#Chapter25

628 13 0
                                    

#Chapter25

Alice' POV

"Now What? ano naman gagawin ko dito?" pabagsak akong umupo sa upuan ko at inikot ikot ito.

Pumunta nga kami dito sa Kyril Company pero what the hell wala man lang mga trabahong nag hihintay sakin dito akala ko pa naman meron!

"Mag pasalamat ka nalang kaya upo ka lang ng upo diyan at gumastos ng pera."

"Wag mo kong ginagaya sayo na pa prinsesa" Sa pag ikot ikot ko sa upuan ko ay sumabay din sa pag ikot ng isang beses yung mga mata ko.

"Prinsesa naman ako kahit ikaw nga"

"Wag mo masyadong eh feel"

"Hoy! Alice baka nakakalimotan mo yung ginawa mo sa limited edition kong damit?!"

Itinigil ko yung pag ikot ikot ko sa pamamagitan ng pag hawak sa mesa para matigil iyon at humarap kay Belle

"mag hanap ka ng trabaho"

"Ano naman connect ng pag sira mo sa damit ko sa pag hahanap ko ng trabaho aber?"

Sasagot na sana ako ng biglang may kumatok kaya tinignan ko si Belle na sinasabi ng tingin ko ay harapin mo kung sino yun

Kaya pabadyak siyang tumayo sa pintuan at sa pag bukas niya ng pinto ay

"Ano!?" nagulat naman yung babaeng kumatok dahil sa ginawa ng gagong Belle na to napailing nalang ako.

"M-ma'am ano po kasi"

"pumasok ka" tipid at may awtoridad kong sagot kaya nakita kong pumasok at nag madaling pumunta sa harap ko at may binigay na folder

"ano to?" Tinitigan ko lang ito blangko ang folder walang naka lagay na kung ano ang tungkol sa nilalaman nito.

"Sabi ni Sir Kyril na ibigay po yan sa inyo" nakayukong tanong niya.

"Eh bakit ngayon niyo pa ito binigay?! kanina pa kami dito!?" Sigaw sa likod ni Belle kaya tinignan ko siya ng masama.

Akala ko ba prinsesa siya bakit kung makasigaw na nga lang ay parang isa sa mga nanininda sa palengke?! sakit sa tenga pota

"K-kasi po ma'am ngayon lang po yan pinadala at inutos"

Tumango nalang ako at tinaas ang kamay na nagbibigay signal na pwede na siyang umalis.

Tinitigan ko lang ang folder wala lang trip ko lang, ng marinig kong bumukas at sumirado ang pinto ay binuksan ko ito nag sawa na kasi ako sa folder lang.

At last may trabaho na ako di na ako mabuburo dito sa loob ng opisina kasama itong Belle na to.

Pero bigla akong binagsakan ng langit sa nabasa ko.

Ito yung nanakawin ko eh! nakalista na lahat.

Obviously sa Kyril Clan na ako nag tatrabaho hindi na sa mga kamay ni Wolf at isa si Wolf sa trabaho ko.

Anyways. akala ko trabaho ito dito sa opisina trabaho pala sa labas kaya binitawan ko na ito at sinimulan ulit inikot ikot yung upuan ko.

"Ano ba yan?" Tanong ni Belle na nakalapit na sa mesa ko at binabasa na ang nilamaman ng nakapaloob sa folder.

Biglang nag ring yung phone ng isa sa amin wala akong planong sagotin dahil alam kong uunahan ako ni

"Hello?"

Sabi na ehh uunahan niya ako kahit kaninong cellphone pa yan may kasama ako sa buhay na chismosa eh na dapat alam niya anong meron sa buhay ko.

Di ko alam bakit ito naging magnanakaw sa bansang France kung ganito naman ito.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now