#Chapter75

386 5 0
                                    

#Chapter75

Alice' POV

Minulat ko yung mga mata ko at ang bumungad saakin ay ang kisame ng kwarto ko. Napakunot naman ang noo ko kaya bumangon ako.

"Gising ka na pala" medyo napatalon ako ng may nasalita sa kaliwa ko kaya nilingon ko ito.

"Bakit ka andito?"

"Sinabi ko kay Belle kanina na di ako uuwi hanggang hindi kita nakakausap kaya andito ako"

"Kung pag hihinalaan mo nalang ulit ako umalis ka na"

"I'm sorry, sorry if pinag hinalaan kita, sorry kung nawalan ako ng oras sayo nung mga panahon na nagkasakit si Lea, yes I lied, naging busy ako kay Lea sa mga panahon na yun dahil nagkasakit siya at sorry kung hindi kita pinuntahan sa hospital, sorry sa mga sinabi ko kanina nadala lang ako sa galit ko, sorry kung nabigyan kita ng pasa sa braso"

Tinitigan ko lang siya.

"Pwede ba akong lumapit sayo?"

Tumango naman ako bilang sagot.

Agad naman itong tumabi sa akin at niyakap ako ng napakahigpit at siniksik ang mukha sa leeg ko.

"Yakapin mo naman ako pabalik oh" bulong niya,  narinig ko naman ang pag singhot niya.

Umiiyak ba siya?, niyakap ko ito.

"Bati na tayo please? akala ko kasi si Morgen ay nakilala mo lang doon, buti nalang sinabi sa akin ni Belle kanina. Please stop calling him baby"

"Baby?"

"Yes yung kanina, yung mas inuna mo pa siyang ginamot."

"Inuna ko siyang ginamot dahil gusto kong makapag usap tayo, at hindi ko tinawag na baby si Kuya Justine, sinabi ko sakanyang tumigil siyang katatawag sa akin ng baby sa harap mo, I'm his baby daw kasi and I'm kuya Alexander's princess, that's his explaination"

"Talaga?" Humarap naman ito sa akin pero hindi padin tinanggal ang mga brasong nakayakap sa akin.

"Tsk"

Naramdaman ko naman ang pag halik niya sa noo ko. Napangiti naman ako.

Bigla namang may kumatok.

"Alice" nag titigan kami ni Zyryl ng tawagin ako ni kuya Justine, di naman maipinta ang mukha ni Zyryl, napatawa naman ako ng mahina.

Humiwalay ako kay Zyryl at binuksan ang pinto.

"Kuya"

"You okay?"

"Oo okay lang siya" singit ni Zyryl.

"Kakain na daw."

"Bakit ikaw ang tumawag kay Alice? nasaan pala si Belle?" tanong ni Zyryl kaya siniko ko ito para tumigil.

"Tsk, halika na, kakain na"

Ngumiti naman ako at tumango, umuna ito ng lakad kaya sumunod naman ako at sumabay saakin si Zyryl sa pag lalakad.

"Yung mukha mo hindi maipinta" bulong ko kay Zyryl

"Wag mo ng pansin" tumango naman ako.

"Oh Alice dito ka tumabi saakin" bungad sa akin ni kuya Alexander sa dining area, napakunot naman noo ko.

"Come on, gutom na ako."

"May upuan pa kuya bakit naman ako uupo sa tabi mo?"

"Eh sa gusto ko ako yung katabi mo kaysa sa yang dalawang yan"

"Fine, whatever" tumabi naman ako sakanya, napagitnaan naman ako ni kuya Alexander at Belle, umupo na din si kuya Justine at Zyryl sa harap namin na parang binagsakan ng maraming problema.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now