#Chapter19

685 12 0
                                    

#Chapter19

3rd Person's POV

Madaling araw pa kung saan tulog pa ang lahat ng tao maski ang mamang araw ay tila tulog pa pero may isang taong tumatakbo na parang siya ang nag mamay ari ng kalye. Nag jojogging kung baga.

Ng sumikat ang araw ay bumalik na siya sa kanyang bahay.

"Good morning iha"

Tumango lang ito bilang sagot sa kanyang ina at dumiretso sa training room niya.

Sinuot niya ang kanyang boxing gloves at pinagsusuntok ang punching bag.

"Uuwi ka ba sa Pilipinas?"

Napatigil siya sakanyang ginagawa ng marinig niya ang kanyang tatay.

"Yeah Dad it's been a year since nung bumalik ako don."

My biglang binagsak sa mesa na folder ang kanyang tatay kaya kinuha niya ato. Isa lang ibig niyang sabihin nito may pinapatarget na naman ang kanyang ama.

"Dad sabi ko naman sayo na..."

"last na iyan na trabaho mo sakin iha kaya pag bigyan mo na ako."

napabuntong hininga nalang siya, hinubad niya ang kanyang boxing gloves at binuksan ang folder, napakunot naman yung noo niya sa isang profile.

"Red Riding hood? huh?! haha"

"Why iha?"

"Akala ko ba huh ah basta dad ako na bahala nito"

Babalik na sana siya sa kanyang ginagawa ng biglang pumasok.

"Oh kung makabigay ka ng masamang tingin diyan parang may ginawa akong masama" sabi ng bagong pasok

"Meron nga ang pang disturbo"

"ah so wala bang training ngayon? okay"

Pero bago pa makalabas ng bagong pasok ay may kutsilyo ng nakatarak sa pintuan na nasa harap niya, imbis na magulat ay parang wala lang itong tumingin sa pinanggalingan.

Walang pag alinlangan ay sinugot niya at ito pero sa bilis ng pangyayari ay wala na ito sa dati niyang puwesto kaya napalingon siya sa kanan at andon lang siya nakatingin sa bagong dating na parang walang nangyari.

Zyryl's POV

"alam mo pare talagang mahirap ng hanapin ang taong ayaw magpahanap"

"pinagsasabi mo?"

"ay hindi pala mahirap na palang hanapin ang taong patay na"

"Oo patay na siya dahil iniisip niyong patay na siya ano pa silbi ng buhay niya kung sa isip ninyong lahat patay na siya?"

Isang taon na ang lumipas simula nung huli kong hatid kay Alice. Lumabas yung dna result positive.

At pumunta yung parents ni Alice dito para kunin ang bangkay ng anak nila.

Pero parang mali sa lahat ng nangyari noong isang taon ng nakalipas eh.. di ko talaga maramdamang si Alice yun.

Parang may nagsasabing hindi si Alice yun, tinangka kung hanapin baka sakaling hindi nga si Alice yung bangkay pero sinabihan ako ni Belle na tumigil na dahil sa ikalawang pagkakataon positive parin daw ang lumabas sa dna result ng pina dna test nila ulit ito.

Tumigil ako sa paghahanap pero di ibig sabihin non bibisita na ako sa bangkay na yun dahil alam kong hindi yun si Alice. Di nga kumabog ng malakas yung dibdib ko, yun lage kong nararamdaman tuwing nakikita ko si Alice.

"Zyryl"

"uhm?"

"tulala ka na naman, si Alice na naman ba?"

Napabuntong hininga nalang ako at tinuod ng pansin yung trabaho ko.

"Napabalitaang nag babalik ang Most Wanted Theif ng Pilipinas kasalukuyang nakita siya sa isang CCTV footage sa Mindanao."

Napabalikwas ako sa narinig ko kaya naman imbis na sa trabaho ko ako mag tuon yung mata at tenga ko ay nasa tv.

"Nakatakas siya?!" Joe

Pinakita ang CCTV Footage at nakita nga ang isang babae na nakasuot ng hood yung dating gawi niya na pag nagnanakaw siya humaharap siya sa cctv na labi lang ang nakikita at bigla nalang ngingiti ng nakakainis.

"Hindi." tipid kong sagot sa tanong niya.

"pano siyang nandiyan?!"

"Binisita ko pa kanina si Red andon siya sa kulungan"

"Wtf!? eh sino yan?!"

"Baka fake" rinig kong sagot ng isa pa naming kasamahan

Umiling ako sa sagot niya nararamdam ko kasing hindi ito fake dahil sa video na pinakita parang ito ang totoong Red.

Napabalik nalang ako sa trabaho ko pati narin yung iba kong kasamaha.

"Parang may mali" bulong ko.

"Breaking news! Natagpuan ang Most Wanted Thief na patay sa isang abandonadong building. Pasintabi po sa kumakain dahil ipapakita po namin ang napakabrutal na pag patay kay Red."

"Ano ba! wtf uso naman kasi censored diba!? parang nawalan ako ng ganang kumain habang buhay"

Rinig kong reklamo kaya natingin ako sa paligid, nawala ako sandali sa sarili ko anong meron?

Nakita ko yung bagong balita, napakunot naman ako sa nakita, bago nga lang binalita na nakita tapos ngayon binalita na agad na patay na siya? aba ang gulo din nito eh no?

Napabalik naman agad sa kani kanilang trabaho ng makitang pumasok yung boss namin.

Minsan lang siya kung bumaba at mag pakita dito dahil kami yung lageng umaakyat kung may kailangan siyang sabihin pwera nalang sobrang importante ang sasabihin niya at baba siya.

"May natanggap akong balita galing sa ibang opisina n NBI" simula niya kaya bigla nalang naagaw ang atensyon ng lahat pwera sa akin na nag hintay talaga sa sasabihin niya.

"Andito daw sa Pilipinas ang kasalukuyang Most Wanted Murderer Thief sa bansang Spain"

"Aba sa pagkakaalam ko strikto ang Spain bakit naman ito nakalabas ng bansa nila Sir?" Joe

"Di ko alam. Basta ihanda niyo inyong mga sarili siguro siya yung pumatay sa most wanted thief natin"

"Sir? nasa kulungan po si Red di po siya nakatakas"

"So Fake pala yung Red na nabalitaan?"

"Siguro"

"Okay yun lang balik na kayo sa trabaho"

Belle's POV

"Dad"

"Di na magbabago yung isip ko Belle uuwi ka ng Pilipinas!"

"Dad pwede sa France nalang ako? ayoko nga kasi sa Pilipinas! wala naman akong trabaho don"

"No that's final or else! Ipapaban kita sa pag punta sa France?!"

"Ugh ghad! Dad! stop using your connection to your daughter"

"I can use it young lady"

"yeah you can dad but stop it using to me"

"No lalo na ang tigas ng ulo mo"

"Di napo titigas yung ulo eh uwi mo nalang kasi ako don sa France"

"Wala kang gagawin don"

"dad meron ang pag nanakaw dad.. baka nakakalimutan mo po na Wanted akong magnanakaw don"

"Oh tapos?"

"Gustong kong bumalik dahil don namiss na siguro ako ng bansang yun at wala na silang mag nanakaw dad kung sa Pilipinas mo ako eh lagay"

"Edi sa Pinas ka mag nakaw"

"andwae! gusto ko don sa France dad!"

"Sa ayaw at sa gusto mo sa Pinas ka!"

Nag walk out naku ilang hagdan palang ang naapakan ko narinig ko ang huling sabi ng tatay ko.

"Sa Pinas ka at this time ayusin mo na ang pagbabantay kay Alice."

"Yeah right babysit again" sabay ikot sa mata ko.

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon