#Chapter29

527 9 0
                                    

#Chapter29

Zyryl's POV

Sa kalagitnaan ng aming tahimik na gabi ay busy kaming lahat ewan ko ba ba't ang busy namin.

Pero sa isang iglap ang tahimik ay nadisturbo ng isang ring ng telepono, hindi sa aming mga telepono kung saan sa mesa namin nakalagay kundi ang teleponong nakadikit sa pader.

Ibig sabihin lang noon ay emergency ang tumatawag don kaya kaming lahat ay sabay sabay na napatayo at may tumakbo sa isa aming kasamahan papunta doon at hinintay siyang eh anunsyo ito.

"Zyryl"

"Oh anong sabi?"

"Yung hinawakan mong kaso noon ay patay na ngayon, pinatay daw ng di kilalang tao, pinasukan daw sila doon."

"Sino? yung Red Riding Hood?" sabat ni Joe

"Oo at kailangan daw tayong pumunta doon"

pagkatapos niyang bitawan ang huling salita niya ay agad naman nag siayus ang lahat at umalis kasama na ako don.

Pinatay si Red? Pano nangyari yun?!

Ng makarating kami sa kulongan ay agad naman kaming pinapasok.

Bumaba ako ng kotse ko at nilibot yung paningin ko medyo masilaw yung paligid dahil siguro sa nangyari kaya ganito ito ka mailaw ngayon.

"Sir.. may limang patay sa west wing di pa po namin ginalaw yun at yung bangkay ni Red." Report ng lumapit sa aming pulis, napamasahe nalang ako sa noo ko.

"Saan ba Control Room niyo dito?"

"Dito po" nag simula nang mag lakad yung tinanongan ko, di ko na alam san ako pupunta, kay Red ba? o don sa mga patay na bantay? ewan mas mabuti pang malaman ko muna anong nangyari sa mga oras na yun.

Pumasok kami sa isang kwarto na puno ng tv at isang computer set, nakapaloob doon ang mga nangyayari sa loob ng lugar na ito.

"Dito po"

Umupo siya sa harap ng computer at may pinindot pindot at may lumabas na pangyayari.

Tinignan ko lang ito bigla nalang natumba yung limang nag babantay sa lugar na iyon. Nang matapos iyon ay minimize niya at may pinindot na naman ang kwarto ni Red.

Napakunot nalang yung noo ko sa mga nangyayari. Red? bakit ganon? di man lang pumalag si Red? at nakikita ko pa sa mukha niya yung takot pero bago pa mag atake yung naka suot ng Red Hood ay nag usap pa sila sandali kasi nakita ko pang gumalaw yung bibig ni Red.

Pero yung pumasok bakit siya nakasuot ng Red Hood? tulad nong sinusuot ni Red? bakit? andami kong tanong sa mga nangyayari ngayon.

"Bigyan mo ko ng copy niyan" yan lang ang iniwan kong salita sakanya bago ako umalis sa lugar para puntahan yung lugar kung saan nangyari ang krimen.

Ng makapasok ako sa kulongan ni Red may agad binigay yung isa naming kasamahan.

Tinignan ko ito tulad ng dating ginagawa ni Red nag iiwan siya ng cookienote pero iba ito dahil naliligo ito sa dugo.

Sinilip ko yung bangkay pero tinabunan na nila ito ng puting tela at dinala sa labas.

"Ipapa autopsy daw ang bangkay ni Red"

"Hindi na kailangan.."

"Bakit Hilgen?"

"Wala naman tayong makikita pang ebidensya sa bangkay niya nakita ko yung cctv footage nilaslas lang ng nilaslas yung katawan niya at di hinawakan. Yung pintuan ba?"

"Walang finger print na nakita sigurado nag suot ng gloves ang salarin"

"parang cctv footage lang yung ebidensya natin"

"Hindi meron pa Hilgen"

Napalingon naman ako sa kasamahan ko sa sinabi niya.

"Yung mga kutsilyong nakasaksak sa mga nag bantay"

Tumango nalang ako, ng umalis yung kausap ko napaupo nalang ako at ginulo yung buhok ko.

