#Chapter17

676 9 0
                                    

#Chapter17

"Wow" tipid na turan ni Alice ng masaksihan niya kung ano ang meron sa kasunod na palapag na kanyang pinuntahan

Bigla namang may tumakbo sakanyang isang babae na may hawak na maraming kutsilyo.

Di pa nakalapit ang babae ay tinaponan niya si Alice kaya naman ay hinanda niya ang kanyang sarili tumalon siya at sinipa niya ng kutsilyo pabalik sa nag tapon kaya sa isang iglap tumba na ang babaeng sumugod sakanya.

Pero sa pag apak ng kanyang dalawang paa sa sahig ay umulan ng kutsilyo papunta sa deriksyon niya kaya naman ay nagpa gulong siya papunta sa kabilang banda at pinagbabaril niya ito bago pa ito maunahan siyang patayin.

"Ngayon ko lang naisip ano ba rason mo at dinala mo ko rito Wolf?"

Nilapitan niya ang mga pinagbabaril niya at kinuha ang mga kutsilyo at tinapon niya itong parang nag dadart at ang target niya ang ulo nito.

"Bullseye 5/5 Red for the win" bulong niya sa kanyang sarili

"Masyado mong pinoprotektahan sarili mo sa mga ganitong tao" tinitigan niya ang bangkay ng pinagtitripan niya.

"Kung tayo kaya dalawa ang mag away hindi yung nagtatago ka diba?"

"You're still a weakling Wolf" ngumisi nalang siya at bumaba sa huling palapag.

"Huling palapag na asan ka na? mag uusap pa ba tayo?"

Nilibot ni Alice ang kanyang paningin suot ang kanyang ekspresyong boring.

Bigla siyang nakaramdam ng baril na nakatutok sa likod ng kanyang ulo kaya naman napabuntong hininga si Alice.

"Alam mo ba ngayon ko lang naisip to."

Umikot siya sabay hawak sa braso ng tumutok sakanya ng baril at pinaikot niya ang taong ito, sinipa niya ang legs nito kaya naman napaluhod ito.

Napangisi naman si Alice pero di rin nagtagal dahil naramdaman niyang hinawakan siya nito paa pero bago pa siya nito mapatumba sinipa niya ng malakas

"Ah!"

"Ano akala mo? uhm?" Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang kamay nito. Nilabas niya ang kutsilyong kinuha niya kanina at tinutok niya ito sa leeg.

"Uhm? ano?"

"A-ano?"

"ugh!" Napaungol sa sakit ang lalaking hinostage ni Alice dahil sa pagsaksak ni Alice sa kanyang paahan.

"Wag mo kong pinapahirapan ah! fvck!"

Nilingon ni Alice ang dumaplis sakanya ng kutsilyo, tinignan niya ang braso niya ngumiti siya ng makita niyang nag uunahang lumabas ang dugo.

"Pinag mumukha niyo akong di niyo ko kaya ah!"

Sinipa niya yung lalaking hinostage niya sa likod niya humarap siya dito ay tinapakan ang nakatarak na kutsilyo sa paahan nito kaya nawalan ng malay ito.

"Ano?" Nakipag titigan siya sa mga bagong dating

"Asan si Wolf? siya may kailangan sakin bakit niya ako ginaganito?"

"Natatakot ba siyang harapin ako?"

"Ako nalang ba ang salita ng salita dito?"

"ibaba mo ang hawak mong baril"

"Fvck you"

Agad niya itong binaril pero di na siya nagulat ng mabaril niya ito may sumunod na umatake sakanya.

Sa isip niya talagang talo siya dito dahil napakarami ng kalaban niya ngayon at pinapalibutan na siya.

Umiling siya at yumuko para maiwasan ang paparating na kutsilyo at gumulong siya sabay kuha sa baril at kutsilyo nung pinatay niya kanina at walang pagdadalawang isip itinapon niya ito sa harapan niya at pinag babaril ang magkabilang banda niya.

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon