#Chapter76

366 4 0
                                    

#Chapter76

Alice POV

Kakauwi ko lang galing France at masyadong drain yung enerhiya ko, ng makalapag ang sinasakyan kong eroplano sa France dumiretso ako sa opisina ng tatay ni Belle at nakausap ko ito. Pinapaayos saakin ang kagulohang nangyayari sa Pinas, ng matapos ang pag uusap namin nag pa book agad ako para makauwi agad, kaya ito ang dilim pa pero gising na gising ang mga tao dito sa airport.

Alas kwatro pa ng umaga.

"Alice!"

Nilingon ko naman ang tumawag saakin. Kumunot naman noo ko, nilapitan ko sila.

"Bakit ka andito?"

"Syempre sabi mo 4 am lalapag ang eroplanong sinasakyan mo kaya andito ako sinusundo ka"

"kasama siya?" turo kay Lea.

"Hi" tinitigan ko lang siya ngumiti naman ito na may ibig sabihin.

"Nagkita lang kami nag jojogging siya at napadaan sa coffee shop na pinag bilhan lo din ng kape para sa ating dalawa" binigay naman ni Zyryl ang isang kape na hawak niya tinanggap ko naman ito.

Biglang may nag ring na cellphone sa aming tatlo, si Zyryl ang nag labas ng cellphone ibig sabihin sakanya galing yung nag iingay na phone.

"Sandali lang ah? kakausapin ko lang to" umalis naman ito at sinagot ang tawag.

"Red... Red.. Red"

"Ano?" tumawa naman ito ng mahina.

"Di mo man lang ako pipigilan? ah sabagay madumi nadin naman yung pangalan mo kaya siguro hinahayaan mo kong mas lalong dumihan ang pangalan mo"

"Wala ka man lang bang magawa sa buhay mo?, umuwi ka na sa Spain"

"Nag eenjoy pako dito eh"

"Fvck you"

"Akala ko totoo yung sinasabi sa mga balita na delikado kang banggain bakit parang nung nakaharap kita bakit ang hina mo?"

Di naman ako umimik, hinayaan ko siyang dumada ng dumada.

"Ang dali mo nga lang nabaril nung nasa L.A ka, at nabugbog pa kita nung nagkita tayo" tumawa naman ito ng mahina at umiling.

"Akala ko totoo yung sinasabi nila di pala, Red is weak, don't worry ako na mismo mag sabi sakanila di ka naman pala delikado, don't bother okay?"

"Don't worry too, pinapasabi ni Red na magkikita din kayo di man ngayon mag hintay ka lang." sabay ngiti ng tipid.

"tara na?" Nakita kong magsasalita pa sana siya ng sumulpot si Zyryl at inaya kaming umuwi, hinawakan niya naman ang kamay ko at sabay kaming naglakad at hinayaan si Lea.

"Alam kong pagod na pagod ka kaya eh uuwi na kita agad agad sa inyo."

"May trabaho ka ba?"

"Mamaya pa"

"Doon muna ako sa bahay mo pwede?"

"Baka pagalitan ako ni tito"

"Please?" may paglalambing kong tono.

"Tsk fine, basta pagnakapag pahinga ka na eh uuwi kita sainyo"

"Bakit parang pinapauwi mo talaga ako? di tulad noon na kulang nalang itali mo ko wag lang mahiwalay sayo"

"Pinapasabi po ng tatay mo na eh uwi ka kaagad pag nakarating ka na dito sa Pinas at mas okay na yung ako yung bumibisita sayo kaysa sa yung ikaw ang naglalabas ng bahay niyo di natin alam may mag tangka na naman sayo, sabi ng tito di pa daw nahuhuli yung bumaril sayo sa L.A, naiintindihan mo na po ba ako? kahit gusto gusto kong masolo ka pero babaliwalain ko muna yun para sa kapakanan mo"

The Thief Red Riding Hood ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon