#Chapter36

412 9 0
                                    

#Chapter36

Alice' POV

Habang nakatingin sa kawalan ng nakakunot ang noo dahil sa sobrang inis ay bigla naman ko nalang naramdamang may humawak sa pulsohan ko at hinila ako napasandal ako sa kotse ng pabagsak dahil pabagsak na binitiwan niya yung kamay ko.

Tinignan ko naman itong nasa harap ko ngayon na parang sobrang problemado dahil ginugulo niya yung buhok niya at minamasahe yung noo.

"Okay ka lang ba?" malumay niyang tanong ng mahimasmasan siya.

"Buhay pa ako ibig sabihin non okay lang ako"

Napatingin naman siya sa entrance ng building na busy ngayon dahil sa pag labas pasok ng mga tao at napupuno ang madilim na lugar ng blue at red na kulay ng ilaw habang sumasayaw ito.

"Lagot ako nito bukas"

"Bakit ka kasi tumawag ng pulis at ambulance"

"Bakit Alice?! sinong di mapapatawag Alice muntikan ka ng mamatay"

Umikot naman ang mga mata mata ko sa mga sinabi niya napatay ko nga lahat ng mga andon pano naman ako mamamatay?

"Ano yan?" napakunot nanaman ang noo ko ng may tinuro siya sa tenga ko. Hinawakan ko naman ang tenga ko at naramdaman ko yung earpiece.

Napakunot na naman noo ko sa inis ng maalala ko sinabi ni Wolf sa akin. Aba gusto gusto niya talaga ang larong tagu taguan no?.

"Masarap bang maging uto uto Alice? Sayang naman di mo ko nakita ngayon pero ako kitang kita kita hahaha" yan ang sinabi saakin ng Wolf na yun, sa sobrang inis ko dahil naubos yung enerhiya ko tapos ganon lang ang mangyayari sa akin ngayon gabi.

Kinuha ko naman ang earpiece at tinapon sa sahig at inapakapakan para malabas ko yung namumuong galit sa akin ngayon.

"Alice" naramdaman ko naman ang kamay ni Zyryl sa braso ko kaya napatigil naman ako sa ginawa ko niyakap naman ako ni Zyryl

"Buti di ka nila pinatay" may lambing na tono ng pananalita ni Zyryl kaya napakunot naman yung noo ko. Oo na panay na ang pag kunot ng noo ko di na ako mag tataka kung isa sa mga araw ngayon mag didikit na yung mga kilay ko.

"Eh Uwi mo nalang ako Zyryl pagod na ako"

Zyryl's POV

Habang nag mamaneho ako pauwi, malapit lang naman dito ang subdivision namin.

Nilingon lingon ko si Alice na ngayon ay nakatulala na parang ang lalim ng iniisip, no scratch that parang dahil Oo malalim nga iniisip niya.

Ang dami kong gusto eh tanong kay Alice ngayon. Parang ibang tao yung kasama ko kanina, parang hindi na si Alice yung kasama ko kanina. Yung pag mano mano niya.

Nakita ko siya nung huli kung paano makipag away pero parang nawala yun ang naging iba na siya ngayon kung makipag away.

Kung noon sabi niya napurohan niya yung nakaaway niya ngayon parang hindi na siya nakokontento sa purohan lang papatayin niya talaga ang mga yun.

Walang natira maskin isa sa mga nakaaway namin na buhay. Puro sila namatay pati yung papatayin sana ni Alice na pinigilan ko siya ay namatay din dahil naubosan ng dugo sa sobrang tagal. Tapos yung nakaaway ni Alice na mano mano ay puro din sila patay. Di ko alam kung ano ginawa ni Alice don dahil nakita lang siyang pinag sisipa, pinag susuntok at kung ano ano pang gamit lang ang katawan.

Kanina dinala siya sa ambulance para tignan kung may sugat siya, meron nga at may pasa pa siya na sobrang namamaga ngayon, dadalhin na sana siya sa hospital pero ayaw niya. Kaya sinabihan nalang nila ako na kung lalala yung pasa niya at sugat ay dalhin agad siya sa hospital, mapilit kasi ayaw niya talaga mag pahospital.

The Thief Red Riding Hood ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora