Epilogue

1K 23 5
                                    

#Epilogue

Alice' POV

"Z-zyryl"

Tinitigan niya lang ako, tinulungan niyang tumayo si Joe.

"Mauna ka na Joe, ako na bahala dito"

"Sigurado ka? tatawag na ba ako ng pulis?"

Umiling naman ito.

"Ako na ang tatawag, no I mean ako na magdadala sakanya sa kulongan"

Napakuyo naman ako sa binitawang salita niya, akala ko handa na akong ikulong ni Zyryl pero akala ko lang pala yun kasi bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib.

Napaatras naman ako.

"Wag mo ng subukang tumakas Alice, tama na, marami ka ng krimen na nagawa makonsensya ka naman kahit wag mo na akong isali sa konsensya mo"

"Zy can I explain?"

"Ano?! mag sisinungaling ka na naman ba? tama na Alice masakit na eh! sayo ko kwenento ang nangyari tungkol kay Red, di ka man lang ba nakokonsensya sa mga panahong yun!? ah oo nga pala si Red ka nga pala nakapatay ka nga pala kaya wala ka ng konsensya"

"Hindi naman sa ganon Zy eh, sasabihin ko naman sayo talaga ang totoo"

"Kailan!? tulad ng sabi ni Joe kanina? pag kinasal na tayo?! yeah right! ayokong mag pakasal sa isang krimenal!"

"Oo Zy isa akong krimenal, nasa dugo na namin yan! sabihin na nating kaya ko naman iwasan pero paano? kung lahat ng taong nakapaligid saakin krimenal din? sorry for being a crimenal! sorry if I keep this fvcking big secret to you, ayoko eh ayokong mawala ka! natatakot akong sabihin sayo ang totoo baka ipag tabuyan mo ko, na baka ikaw mismo ang magkukulong saakin!. Gusto ko ng maging isang normal na tao Zy, kaya nga umuwi ako sa amin dahil sinabi ko na kila mommy at daddy na I quit, ayoko ng maging isang krimenal dahil alam kong ayaw mo ng ganon! at sa pag uwi ko dito sasabihin ko sayo lahat sasabihin ko naman eh kaso naunahan lang ako ni Joe, sorry for hurting you, sorry if I'm the reason bakit delekado ko sa trabaho mo ngayon, sorry kung malapit mo kong mabangga noon kung nasa sarili lang ako noon edi sana di mo ko nakilala edi sana di ka naiipit ngayon, sorry if I exist, sorry for ruining your peaceful life, sorry sa lahat."

Pinunasan ko naman ang mga luhang kanina pa nag uunahang tumulo, at huminga ng malalim dahil mas lalong sumasakit dibdib ko. Tumawa naman ako ng mahina at tinitigan ang mga mata niyang kasing lamig pa ng mga kamay ko ngayon.

"Yeah right hahaha sino ba namang matinong lalaking magpapakasal sa isang krimenal, pasensya ka na sa lahat h-ha?"

Tinanggal ko naman ang singsing na suot ko at mas lalong bumilis ang pag tibok ng puso ko na sumasakit padin at mas lalong bumilis ang pag sunod sunod ng pag tulo ng mga luha ko at nihalad sakanya ang sing sing.

"And I'm ready, ready na akong ipakulong mo ako" sabay ngiti sakanya ng mapait.

"Papanagutan ko lahat ng mga kasalanan ko"
Nilahad ko ang dalawa kong kamay kasama ang singsing.

Pumikit nalang ako at hinayaan ang sarili na umiyak habang sumasakit ang dibdib, hinintay ang posas na dumikit sa pulsohan ko.

Pero ilang segundo na ang nakalipas ay wala padin akong naramdaman na posas kay binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Zyryl na unti unting lumalayo saakin.

Napaupo nalang ako sa lupa, at niyakap ang sarili habang umiiyak.

"So the wedding is off?"

Kinuha ko naman ang cellphone kong kanina pa nag vibrate.

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon