#Chapter47

378 3 0
                                    

#Chapter47

Alice' POV

"Uuwi na ako" Natigilan naman ako ng umimik si Belle

Nag star gazing yung trip ni Zyryl kaya sinabayan ko pero tumayo naman agad ako.

"Teka Belle sasabay na ako"

Ng Aakmang na akong lumapit kay Belle ay hinawakan ako ni Zyryl sa pulsohan

"Mamaya ka na umuwi Alice"

"Gabi na kaya"

"Mamimiss kita agad eh kaya mamaya ka na umuwi"

"Putik naman kayo oh! mauna na ako Alice bahala ka sa buhay mo kaya mo naman eh"

Umupo ulit ako sa tabi ni Zyryl.

"Alice alam mo ba sabi ng mommy ko noon pag namatay ka daw magiging bituin ka"

"Sinasabi yun lahat ng mga nanay Zy"

"Kahit kailan ka talaga panira ka."

di naman ako umimik.

"Kahit ganon naniniwala parin ako na dalawa sa mga bituin diyan ay ang mga magulang ko."

"Ano bang rason ba't sila namatay?"

"Pinatay sila hanggang ngayon di ko pa alam sino ang pumatay sakanila."

"Just let go Zy"

"Yeah? at ang panginoon na ang bahalang mag parusa? sinasabi din yun ng mga nag cocomfort sa mga taong namatayan"

"Di ko naman sinabing ganon"

"Hindi ba?"

"Hindi, just let go that fact Zy dahil masyadong mabigat sa dibdib ang mag tanim ng galit ewan di ako magaling mag payo"

"Haha nah you're the best"

"Diba dapat nasa trabaho ka?"

"Wala naman akong inaasikaso don so far so good masyado ang buwan na ito dahil wala kaming natanggap na krimen at so far so good din na walang ninakaw si Red, si Red lang naman kasi nag papasakit ng ulo ko"

Umiwas naman ako ng tingin sakanya ng di pahalata, tumingala at nakipag titigan sa mga kumikislap na mga bituin

"Tara ihatid na kita sainyo?"

Tumango naman ako at sabay kaming tumayo dalawa.

"Don kaya ako sa bahay niya matulog ngayong gabi?"

"Masyado mo ng sinanay yung sarili mo matulog sa sala ah"

"Gusto mo sa kwarto mo naman ako masanay matulog?"

Tumawa lang ako sakanya. Tahimik naman kaming dalawa habang tinutungo ang daan pauwi sa bahay.

Ng makarating kami ay agad naman kaming dalawa nag paalam sa isa't isa.

"Pumasok ka na" Tumango naman ako dito at pumasok na sa bahay.

Kinabukasan, tulad parin ng dati naming ginagawa hinahatid kami ni Zyryl sa kompanya.

At tulad din ng dati wala kaming ibang ginagawa dito sa opisina.

Huminga ako ng malalim at tinatamad na nag hila ng isang folder at binasa ito.

"Mag usap nalang tayo Alice."

"Ayoko makipag usap sa isang madaldal"

"Seryoso kasi"

"Seryoso naman ako"

Binaba ko yung 2015 reports at tinignan si Belle, na naka upo sa sofa habang naka tingin saakin.

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon