#Chapter31

526 9 0
                                    

#Chapter31

Alice' POV

Ng makarating kami sa bahay pinapasok ko muna si Zyryl at dumada na naman si Belle.

Dumiretso ako ng kusina at uminom ng tubig. Naalala ko na naman si Wolf! dapat madaliin ko na ang pag hahanap sayo bwesit ka!

Napabuntong hininga nalang ako ng biglang pumasok sa isipan ko na pupunta ako sa opisina nila Zyryl at titistigo sa nangyari. Napamasahe nalang ako sa noo ko.

"Alice?"

Napaayus naman ako ng tayo ng marinig ko boses ni Zyryl

"Uhm? uuwi ka na?"

"Pwede bang dito nalang ako matulog babantayan ko kayo baka kasi may susugod na naman"

"hindi mo naman ka--" naputol yung sasabihin ko ng biglang dumating at sumabat si Belle.

"sige Zyryl dahil baka anong mangyari sa amin dito di namin kayang patayin este labanan lahat kung sakali"

Tumango naman si Zyryl at ngumiti ito.

"sige uuwi muna ako" tumango nalang ako at umalis na siya, sinamaan ko ng tingin ang nakangisi at sinusundan ng tingin si Zyryl.

"Kwento ka na dali"

"Tignan mo nalang sa tv bukas matutulog na ako masyado akong pagod"

"Bakit teleserye na ba yang buhay mo?"

"Hindi pero suki ako ng balita" yun lang ang huli kong binitawang salita at umakyat na ng kwarto, maliligo muna ako bago matulog.

Belle's POV

What the hell nag mala action ka na naman ba Alice?! at pati itong empleyado ng gobyerno ay sinama mo?! Hindi lang empleyado isa din siya sa humahawak sa krimeng ginagawa mo Alice!

Napaharap naman agad sa pintuan ng bumukas ito, niluwa ng pinto si Zyryl napatango nalang ako at umupo sa couch at sumunod naman siya. Tinignan ko ito ang fresh na niya di tulad ng kanina nung dumating siya kasama si Alice sobra niyang hagard parang galing nirape ng pitong bakla.

"Asan na pala si Alice?"

"Ah si Alice? andon na sa taas natutulog na dahil pagod daw siya"

"Haha sino ba naman ang di mapod sa nangyari"

"Eh kwento mo nga sa akin ano nangyari?" sumandal ako sa upuan ko dahil sobrang handa na ako para makinig sa mahabang kwento ngayong gabi.

"Nakita ko si Alice sa daan kung saan papunta dito sa atin, may pumalibot sa kanyang limang sasakyan at sa tansya ko lima din ang taong laman, tinakasan namin sila pero sinundan kami tapos ayun"

Napaayus ako ng upo sa sinabi niya

"Yun lang?!"

Tumango lang ito at tumulala na naman na parang may iniisip.

Zyryl's POV

Babalik ako sa opisina bukas kaya dapat may lakas ako pero ito ako ngayon nakatulala at nakipag kompetensya sa kisame nila Alice.

Napabangon nalang ako at ginulo yung buhok ko, bakit ganon? masyadong pagod yung buong araw ko pero ito ako di makatulog.

Natigil ko yung pag gulo ko sa buhok ko ng makarinig ako ng pag bukas at sirado ng pinto sa itaas. Nilingon ko iyon nakita ko si Alice nakatingin pa dito sa kinalulugaran ko kaya napatayo ako.

"Alice" bumaba ito kaya sinundan ko ito ng tingin.

"Ba't gising ka pa Alice?"

"Nagigising talaga ako tuwing 3am"

"Huh? 3am na?" tumango naman ito at umupo sa single couch na katabi lang nitong kinahihigaan ko kanina, umupo na din ako.

Pinasidahan ko ito siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Naka sports wear ka? mag jojogging ka ba?"

"Pano mo nalaman?"

"Kasi naalala ko yung una tayong nagkita ganyan din suot mo naka sports wear ka." napa ngiti nalang ako ng maalala ko yung una naming pagkikita.

"Ah oo sana kaso nakita kitang gising kaya ipagliban ko muna" natahimik kami ng ilang minuto parang nag tutulakan kami gamit ang aming katahimikan, kung sino maunang mag salita.

"Alice pwede ka bang matanong sa mga nangyari sayo noon?"

"Sige"

"Bakit napunta ang mga gamit mo doon sa sumabog na building kung wala ka naman doon?"

"Di ko naman sinabi na wala ako doon eh" ngumiti naman ito habang nakatitig sa mesa.

"Andon ako Zyryl, kaso nga lang nakatakas ako nakaalis ako ng buhay doon bago pa lukopin nang pag sabog ang buong building"

"bakit ka napunta doon? diba hinatid pa kita noon sa skwelahan mo?"

"Yeah.. pero may kumidnap saakin nung panahon na yun kaya ako napunta doon at yung mga humarang sa akin kanina ay tauhan ng kumidnap sa akin"

"Bakit nakita yung id mo sa isang bangkay at pina dna namin yung bangkay ay positive ito"

"Yung ID? yun ang di ko alam pero yung dna result ay binayaran ng mga magulang ko yung nag test para ipalabas na ako yung namatay, susugod na kasi dapat yung mga magulang ko sa opisina niyo para malaman ang totoo pero di natuloy dahil nakarating ako sa bahay at sinabi kung ano nangyari sa akin."

"Bakit ngayon ka lang nag pakita saakin Alice? bakit hindi yung panahon na nakatakas ka pala sa pag sabog?"

"Dahil ayokong may makaalam na buhay pako pwera sa pamilya ko dahil alam kong babalikan ako nung kumidnap sa akin tulad ngayon alam na niyang buhay pa ako kaya pinag tangkaan na naman niya buhay ko"

"Alice alam mo bang hinanap kita kahit sinabi na ng iba na patay kana?"

"Magiging patay ang isang tao kung iisipin ng iba na patay na talaga siya, pero dahil iniisip mong buhay pa ako ito ako ngayon" I heard her chuckle kaya naman napalingon ako sakanya. Ngayon ko lang iyon narinig.

"Nakita ko yung sasakyan mo last week dito sa bahay lumabas ako ng bahay non tapos nakita ko yung kotse mo paalis dito saamin"

"Talaga?" tumango naman ito.

"Kamusta ka na Alice?"

"Nakita mo naman kanina diba? okay pa ako nakapag bugbog pa nga hahaha"

"Buti naman, buti din at ngumingiti at tumatawa ka na"

"Bakit di ba ako ngumingiti at tumatawa noon?"

"Yung una at huling ngiti at tawa mo ay yung huling hatid ko din sayo sa skwelahan mo"

"Talaga?"

"Yeah, pumapasok ka pa din ba?"

"Hindi na, nag tatrabaho na ako sa kompanya namin"

"ikaw na humahawak sa Kyril Company?"

"Hindi din kuya ko, ewan ko ano tawag sa trabaho ko doon."

"Ano ba trabaho mo don?"

"Taga upo"

"Taga upo?"

"Oo buong mag damag akong nag kulong sa opisina ko tapos wala naman akong gawin so taga upo lang ako don"

Natahimik na naman akong dalawa.

"30 minutes palang ang nakalipas gusto mong samahan akong mag jogging?"

"pwede ba?" tumango naman ito.

"Dumaan muna tayo sa bahay dahil yung suot ko"

"Yeah ahaha.." umuna naman ito ng tayo at lumabas ng bahay kaya sumunod naman ako sakanya siniguradong nilock yung bahay nila dahil andon pa si Belle natutulog sabi naman ni Alice okay lang eh lock dahil may dala naman siyang susi.

Nilingon ko siya ng nag simula siyang mag jogging, napangiti nalang ako Alice is really back, we meet in unexpectedly and extraordinary way.

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon