#Chapter52

403 5 0
                                    

#Chapter52

Zyryl's POV

"Lock na naman yung kwarto niya" Rinig kong sabi ni Belle

Andito ako sa bahay nila Alice, pumunta ako sa kompanya nila pero sabi ni Belle na hindi pa nag pakita si Alice sakanya. Kahit yung lalaking pumunta sa factory si Christian ay sinabi niyang di na niya nakita si Alice.

"Ano bang nangyari at kanina ka pa di mapakali?"

"Chill lang Zy, baka naman may pinuntahan lang"

Napailing nalang ako at ginulo yung buhok ko.

"Makikinig naman yun si Alice sayo kung mag eh explain ka lang"

"Tawagan mo nga"

"Naka off na yung cellphone niya kanina ko pa tinatawagan" sagot ko sakanya.

"Mag hihintay ka na naman b--" naputol yung sasabihin ni Belle ng naagaw ang atensyon namin sa bumukas na pinto.

"Alice?"

Alice POV

Ng makarating ako sa bahay bumaba ako sa kotse na di dala yung hood ko, kahit nanghihina ay pinilit kong mag lakad ng maayos lalo na't andito si Zyryl.

Pero sa pag bukas ko ng pinto ay napatingin muna ako sa dalawa habang nakahawak sa door knob na kung saan ako kumukuha ng lakas pero di rin ito nakatulong dahil bigla nalang ako natumba at napasuka na may halong dugo.

"Alice!" rinig kong sigaw ni Zyryl.

Pinunasan ko yung bibig ko at pinilit na tumayo.

Talagang pag nakita ko ulit ang Espanyol na yun di ko na talaga siya hahayaang makasuntok o sipa man lang saakin.

Bigla nalang akong nakaramdam ng may bumuhat saakin.

"I-ibaba mo ko"

"No! dadalhin kita sa hospital!"

"Kaya ko pa ibaba mo ko"

Alam ko sa sarili ko na nanghihina na ako at di ko na kaya ikaw ba naman na ulanan ng suntok sa tiyan at nawalan ka na ng oras bumawi ng lakas dahil malakas yung nakaharap mo.

"Hindi" Sinakay na niya ako sa kotse niya at sinetbelt

"Wag na wag matigas ang ulo please" Hinalikan niya naman ako sa noo at sinirado yung pinto, imbis na sayangin pa ang natitira kong lakas ay pinikit ko nalang.

Zyryl's POV

Ng makita ko si Alice na sinusuka yung kinain niya buong araw at may kasamang di gaanong maraming dugo ay napatayo na ako at sinigaw ang pangalan niya.

Fvck saan ba galing ang isang to at ba't ganon nalang kahina ng makauwi?!

Sa pag kakaalam ko malakas ang isang to, nakita ko na siyang makipag laban, pero bakit kaya? kung yung sinakayan niyang driver ng motor ang gawa nito sakanya talagang di ko alam ano magagawa ko sa isang yun!

"Uh? Zyryl maiwan nalang ako? ikaw na bahala sa pinsan ko? a-atsaka balitaan mo ko?" kahit medyo nagugulohan ako kay Belle tumango nalang ako at sumakay sa kotse.

"Fvck kanino bang sasakyan ang nakaharang?!" nag busina ako dito.

Belle's POV

Ng nag bomusina si Zyryl ay mas lalong bumilis ang pag tibok ng puso ko.

"Fvckshit ka talaga kahit kailan Alice"

Di ko na alam yung gagawin ko. Pupunta ba ako sa kotse na iniwan lang ni Alice na nakaharang sa kotse ni Zyryl o hayaan sila?.

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon