#Chapter22

623 14 0
                                    

#Chapter22

Alice's POV

Naalimpungatan ako ng biglang may kumatok ng malakas sa kwarto ko.

"Ano ba! natutulog ako!"

"Alice!"

Napabangon nalang ako at tumingin sa orasan. Kinuha ko yung kutsilyong nasa table lang na katabi ng kama ko, bumangon at pumunta sa harap ng pintuan.

Napabuntong hininga ako sa inis na hanggang ngayon ay kumakatok padin si Belle at sinisigaw ang pangalan ko.

Marahas kong binuksan ang pinto at wala pang isang pikit nasa likod na ako ni Belle habang yung kutsilyo kong hawak kanina ay nasa leeg na niya at handa na siyang laslasin.

Pero dahil may angking galing din si Belle at sa isang iglap lang ay nasa dalawang metro na ang layo niya mula  saakin na nakaharap saakin.

"You better explain yourself Belle why you ruined my sleep? so damn you Belle it's 3Am in the fvcking morning"

"Yeah 3am na nga"

"Explain?! kung ayaw mong maranasan ang huling pikit ng mga mata mo"

"Wag mo kong tinatakot Alice inutosan mo kong gisingin ka sa ng ganitong oras"

"Kailan pa aber?!"

"Noong nasa Spain pa tayo fvck you"

"Bakit sinabi ko bang gawin mo yan dito sa Pinas"

She shrug sabay talikod at pumasok sa kwarto niya.

Kaya pati ako kay pumasok sa kwarto, tinapon kung saan yung kutsilyong hawak ko at dumiretso sa kama at tinuloy ang naputol kong pag papahinga.

Zyryl's POV

Nakatanggap ako ng text message galing kay Belle. Andito daw siya sa Pinas.

Sana kung andito siya andito din si Alice diba? pero dahil nga patay na si Alice sa paningin nila ano pang paki ko kung andito ang pinsan ni Alice?

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo.

"Oh san ka pupunta?"

"Kay Red"

"Naku Hilgen ha? baka may lihim kang pag tingin diyan kay Red kaya ka pumupunta sakanya"

Umiling nalang ako sa sinabi niya at umalis sa lugar kung saan siya nag tatrabaho.

Ng makarating siya sa sa isang masukal na kagubatan ay derideritso lang ang pagpapatakbo niya sakanyang kotse.

Kung di mo talaga araw arawin ang pagpunta dito talagang mawawala ka.

Pinark niya ang kanyang kotse ng pinapasok siya sa loob.

"Si Red na naman ba?" tumango nalang ako ng tumayo ako sa harap ng pintuan kung saan nakaharang ang isang guwardya.

Malayo sa syudad ang pinagtayuan ng isang kulongan, kulongan ng mga kreminal na wala ng pag asang makalabas pa.

At di ko alam kung nasa likod na kami ng kagubatang ito o nasa gitna dahil may isang oras kang byahe dito sa kagubatan bago mo makita ang building nato.

"Di ka ba nag sasawang bisitahin ako araw araw?"

Naagaw ang aking atensyon ng mag salita ang kararating lang at umupo sa harapan ko.

"Alam mo bang nabalitaan" pero bago ko pa natapos yung salitang dapat sasabihin ko sakanya ay nag salita na siya.

"Di ako tanga dahil may TV naman dito"

Huminga nalang ako ng malalim.

"Marami talagang umiidolo sayo no?"

"Alam mo Mister Hilgen ang masasabi ko lang sayo ay...."

Napakunot naman ako sa noo ko ng tinigil niya ang kanyang sinabi may pa intense pa.

"Bumalik na siya"

Yun ang huli niyang salita at tumayo para umalis pero bago siya makalabas sa kwartong ito ay

"Sinong siya?"

Nginitian niya lang ako bago tuloyang umalis sa kwartong kinatatayuan ko ngayon. Yung ngiting di nakakapangilabot at nakakainis? di ko maexplain masyado ang yung ngiti niya.

Kung ilang oras ang byahe ko papunta dito ay wala namang oras yung pakikipag usap ko kay Red minsan talaga ang gastos niya!

Kinagabihan ay umuwi ako dahil bukas ay off duty ako.

At dahil kinagisngan ko ng bago ako umuwi ng tuloyan ay dumadaan parin ako sa bahay ni Alice.

Bakit? siguro nag babakasaling andon si Alice naka on yung mga ilaw. Pero sa tuwing dumadaan ako doon ay sinasaktan ko lang yung sarili kong umasa sa taong babalik kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi na siya babalik kahit kailan.

Pero nag iba ngayon dahil bukas ang mga ilaw sa bahay na iyon na nag bibigay rason para mabuhay ulit ang parang patay na bahay katulad ng naninirahan nito.

Bababa na sana ako ng sasakyan ng maalala yung natanggap kong text kaninang umaga kay Belle, nandito daw siya sa Pinas.

Inayos ko ulit yung seatbelt ko at tumingin ulit sa bahay.

Siguro si Belle ang nagpapabuhay ulit sa bahay na ito. Ang pag asa ko kanina ng makita ko ang sitwasyon ngayon sa bahay na aking tinititigan ay nawala na ng tuloyan.

Ang pag-asang baka si Alice ang rason kung bakit umiilaw na ulit ang bahay na ito ay biglang nawala na parang siya.

Napabuntong hininga nalang ako, sinulyap ulit ang bahay bago umalis para makauwi na ako ng tuloyan.

Ng makarating ako sa bahay ay dumiretso na ako sa paghiga sa sofa at nakikipag titigan sa kisame bago tuloyang nilamong ng antok.

Alice' POV

"Alam mo may nakalimotan si Dad eh lista." tugon ko habang nakatitig sa folder na binigay niya bago ako umalis ng Korea habang binabaybay ko ang hagdan pababa.

Ng makita ko si Belle na nakababad sa pinanuod niyang Ninja Assassin at umupo narin ako sa single couch

"Nakikinig ka ba?" habang nakatitig parin sa mga pangalangan na nakalista sa ffolder

"Oo sino?" tinignan ko ulit siya ng marinig ko ang tugon niya. Pero nakatitig pa din ang mata nito sa tv habang unti unting nililingon sa gawi ko ang ulo niya.

"Yung nagpapanggap na Red"

"Huh? diba napatay mo na yun?" at tuloyan na ngang nasa akin na ang atensyon niya kaya binalik ko na ulit ang mata ko sa folder.

"Yeah but di pa yung nakulong"

"Pati yun gusto mong patayin?"

Sinandal ko yung katawan ko at nag cross leg sabay tango

"Ayoko nga kasing may nagpapanggap"

"Bahala ka"

Tumayo na ako ng makita kong bumalik ang atensyon niya sa pinanuod niya kaya napailing nalang ako at tumayo.

Gusto ko munang makalanghap ng malamig na hangin sa gabi kaya lumabas ako.

Pero sa paglabas ko ng bahay ay nakita ko ang kotse ni Zyryl na may dalawang metro na ang layo dito sa bagay tila parang dumaan muna dito sa bahay.

Napangiti nalang ako ng makita ko ito.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now