Talaga naman oh! sino ba tong pumapatay?! nung una yung pekeng Red na nasa mindanao tapos kaninang umaga yung dalawang bangkay na di pa kilala dahil sa pagkabrutal ng pag patay tapos ngayon limang pulis na nag babantay at si Red.

Alice' POV

Pabagsak akong umupo sa upuan ko dito sa opisina.

"Ano ba Alice umagang umaga hinaharass mo ko" rinig kong reklamo ni Belle ayaw niya daw kasing pumunta dito kaya wala siyang nagawa kundi ang hilain ko siya papunta dito sa opisina.

"What the hell" rinig ko ulit kay Belle pero bulong ito na parang malakas.

Dinapo ko yung mga mata ko sakanya naka nganga siya habang nakatitig sa mga papeles na andito ngayon sa mesa ko.

Ng maalala ko yung sinabi ng sekretarya ng kuya ko ay sinipa ko ng malakas yung mesa kaya natumba ito.

Eh naiinis ako eh!

"Ayoko na mag trabaho!"

"Wag ka ngang mag wala!"

"Eh sa gusto ko eh! gusto mo pumatay nalang ako!?"

"Ah sige mag wala ka nalang diyan"

Zyryl's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung aksidenteng nangyari.

Mas rumami yung mga tanong namin. Pina autopsy namin ang katawan ng limang pulis at sabi nila na yung limang pulis ay pare pareha lang ang lalim at lugar nito sa pagsaksak sa kanilang mga puso, may naalala ako nito.

Si Alice.. naalala ko noon nung may niligtas siyang kinidnap yung pare pareha lahat ng tama ng baril yung mga binaril niya. Napailing naman ako sa naisip ko, hindi naman siguro si Alice ang may kagagawan non diba!? marami kayang taong gagawa ng tulad non! hindi lang si Alice!

Tapos yung bangkay ni Red.. yung paglaslas niya sa katawan ni Red sobrang lalim ng pagkagawa niya at sa paulit ulit niyang pag laslas ay pare pareha din ang sukat ng lalim non.

Nakakakilabot, lahat kami dito na sinabihan ay kinalibotan sa nangyari, siguro yung killer ay mahilig sa uniform, hindi literal na uniform na sinusuot yung uniform na pagkagawa sa mga bagay bagay kahit maliit na mga bagay.

Pinanuod ko ulit yung footage ng malaman ko yung resulta sa autopsy ni Red sa nakikita ko sa footage ay ang bilis ng ginawa niya, bakit ganon? nakaya niyang gawin iyon ng napakabilis?

Yung limang kutsilyong na nakatarak sa limang pulis ay sabi daw ay tulad lang daw ito sa kutsilsyong ginamit sa nakasuportang sinabit sa pekeng Red at sa matang nakadikit din sa pader gamit ang kutsilyong iyon doon sa Mindanao, ibig sabihin non na andito na yung pumapatay di ko alam sino susunod nitong papatayin.

"Feeling ko ibang kaso yung pag patay kay Red at don sa pekeng Red sa di kilalang dalawang bangkay"

Napalingon naman ako kay Joe

"Pinagsasabi mo?"

"Kung sa pag patay kay Red, sa limang pulis at sa pekeng Red ay sobrang linis dahil don sa pare pareha sila ng lalim, at lugar kung saan sinasaksak yung sa dalawang bangkay na nakita ay sobrang dumi, dahil sabi sa resulta ng autopsy nila ay pinagsasaksak ito kung saan saan at di pare pareha ang lalim ng saksak nito ay diba nakita mo naman lumabas yung bituka at kinuha yung dalawang mata at winasak don sa babae tapos yung lalaki ay pinutol yung pagkalalaki niya tapos binasag yung dalawang alam mo na eggs."

"Teka nga nalaman na ba kung sino yung dalawang bangkay?"

"Oo si Mae Ann Bilario at Joseph Bilario mag asawang galing sa mayamang pamilya"

Tumango nalang ako. Siguro nga.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now