#Chapter4

1.9K 34 1
                                    

#Chapter4

Naglalakad si Red Riding Hood na parang normal na tao lang na nag lalakad sa loob ng mansyon kung nasaan nakatira ang Caiña Familia.

Wala pa itong suot na Red Riding Hood dahil nasa subdivision palang siya wala pa siya sa mismong perimeter ng bahay ng Caiña Familia.

Ng matanaw niya ng 50 meters ang lugar ng Caiña Familia bigla nalang siyang pumasok sa madilim na lugar at sinuot niya ang kanyang Hood

Kahit medyo malayo pa siya sa bahay patago na siyang lumalapit dito.

Idinikit niya ang kanyang likod sa pader at tumingin sa itaas nito.

"Tsk." asik niya ng mahina ng makita niyang medyo may kataasan yung pader bago siya makapasok sa lugar ng Familia ito.

Nilibot niya ang kanyang paningin, may nakita siyang puno na malapit lamang sa pader kaya naman nilapitan niya ito at inakyat.

Ng makaakyat siya inihanda niya ang kanyang katawan para tumalon sa loob.. ng tumalon siya naitukod niya yung tuhod niya at yung mga kamay niya.

Pero bago pa siya makapasok ng bahay may naramdaman siyang presensya sa paligid.

"Shit akala ko ba walang tao dito?" bulong niya

"Yun ang alam ko walang tao dyan.." Sagot ng nasa earpiece niya..

"Eh ano pala yung nararamdaman ko aber?" may kasamang galit yung tono niya pero mahina parin

Kinalikot niya ng mabilis ang doorknob ng marinig niya itong bukas na pumasok agad siya at dahan dahan niyang isinirado ito.

Kampante siyang naglalakad sa loob ng bahay. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid niya may nakita siyang glass cabinet kaya nilapit niya ito.

Iniisa isa niya ng tingin yung mga nandoon na mga mamahalin ding mga gamit. Napangiti nalang siya ng makita niya ang dahilan ng pinunta niya dito.

"Bakit ba masyadong madali nalang lage  ang paghahanap ng mga nanakawin ko?"

Binuksan niya yung cabinet, kinuha yung musical box tinitigan niya ito.

Isang box na tulad ng huling nakaw niya naka palibot ang dyamante dito pero ang pinagkaiba may pattern ito.. iba ibang kulay ng dyamente talagang nasa tamang pwesto

Inilagay na niya ito sa bag niya at tulad ng dati may iniwan siya at isinirado ito.

Bumalik na siya sa pintong pinasokan niya bago siya lumabas nilingon niya sa isang sandali yung bahay bago siya lumabas.

Isinirado niya yun pinto ng biglang may naramdaman siyang may pumulupot na braso sa kanyang leeg..

"So Red Riding Hood is a girl huh!"

"Yeah." kalmang sabi niya, bago pa dumapo ang kamay ng nagmamay ari ng braso sa hood niya inapakan niya ng sobrang lakas yung paa.

Umikot siya habang hawak ang kanyang hood para di ito madala ng hangin at matanggal sa ulo niya.

Kaharap na niya ang taong ito.

"Zyryl." bulong niya sa kanyang sarili.

Kahit saang anggulo walang nakikitang mukha si Zyryl mula dito dahil sa malaking hood niya at sa madilim din ang lugar.

"Kilala mo ko?" pinilit umayos ng tayo si Zyryl kahit medyo nararamdaman niyang masakit yung paa niyang tinapakan.

"Of course I know everybody but they don't know me." nasilayan ni Zyryl ang kanyang labi.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now