#Chapter30

576 8 0
                                    

#Chapter30

3rd Person's POV

Bago lang nakababa ang araw at magpakita yung buwan ng makarating si Alice sa Kapitolyo ng kanilang lugar kung saan andon ang susunod niyang nanakawin.

"The titled the fourth richest province in country is not bad andito lahat saamin ang mga mamahaling mga gamit pansin ko." bulong niya sa kanyang sarili ng nakababa siya sakanyang kotse at nilibot ang kanyang paningin.

Napadapo yung tingin niya sa main entrance ng kapitolyo may nag babantay na security guard.

Napabuntong hininga nalang siya at sinuot ang kanyang hood.

"Ito na naman tayo sa likod na naman dadaan" bulong niya at dumiretso sa likod ng building na ito.

Pero tulad doon sa harap ang entrance din doon ay may nagbabantay, nilapitan niya ito at sinaksak sa puso at tinago ulit yung kutsilyo niya.

Ng makapasok siya sa loob nilibot niya ang kanyang tingin pero walang tao at wala din doon ang kanyang pakay.

Kaya binilisan niyang umakyat sa ikalawang palapag at doon niya nakita ang isang dark blue diamond Star shape. Agad agad niya itong kinuha, tinago sa bag niya at tulad ng dati niyang ginagawa nilalagyan niya ito ng cookienote.

At dahil narin sa kalumaan ng kanilang kapitolyo ay wala itong alarm kaya tahimik niyang nagawa ang kanyang trabaho.

Binilisan niya ang paglabas sa kapitolyo at sumakay sa kanyang kotse.

"Walang excitement yung nangyari sakin tsk!" tinanggal na niya ang hood niyang suot at umalis na sa lugar.

Zyryl's POV

Pauwi na ako pero yung utak ko ay nasa trabaho parin, day off ko bukas ibig sabihin lang non wala akong ibang gawin.

Dapat bang di ako mag day off? dahil andami na naming inaasikaso ito ako day off ko?

Ah ewan! tsk uuwi ako! at dadaan ako sa bahay nila Alice baka sakaling makita ko siya!

Sa kalagitnaan sa pag dadrive pauwi ay napahinto ako ng ilang metro dahil sa nakikita ko ngayon.

"Alice?"

"Tama ba nakikita ko?"

Kumunot naman yung noo ko ng makita kong bumaba yung mga humarang sakanyang limang kotse, hindi lang humarang kundi nakapalibot sa kotse siguro ni Alice.

Agad naman akong bumaba pero napatigil ako ng bigla siyang sinugod ng limang kalalakihan na may dalang bakal pero napatumba naman agad ni Alice yung dalawa.

Tumakbo ako palapit sakanila at nilabas yung baril ko.

"Tumigil kayo! pulis to!"

Pinutok ko sa ere yung baril ko kaya napatigil sila at nilingon ako.

"Zyryl" nag tama yung mga mata namin ni Alice.

Yung akala ko ay titigil sila pero sumugod ulit sila at pati ako kaya naman ay agad napaiwas ako at sinipa sa tiyan yung sumugod sa akin para mapalayo siya sa akin at may oras akong lumapit kay Alice.

Ng makalapit ako sakanya at tinignan niya lang ako.

"maya mo na ako titigan Alice! tumakas na tayo"

Hinawakan ko yung kamay niya pero bago pa kami makatakbo ay may lumapit sa aming dalawa kaya nabitawan ko kamay ni Alicw dahil bigla nalang siyang tumalon at sinipa sa mukha yung dalawang sumugod

"ikaw mag drive" at may tinapon siyang susi sa akin sinundan ko siya ng tingin dahil tumakbo na siya papunta sa kotse niya kaya ng makita ko siya pumasok ay agad din akong pumasok sa driver's seat at sinimulang eh on ang engine.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now