabi niya. Kaya napaiwas naman ng tingin sakin AC at nilapag ang bimpo na dinidikit sa mga sugat ko.

"Salamat po yaya Linda pahinga na po kayo. Salamat po." sabi naman ni AC at umalis na si Yaya Linda.

"Lagyan ko lang ng band aid yang mga sugat mo." sabi niya at hindi nalang ako sumagot. Umiiwas parin siya ng tingin.

Bigla ko namang naramdaman na sumakit yung tagiliran ko.

"Ah Ren kunin ko lang yung damit mo sa taas" sabi ni AC at pumunta na sa taas.

Oo may mga damit ako dito dahil pag weekends lagi ako dito sa kanila kaya nag iiwan na ako ng mga damit. Yun din naman ang sabi ni tita eh.

Hinubad ko na ang damit ko at tinignan ang sumasakit at yun pala yung napalo kanina ng tubo. Kaya kinuha ko ang bimpo at pinunasan ang katawan ko kaya naman ngayon ay basa na ako.

Bigla namang dumating si AC at natulala sa kinatatayuan na nakatingin sakin. Makalipas ang ilang segundo ay hindi parin siya nagsasalita. Kaya naman nagsalita na ako.

"AC?" tanong ko sa kanya.

"Ah eh ah b-bakit?" nauutal nantanong niya.

"Wala tulala ka kasi eh." sabi ko sa kanya.

Lumapit naman siya at binigay sakin ang damit ko.

"E-eto na pala yung mga damit mo." sabi niya at inabot ang mga dala niyang damit.

"Thank you." sabi ko naman sa kanya.

"Si-sige na magbihis ka na jan para makapag meryenda na tayo" sabi niya habang paupo sa sofa at binuksan ang TV.

Pumunta na ko sa CR at nag bihis na ng damit. At nung lumabas na ako ay nanonood na siya at kumakain ng ice cream.

"Dito ka na matulog gabi na baka kung mapano ka pa." sabi niya nung umupo na ako sa sofa.

"Sige. Ahh AC sorry ha?" paghingi ko ng tawad sa kanya. 

"Sorry saan?" takang tanong naman niya at tumingin sakin.

"Kanina." maikling sagot ko naman sa tanong niya.

"O-Ok lang yun" putol putol na sagot niya at binalik ang tingin sa TV.

Nanood lang kami at hanggang sa nagpasya na syang matulog.

"Ren akyat na ko ah punta ka nalang dun sa guest room inayos na ni Yaya Linda kanina yun." sabi niya at umakyat na sa taas. 

Ako naman pinatay na ang TV tsaka sumunod sa taas at pumunta sa guest room. Dito kasi ako lagi natutulog eh.  Kung. May night over man kami ay dun kaming lahat sa kwarto ni AC malawak at malaki kasi ang kwarto niya.

Habang nakahiga ako sa kama ay hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kanina sa sala.

Fuck ano ba kasing iniisip ko kanina. Bullshit naman oh. Tangina nakakahiya talaga kay AC yung ginawa ko. Pano kaya kung natuloy yun? Hay nako Ren naman kung ano ano iniisip mo. Bestfriend mo yun ano ba. Yung bestfriend mo? Hahalikan mo? Ano bang pumapasok sa isip mo at naisipan mong gawin yun? Hay nako makatulog na nga lang.

Pinikit ko na ang mata ko at natulog na.

"Ren gusto kita alam mo ba yun" umiiyak na sabi ni ac.

"AC gusto din kita pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo" sabi ko naman na umiiyak din.

"Pero bakit hindi mo sinabi?" tanong niya ulit habang umiiyak padin.

"Natakot ako na masira ang pagkaka ibigan natin. Natakot ako na masira ang pinagsamahan natin." sagot ko na umiiyak.

"Ren naman eh. Gusto mo ko pero pinagseselos mo ko. Ren nasasaktan ako sa mga nakikita ko." sabi niya na umiiyak padin.

"AC hindi ko naman gusto na masaktan ka eh." sagot ko naman sa kanya.

"Pero sinaktan mo ko Ren." sabi niya na umiiyak at hindi padin tumitigil.

"I'm sorry AC I'm really sorry. I didn't mean to hurt you." paghingi ko ng tawad.

Bigla nalang akong nagising ng may yumuyugyog sa balikat ko.

"Ren gising na" sabi niya na niyuyugyug parin ako.

"Hmm mamaya na masakit katawan ko eh." sabi ko habang tinutuloy ang pagtulog ko.

"Sige bahala ka jan may pupuntahan kami nila mama." sabi niya at agad naman akong bumangon.

"Saan kayo pupunta?" agad na tanong ko.

"Ewan ko basta sabi ni mama may pupuntahan daw kami eh." sabi niya at umupo sa gilid ng kama.

"Ahh ok." sabi ko naman.

"Oo nga pala lumuluha ka kasi kanina eh kaya ginising kita agad.  Ano ba nangyayari sayo Ren? Tsaka yung mga sugat mo hindi na ba masakit?" mahabang sabi niya.

"Ewan ko. Pero yung mga sugat ko mejo ok na naman salamat pala kagabi ah." sabi ko naman.

"Sus ok lang yun ako kaya nurse niyong Clashers diba? Kaya bumangon kana diyan kasi sasama ka daw sabi ni Mama." sabi niya na tumatawa.

"Sige pero I'll go home for now para magbihis. Wala kasi akong naiwan na damit pamasyal dito eh." sabi ko naman.

"Sige pero kain ka muna ah." sabi niya at tumayo na.

"Sige susunod ako mamaya. Maghihilamos lang ako sandali tapos bababa na ako." sabi ko habang naglalakad papunta sa CR.

"Sige baba na ako." pagpapa alam naman niya.

Pumasok na ako sa CR at naghilamos.

Napaisip naman ako sa nangyari sa panaginip ko. Salamat naman at panaginip lang yun. Kung hindi hindi ko na alam ang gagawin ko kung totoo yun.

My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon