#Chapter80

589 8 0
                                    

#Chapter80

Zyryl's POV

"Wrong Move Zyryl Hilgen, wrong woman, you proposed with someone who have a dirty hand, she's the Red Riding Hood that you've been searching" paulit ulit kong basa sa mensaheng natanggap ko.

Ng mahatid ko si Alice sa airport ay dumiretso na ako ng uwi pero ito ang bumungad saakin sa pintuan ng bahay ko.

Ginulo ko naman ang buhok ko, at tinitigan ulit ang sulat.

"Hilgen!!, o problema mo?" Umalingawngaw ang ingay ng biglang pumasok si Joe sa bahay.

"Joe"

"Ano ba problema mo? halika ka na may pupuntahan tayo"

"Saan?"

"Basta tungkol kay Alice"

Agad din naman akong napatayo at nakita ko naman ang pag ngiti niya pero binaliwala ko nalang ito, at tahimik na sinundan siya.

Sabi na nga ba sa tuwing aalis si Alice papunta sa ibang bansa may mangyayaring di maganda. Sana pala di ko nalang siya hinayaan umuwi sa Korea, fvck!

Di naman totoo ang nabasa ko diba? dahil di naman iyon gagawin ni Alice, Yes nakita ko na siyang makipaglaban pero alam kong di siya si Red.

"Bakit tayo andito?" kunot noo kung tanong kay Joe ng makitang nasa harap kami ng opisina. Di naman ito umimik, lumabas lang ito ng kotse niya at sinundan ko naman ito.

Sa pagpasok namin may binigay siyang papel saakin tinignan ko ito puro ito larawan ng kotse ni Alice.

"Isa sa mga kateam natin ang hawak ng kaso ni Alice, bago ito mabasura tulad ng utos ni Mr. Alexander at nung kabangga ni Alice, sa pag inspeksyon namin sa kotse may mga nakita kaming kagamitan."

"Ano yun?" pumasok namin kami sa isang kwarto.

"Ito" tumagilid naman siya upang makita ko ang nasa harapan niya. Kumunot naman ang noo ko sa mga nakita ko.

"Ano yan?"

"Alam mong alam mo yan Hilgen, ikaw ang may hawak ng kaso ng nag iisang pinaka makaraniwang magnanakaw sa bansa natin."

"Red hood at mas lalong lumakas ang hinala dahil dito" kinuha niya ang isang pad na papel, no it's not an ordinary paper it's cookie note, Red's trademark

"Hindi lang yun, may nakita kaming isang kutsilyo at baril, well ang baril ay licence sa pangalan ni Alice, di ko alam pano nangyari bakit siya may lisensyadong baril I think it's Kyril's thing"

"Sinet up lang si Alice ni Red dahil alam ni Red na pwede kung pag bintangan si Alice bilang isang Red pero don siya nagkakamali."

"Asan ba ngayon si Alice Hilgen? kung talagang hindi siya ang nag mamay ari nitong ibang gamit, kailangan namin siyang ma panayam"

"Dadalhin ko dito si Alice Joe pero sa ngayon di ko muna magagawa yun, dahil wala siya dito sa bansa at sinisigurado kong hindi sakanya ang mga gamit na pinagbibintangan niyong sakanya"

"Okay okay relax ka lang Hilgen" sabay naman sa pag taas ng mga kamay niya.

Lumabas naman ako ng kwartong yun at sa building na iyon.

Zyryl, wag kang maniwala sa lahat ng yun, hindi kay Alice ang mga gamit na yun.

bigla namang pumasok sa isip ko yung sulat, yun ba ang ibig sabihin ng mga sulat na yun na natatanggap ko? bakit ganon?

Kung talagang si Alice at Red ay iisa bakit ito nagawa ni Alice saakin? mag papakasal na kami pero wala padin ba siyang planong sabihin saakin ang lahat?

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now