#Chapter40

440 6 0
                                    

#Chapter40

Alice' POV

Sa pag labas ko sa kwartong yun di ko na inaya si Belle na aalis na kami, umuna na ako sa pag lalakad bago pa ako makaliko narinig kong sinigaw ni Zyryl yung pangalan ko.

Bakit ko ba sinabi yun? Nag palinga linga ako at nakita ko yung cr ng mga babae kaya di na ako nag dadalawang isip na pumasok doon at dumiretso sa lababo.

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Bakit ko ba sinabi yun? para naman akong girlfriend nung tao para sabihin ko yun. Atsaka excuse me wala akong nararamdaman sakanya okay? Oo nangliligaw palang siya sa akin.

Narinig ko ulit yung boses ni Zyryl sa labas pero parang nilagpasan niya lang ang cr napahinga naman ako ng maluwag.

Akala ko mahanap niya ako dito.

Napataas naman yung kilay ko habang tinitignan yung sarili ko sa repleksyon ng salamin. Bakit ba ako nag tatago? ayoko na muna siyang makita sa ngayon. Pero bakit nararamdaman ko ito? tsk Alice ano ba nangyayari sayo?

Nakipag titigan ako sa sarili ko habang nakikipag usap ako sa isip ko. Ang daming tanong pumapasok sa isip ko ngayon. Take note hindi yung dahilan ng pag uwi ko dito sa pinas ang tungkol sa mga tanong na sumusulpot sa isip ko kundi nasa iisang tao lang si Zyryl at sa inaakto ko ngayon.

Alice pinapapaalala ko sayo kung ano ang rason nag pagbalik mo dito sa Pinas okay? umayos ka naman oh! bumalik ka na sa dati wag mong intindihin ang lalaking tinanong kang pwede ba siyang mangligaw tapos ngayon iniiwasan ka.

"fvck" bulong ko sa sarili ko.

Nag hilamos nalang ako ng mukha ko para baka sakaling bumalik ako sa katinuan at nag punas ng mukha.

Sa pag tingin ko sa salamin mas lalong kumunot yung noo ko.

Bakit nga ba siya nangliligaw sa akin? tapos ganitohin niya lang naman pala ako? iiwasan? aba! kahit kinukulit lang ako ni Belle na bisitahin siya bago kami pumasok at bago kami umuwi gusto ko naman siya makita nag babakasakaling makita siya pano mangligaw kahit ganon ang sitwasyon niya.

Sinuntok ko yung repleksyon ng mukha ko dahil naiinis ako sa iniisip ko.

Mali yung iniisip ko oy pota! nakita ko naman yung dugong umaagos pababa sa lababo na galing sa binasag kong salamin ay tinanggal ko naman yung kamay ko at hinugasan ito.

Sinaktan ko pa sarili dahil lang sa naiisip ko wow! anong pinakain sa akin ng lalaking yun at nagkaganito ako.

Natigilan akong mag hugas ng kamay ng marinig kong nag riring yung cellphone ko kaya pinunasan ko yung kamay ko at binalot sa toilet tissue at kinuha ang cellphone ko.

Bago ko pa matignan kung sinu tumatawag ay na tapos na yung pag tawag niya kaya binuksan ko ito at lumaki naman yung mata ko ng makitang may 20 missed calls na pala si Zyryl.

Aba kanina pa pala siya tumatawag di ko man lang napansin.

Binaliwala ko naman yun at nag pop up sa itaas ng screen isang text ni Zyryl. Kaya pumunta ako sa message at laking gulat ko ulit na may 40 na text akong natanggap galing sakanya ano yun? time two sa text sa isang tawag niya? Binuksan ko naman yung message niya puro mura at asan na ba ako at pwede ba daw kami mag usap ang natanggap ko sakanya.

Biglang may nag pop up na naman na message pero hindi galing sakanya.

Binuksan ko ito si Belle.

"Oy Alice asan ka na ba? dalawang oras ka ng nawawala alam mo bang 30 minutes kaming sunod ng sunod kay Zyryl na hinahanap ka tapos hinihintay ka na nag babakasakaling andon ka pa sa hospital tapos ngayon isang oras at kalahating minuto ka ng hinihintay ni Zyryl umuwi di mapakali yung tao umuwi ka na"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now