#Chapter49

364 4 0
                                    

#Chapter49

Alice' POV

Umalis na ako ng kompanya ng maaga di na ako nag paalam sa kahit sino don bahala sila kung mag hahanap sila sa akin.

Napabunga nalang ako ng hangin ng makasakay ako ng taxi.

"San po tayo ma'am?"

Sinabi ko naman yung lugar kung saan ako ibababa at tumingin sa labas ng bintana.

Tinatanaw yung mga nadadaanan namin.

Now what? I'm not good in relationship kaya di ko alam ano gagawin ko sa kulang nalang bumuga ng apoy sa galit si Zyryl.

Should I explain?, duhh kahit naman mag explain ako papakinggan ba ako non? hindi naman eh! mag explain ba ako sakanya huhupa ba galit niya? magiging okay ba kami? tsk! bahala na.

Tumigil naman yung taxi kaya agad naman akong bumaba.

"Ma'am bayad niyo po?"

"Ay manong hintayin mo nalang ako wala naman kasing dumadaan dito na taxi ehh papahupain ko lang yung galit ko dito"

"Okay lang po sainyo na tumatakbo yung metro?"

"Okay lang po manong babayaran po kita" ngumiti naman ako ng tipid dito at tumingin sa kapaligiran ko.

Magdidilim na kaya unti unti ng nag oon yung mga light sa buong lugar. Huminga naman ako ng malalim nagugulahan talaga ako sa gagawin ko ngayon.

Uhm siguro magnanakaw nalang muna ako? baka sakaling don huhupa galit ko baka sakali lang naman eh.

Sumakay ulit ako sa taxi at umuwi sa bahay namin.

Ng makarating kami sa bahay nag bayad ako ng 1thousand.

"Naku ma'am 600 lang po yung nasa metro at wala akong pang sukli sayo"

"okay lang po manong keep the change" pumasok ako ng bahay at nakita ko si Belle at Zyryl

"Alice!" sigaw ni Belle kaya agad naman napalingon sa gawi ko si Zyryl na may kunot noo.

"san ka galing? siguro kasama mo yung lalaking yun no?!"

"Umalis ka nalang Zyryl wala ako sa mood palalain yung away natin"

"Fvck Alice! kanina pa kita hinahanap alam mo ba yun!? tapos ganito lang!? tama nga siguro ako na kasama mo yung lalaki mo!."

Bumuntong hininga naman ako at nilagpasan siya pero bago yun mangyari hinawakan niya ako sa pulsohan kaya naman winaksi ko yun at nagmadaling pumasok sa kwarto ko at nag lock.

'Wala ba itong tiwala saakin?' yan yung pumasok sa isip ko ngayon kaya mas lalong nag dilim paningin ko, naligo ako at nag bihis ng fitted black jeans and long sleeve fitted blouse at black flat shoes.

Syempre makakalimutan ko ba ang pula kong hood? tsk no way, di ko pa iyon sinuot at tumalon galing sa bintana at mabilis na umalis sa bahay namin at pumunta doon sa bahay na nakatambak na mga sasakyan namin.

Pinili ko lamang yung motor at dumiretso na agad sa lugar kung saan yung nanakawin niya.

Isang sword na pagmamay ari ng Porquillo Royalty at di lang ito isang ordinaryong sword dahil ang handle nito ay isang 24karat gold at symbol na nangangahulugang Porquillo ang nagmamay ari nito pero ang gamit sa pag guhit ng simbolo ay maliliit na mga diamonds.

Ng maipark ko ang motor sa madilim at hindi medyong malayo ay tinitigan ko muna ang bahay na nasa harap ko.

"Bahay ba ang tawag nito? tsk"

The Thief Red Riding Hood ✔Where stories live. Discover now