#Chapter28

600 9 0
                                    

#Chapter28

Alice' POV

Tinitigan ko lang yung dalawang papel na meron sa mesa ka take note ito lang na papel ang meron ako dito sa mesa ko sa opisina.

Wala ngayon si Belle dahil tinatamad daw siyang pumunta dito wala din naman daw siyang gagawin dito.

Kinuha ko yung binigay ng tatay ko saakin nung bago ako umalis.

Dalawang tao lang ang nakalista at madali lang itong maalala.

Nilapag ko ulit yun at kinuha yung bagong bigay na listahan ng tatay ko yung listahan ng mga nanakawin ko.

Puro diamond?

"Huh teddy bear?"

Yeah pati teddy bear ay nanakawin ko. Pero di ito isang simpleng teddy bear dahil ang mga mata dito ay isang itim na dyamante at ang ribbon nito ay 24Karat Gold. Sinong baliw naman na ilalagay ang mga ganitong bagay sa teddy bear?.

Versace Dress? na may mga 30karat diamonds? okay? ano gagawin ng mga magulang ko sa mga ganitong bagay? may bibili ba nito?

nilapag ko nalang ulit ito sa mesa, huminga ng malalim at sumandal sa upuan.

Napaupo naman ako ng maayos ng makarinig ako ng katok at kinuha ko ang dalawang papel sa mesa at tinago sa drawer.

"pasok" tipid kong sabi.

Pumasok yung nasigawan ni Belle kahapon na may dala dalang tambak na mga papel

"uhm?"

"Ma'am Alice pinabibigay po ni Sir Alexander"

Napataas naman yung kilay ko ng unti unti niyang nilapag yung tambak na mga papel na dala dala niya.

"Kailan lang dumating yung kumag kong kuya?"

"Tumawag siya kanina ma'am at inutos ito."

"Ano naman to?"

"Sabi niya po basahin niyo lang po yan, yan po ang review sa mga nangyaring pagpapatakbo ng kompanyang ito sa mga nakaraang taon ma'am"

"what the fvck"

"p-po?"

"Ah wala sige umalis ka na"

"Sandali lang po ma'am aayusin ko muna ito year by year"

Tumango nalang ako at tinitigan ang mga kamay niyang ginagawa ang pag aayus ng mga papeles.

Yung kaninang dalawang papel lang ang nakapatong, ngayon ay di na mabilang na mga paoel ang mga nakapatong.

"Tapos na po ma'am"

"okay umalis ka na"

Nakita ko siyang nag bow at umalis na sa kwartong ito.

Tinititigan ko ang mga papeles ito at napamasahe sa noo ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ang tatay ko.

Ng sumagot ito.

"Dad!" tili ko kaya nakarinig ako ng malutong na mura galing sa kanya sanayan lang yan.

"Dad! Ano ba tong pinapagawa ni Kuya Alexander sakin?"

"Bakit anong ginawa sayo?"

"Binigyan lang naman ako ng tambak na review report sa mga nangyari sa kompanyang ito past few days."

"Buti naman"

"Dad! anong nakakabuti don? akala ko ba wala akong gagawin dito?! kundi ang mag plano pano ko gagawin lahat lahat ng binigay mong listahan saakin."

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now