#Chapter24

642 13 0
                                    

#Chapter24

Alice' POV

Umalis ako ng bahay alas tres ng umaga para gawin ang dati ko pang routine pero bago ako umuwi ay dumiretso ako sa Fit and Do Crime Gym, yung gym sa abandonadong building ang huling punta ko dito at yung nagkita kami ni Belle dito at ni katiting ay di niya ako napurohan.

Napangisi nalang ako sa eksenang iyon ng pumasok ako walang tao.

Himala lang kung ituring ang sitwasyon ito yung walang tao? bakit? dahil ni minsan ay di ito nawawalan ng tao ibig sabihin ay walang himala talaga.

Di na ako nag taka ng biglang may tumapon sa akin ng kutsilyo pero imbis na bumaon ito sa mukha ko at bumaon ito sa binti ng tumapon non. Napigilan ko nga ang pag tuloy ng pag baon ng kutsilyo sa mukha ko pero di naman nakita ng mga taong nag tatago dito ang pag tapon ko pabalik sa nag mamay ari nito.

Ang narinig nalang nila ay isang daing. Kaya biglang umulan ng kutsilyo at bala ng baril sa kinalulugaran ko kaya naman wala akong nagawa kundi ang umiwas lang ng umiwas ikaw kaya try mong pigilan lahat ng kutsilyo at bala ng baril ng sabay sabay kung kaya mo.

Agad naman napuno ng daing ang buong kwarto dahil sa angking bilis ko ay di nila napansin ang pag tapon ko sakanila ng kutsilyo wala na akong paki kung saang banda ng katawan nila ito tumama basta ang akin lang sa ngayon ay tumama ito sakanila.

May narinig naman akong palakpak kaya naman ay napalingon ako doon nakita ko yung kaibigan ko na may ngising suot habang nakapalakpak.

"Ayoko na makipag one on one sayo Red"

"Tsk"

"Bumalik ka lang galing ibang bansa mas gumaling ka ata"

"Ofcourse and thank you sa paraan mo kung paano ako eh welcome Gem" may diing pagkakasalita ko yung pag tawag ko sa pangalan niya. Kaya mas lalong lumaki ang ngiti niya.

"Namiss kita"

Umikot nalang ang mga mata ko sa lumabas na salita sa kanyang bibig.

Umuwi ako ng alas syete ng umaga, isang oras akong nag jogging dalawang oras nag work out at isang oras nag pahinga doon sa gym bago ako umuwi.

Pero sa pag uwi ko wala akong nadatnan na Belle na nakababad sa tv kaya umupo nalang ako sa couch pero wala pang limang minutong pag upo ko dito ay biglang bumukas ang pinto at pinasok ang Belle.

Tinitigan ko ito sa mukha para itong may ginawang bagay na pinagsisihan niya, sa sobrang busy niya pag iisip ng kung ano ano di niya napansin ang presensya ko kaya tinaponan ko ito ng kutsilyo pero yung target ko ay ang pinto na nasa likod niya.

"Holy sh-t ano ba!"

"San ka galing?"

"Nag jogging?"

Napangisi nalang ako sa sinabi niya.

"Masyado kang bold dahil nababasa ko mula dito sa mukha mo Belle na hindi ka nag jogging at isa pa..." tinuro ko ang mukha niya gamit ang isa ko pang kutsilyo sa mukha niya pababa sa suot niya.

"Jogging? ganyang suot? Sophisticated look? really?"

"Bakit ba? I love trying something new"

"No you don't, now tell me saan ka nag sususuot na ganyan ang suot?"

"Jogging nga"

"I know you are doing some business Ms. Belle Kyril? May I know it?"

"Fine! pumunta ako ng opisina"

"No you don't"

"Yes I do"

"Kahit di ako tumawag sa opisina at tanongin ang kung pumunta ka nga doon kitang kita ko sa mukha mo na hindi doon ang pinunta mo, now tell me baka may gawin akong di maganda ngayon"

"yeah right tinatakot mo na naman ako" umikot pa yung mga mata niya.

Mas lalo akong naintriga sa inaakto niya may sekretong ginawa itong isang to.

"Ano may sasabihin ka ba?"

"Wala nga kasi!" Pabadyak siyang nag martsa sa kanyang kwarto pero bago siya makapasok ay dinaplisan ko siya sa braso niya at yung kutsilyong tinapon ko sakanya ay nauna pang pumasok sa kwarto niya at napaungol naman siya sa ginawa ko.

"Wag kang oa daplis lang yan at mababaw lang"

"Masakit parin!" at ngayon ako naman yung umikot ang mga mata.

Nakita ko pang naluluha siya kaya tumayo na ako at dumiretso sa kwarto ko.

"Yung damit ko" yan ang huling narinig kong sinabi Belle kaya napangisi nalang ako.

sa pag sirado ko naman ng pinto ay bigla namang kumabog ito

"Hoy Alice alam mo bang limited edition to?"

"hindi"

"Ngayon alam mo na!?"

"Oo"

"Wala ka talagang kwenta kausap! yung damit ko" rinig kong tugon niya na may lungkot na boses at narinig kong pag sirado ng pinto ng kwarto niya na ibig sabihin ay pumasok na siya.

Napailing nalang ako at naligo para pumasok sa trabaho.

Zyryl's POV

"Bumalik na si Alice she's alive and kicking I wish magkita kayo, wag mo siyang hanapin let destiny decide for both of you"

Rinig ko na naman sa isipan ko kanina pa yan umiikot sa isipan ko sa totoo lang kay di ako muling makatulog kaya napaupo nalang ako at nakipag titigan sa pader.

Dumiretso ako ng banyo naligo ng mabilis at nag bihis.

Agad naman akong lumabas ng bahay wala na akong paki kung di pa ako nag aayos tumakbo na ako papunta sa bahay nila Alice.

Pupuntahan ko siya sobrang tagal ko na siyang hinahanap tapos sasabihan lang akong hindi siya hahanapin na binigyan na ako ng kasiguradohan na buhay nga siya.

Ng andito na ako sa harap ng bahay nila bubuksan ko na sana ito pero naka lock kaya naman ay kinatok ko to.

"Alice! lumabas ka! Belle! ilabas mo si Alice! ilabas mo siya!"

Katok ako ng katok pero wala paring bumubukas ng pinto.

"Wawasakin ko tong pinto pag di mo niyo ito binuksan"

Nararamdaman ko na yung unti unting bumabasa yung mga mata ko bakla na kung bakla pero talagang naiiyak ako dahil sa sobrang tagal na tagal ko na siyang hinahanap kahit sinasabi nila na patay na ito pero hinahanap ko padin siya pero ngayon na binigyan ako ng kasiguradohan gusto ko siyang makita talaga.

Pero biglang napatigil yung pag wawala ko sa pinto nila dahil

"Iho umalis yung dalawang tumitira diyan bago lang"

Napaharap ako sa nag salita sa katabi ng bahay nila Alice ito nakatira at nakaupo lang siya sa upuan niya na nasa labas yung rocking chair.

"po? san sila pumunta?"

"Ewan ko iho basta umalis sila bago lang parang papasok sa trabaho"

"San po sila pumunta?"

"Di ko alam iho"

Bumagsak nalang yung dalawang balikat ko sa sinabi ng matanda at naalala ko yung sinabi ni Belle.

".... let destiny decide for both of you"

Peste ka talaga kahit kailan Belle alam mo talagang alam mo na pupuntahan ko siya kaya ganito? napasipa nalang ako sa bermuda grass nila Alice sa sobrang inis ko.

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now