#Chapter33

474 7 0
                                    

#Chapter33

Zyryl's POV

"uh? dito ko ba dapat kayo ibaba?" nilibot ko yung tingin ko sa paligid yung ibang sumasakay ng kotse kasi ay bumaba na ngayon at naglakad papasok lugar.

"No sa loob ba" tipid na sagot ni Alice, minsan talaga sa mga babae no hindi maintindihan? kanina di naman tipid kung sumagot si Alice pero ngayon ito siya ang tipid.

"Anong meron bakit may humaharang? sandali" aaksyon na sana akong bumaba

"Wag na security check lang yan"

"Ah sa kalagitnaan ng daan? papasok sa lugar niyo?"

"Oo"

"Ganon ba kaya katakot manakawan? masyadong mahigpit yung security niyo" napangiti naman ako, buti na din yun para safe din si Alice dito.

Isang minuto ang lumipas bago siya sumagot ng Oo.

Ng kami na ang susunod, pababain na sana ako ng isang security kaso ng makita sinung sakay ko ay pinapasok na agad ako.

May tatlong gate entrance at isang exit so bali apat na daanan ang meron sa labas pero pag pasok mo isang malawak na daanan nalang ito.

"San ko ba kayo ibababa?"

"Sa harap nalang ng main entrance"

Sinunod ko naman yung sinabi ni Alice, ng maipark ko ito sa harap ay nilibot ko yung paningin ko.

Totoo nga ang sabi nila, mag iinit yung ulo mo sa entrance palang pero sa pag pasok mo dito sa perimeter nila ay mawawala daw.

Sino ba naman ang di kakalma sa sobrang gandang landscape ng buong lugar? sa pag pasok mo ang bubungad sayo ay ang linya linyang mga puno at sa harap ng building nila ay may mini forest na parang hindi mini at garden na puno ng iba't ibang kulay at iba't ibang klaseng bulaklak.

Yung building nila di masyadong malaki tulad ng ibang mga kompanya, dahil sa main entrance ng building ay puno ito ng glass door at security guards tapos isang floor lang meron sa main entrance tapos may dalawa itong building na naka connect sa main entrance building, may lima itong palapag at isang glass wall corridor na nag connect sa mag kabilang building.

"Salamat sa pag hatid" napabalik nalang ako sa sarili ko ng mag salita si Alice kaya tumango nalang ako, bumaba naman siya.

"Zy Sundan mo lang tong daan sa pag ikot mo diyan sa mini forest via garden ay makikita mo ang parking lot tapos deritso ka lang makikita mo na ang exit goodluck" sabay takip ni Belle sa balikat ko at bumaba na rin ito.

Sinunod ko yung sinabi ni Belle sa akin, medyo napanganga ako dahil sa sobrang lawak ng parking lot at mas magada ang garden dito na side.

Ng makarating ako sa opisina ay umupo na agad ako sa upuan ko. Sandali kailangan ko munang bumalik talaga sa sarili ko dahil medyo nawala ito don sa pagkamangha ko sa kompanya nila Alice.

"Zyryl san na pala si Alice? diba titistigo siya sa nangyari?"

"Shit! nakalimotan kong sabihin teka lang"

Kinuha ko yung cellphone ko pero naalala ko na wala pala akong cellphone number niya pero bigla ko naman naalala yung nag text sa akin si Belle.

Hinanap ko ito at ng makita ko ay agad kong tinawagan ang number.

"Hello Belle?"

"Oh?"

"Paki usap naman kay Alice"

Tumahimik naman sandali

"Bakit?"

"Alice nakalimotan kong dapat pala dito ang punta mo ngayon"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now