#Chapter55

351 5 0
                                    

#Chapter55

Alice' POV

"Alice?"

"Uhm?" tugon ko habang naka tuon padin ang mata ko sa papel na hawak ko ngayon.

"Diba sabi mo isang linggo na kayo di nag kikita ni Zyryl?"

"Wala akong sinabi sayong ganon Belle"

"Yeah pero isang linggo na diba?"

"Yeah bakit?"

"Di mo ba siya namimiss?"

Napatigil ako sa ginagawa ko.

I miss Zyryl, isang linggo na kaming di nag kikita maski ang mag usap sa telepono ay di namin nagawa, o text wala, masyado akong busy ngayon dahil sa pinapagawa ng kuya ko saakin.

"Belle alam mo naman ano ang nangyayari saatin ngayon diba?"

"Yeah last week, monday nasa Kyril Motor Station ka tapos Tuesday nasa Kyril Hotel and Restaurant ka sa Pampangga, tapos Wednesday pinapunta ka sa France para tignan ang business doon tapos umuwi ka agad para sa Thursday schedule mong pumunta ng Palawan para tignan ang resort doon tapos Friday bumyahe ka na naman papuntang South Korea para ayusin ang problema sa isang entertainment company tapos Saturday umuwi ka dito sa pinas at inutusan ka ng kuya mo pumuntang Cavite para tignan Cafe doon tapos Sunday andito ka sa kompanya para sa mga report na eh rereport mo sa kuya mo mamaya."

Sumundal naman ako sa swivel chair at huminga ng malalim.

"Tapos ngayong week na monday umuwi ka sa South Korea dahil inutos yun ng mga magulang mo dahil namimiss ka daw nila tapos ngayong Tuesday pumunta ka sa coffee beans farm para tignan ang kalagayan doon tapos ngayon araw na wednesday ay mag rereport ka sa kuya mo sa lahat ng ginawa mo, tapos ngayong thursday pupunta kang Italy para tignan ang Jewelry business doon at ngayong Friday ay pupuntang Hongkong dahil may gaganapin na concert ang entertainment business niyo ang napiling humawak sa mag coconcert kaya on hands na ikaw ang titingin don kung tama ba ang lahat bago ang gaganapin na concert."

"Fvck" mura ko ng mahina

"Teka nga tao ka pa ba Alice?"

"Tanong mo sa gumawa ng schedule ko"

"Grabeng schedule to. kasama ba ako nito?"

"Tanong mo sa gumawa ng schedule ko"

"Buti nga at di ako pinasama last week sayo no? doon lang sa motor station pinasama"

tumahimik lang ako, oo buong linggo akong walang pahinga, buong linggo akong pinaulanan ng magaling kong kuya ng trabaho para daw di ako mahanap ng disgrasya sa buhay kom

"Nga pala Saturday at Sunday ang schedule mo dito ay pumunta ka daw sa New York for fashion show"

"Bakit naman ako?"

"Yun ang schedule mo eh atsaka invited ang pamilya natin Alice kaya kailangan may representative"

"Gusto mo ikaw nalang?"

"Yeah gusto ko pero sinabi ko na yan kay Kuya Alexander sabi niya sumama nalang daw ako tayo nalang daw dalawa"

"Ikaw nalang ako na bahala kay kuya ikaw na pumuntang New York gusto ko munang mag pahinga"

"Tsk fine."

"Alam mo Alice may napapansin ako sayo"

"ano?"

"Simula nong naging kayo ni Zyryl minsan ka na lang magnakaw bakit?"

"Baka gusto mong ikaw magnakaw ng ganitong walang oras?"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now